Chapter Seventeen

Bắt đầu từ đầu
                                    

Kaya tama lang na tapusin niya na ang paghihintay ko at maging secured na talaga ako na hindi na niya ako iiwan ulit.

“Ceddy...” tawag ko sa kanya.

Lumingon naman agad siya sa akin na nakangiti. Yung ngiting purong saya at walang bahid ng anumang alalahanin.

“Thank you,” nakangiti kong sabi.

“No, Ella. I should be the one thanking you.” Hinawi niya yung ilang bangs ko na nalaglag na mula sa pagkakapusod ng buhok ko. “Thank you. Thank you for the long wait. Kahit hindi mo aminin, I know, you did. I know, you have waited for me for so long.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinalikan niya ako sa noo.

Yeah, hindi ko man aminin pero totoo ang sinabi niya. I’ve waited for his come back. Pinuno ko ng galit ang puso ko para pagtakpan yung totoong nararamdaman ko. Na kahit iniwan niya ako noon, palagi pa din akong nag-aabang sa bawat araw sa pagbabalik niya.

Sa buong panahon na wala siya, naghihintay ako at umaasa.

“Thank you,” sabi niya ulit habang nakadampi pa din sa noo ko ang mga labi niya.

Humiwalay siya sa akin at tinitigan niya ako. Ginantihan ko naman ang pagtitig niya sa akin. Parang wala na kaming pakialam sa mga tao sa paligid namin.

~~~o~~~

Cedric’s

I'm really glad to have her here now, in front of everybody.

Akala ko noong umalis ako, hindi na mangyayari ang mga ito. Akala ko, wala na akong babalikan. Akala ko, wala ng magiging ‘kami’ sa pangalawang pagkakataon. Akala ko, wala na ang lahat sa amin.

Mabuti na lang, naging matapang ako sa kabila ng napakaraming ‘akala’ na 'yon. Mabuti na lang, sa pagbabalik ko ay hindi ako kinain ng takot katulad noong umalis ako ng hindi nagpapaalam sa kanya. Mabuti na lang, sa kabila ng pagkakamali ko ay tinanggap niya ulit ako.

Mabuti na lang... mahal niya pa din ako.

Nagsisimula pa lang ulit kami ni Ella and I have no intention to hurt her again and not anymore.

Natapos magsalita ang mga parents namin. Tumayo na ako at inalalayan ko din si Ella na tumayo mula sa inuupuan namin sa gitna ng stage para kami naman ang humarap sa mga bisita.

Pakarating namin sa unahan ay humarap ako kay Ella na may magandang ngiti sa mga labi. Sinuklian niya naman ako ng isang matamis na ngiti.

Inilabas ko sa bulsa ko ang isang maliit na box at binuksan ko iyon sa harapan ni Ella. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya kahit pa alam naman na niya na engagement namin ngayon.

Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. “Tonight, I will make a promise that will last a life time to you, Ella... just marry me and I will love you for the rest of our lives.”

~~~o~~~

Ella’s

Yes…

Gusto kong isigaw iyon sa kanya pero hindi ko magawa. Parang nawalan ako ng abilidad na magsalita dahil sa nauumapaw na kaligayahan na nararamdaman ko ngayon. (Ansabe ng tagalong ko? Kasing lalim ng balon. LOL!)

At dahil nga napipi ako ay niyakap ko na lang si Cedric at saka ako napaiyak sa balikat niya. Naramdaman ko naman ang pagganti niya ng pagyakap sa akin.

Oh, my gahd… sobrang saya ko at ayoko nang matapos pa ang kasiyahang nararamadaman ko ngayon.

“Is that a ‘yes’?” tanong pa ni Cedric.

♡ The Promise ♡Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ