Chapter 1

4 3 0
                                    

"Take care in Manila, Alianna. Do not forget to call me from time to time at yung mga bilin ko," Mommy said before hugging me tightly.

I'm going to Manila to study, I got accepted in National University and my course is Civil Engineering. I cried when I saw that email, NU is my dream school since I was in high school.

May binili na condo sa 'kin sina Mommy at Daddy malapit sa unibersidad kaya hindi na ako magaalala kung saan ako tutuloy.

I ran to Chantriana and hugged her, I will miss this brat so much. Malapit na rin naman siyang gumraduate at sumunod sa 'kin pero mamimiss ko pa rin siya at ang kabaliwan niya.

"Hindi ka naman pupunta sa Saturn maka-hug ka naman sa'kin. Ako lang 'to Ate," Humagikgik siya. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya, Kinalas ko ang yakapan namin at si Mommy ay tuloy pa rin sa paalala ng bilin niya kahit isang daan na beses niya na itong nasabi sa 'kin ngayong araw.

"Tumulak na ho tayo at baka maabutan pa po tayo ng traffic sa Maynila." Sambit ni Mang Fidel habang isinasakay ang bagahe ko sa trunk ng sasakyan.

Si Mang Fidel ay matagal na sa amin nagtatrabaho, palagi siya ang humahatid sa 'min ni Chantriana sa school. Mamimiss ko rin si Mang Fidel dahil napalapit na siya sa puso ko, pamilya na rin ang turing ko sakaniya.

"Goodbye na Mommy at Chantriana, dadalaw pa rin naman ako rito." Niyakap ko ulit sila, nakita ko pa na mangiyak-ngiyak pa si Mommy.

We bid our goodbyes at papunta na rin kami sa Manila, halos tatlong oras ang layo ng Manila sa 'min. Muli kong tinanaw ang lugar na pinaglakihan ko, I'll miss this place very much.

Natulog muna ako dahil kulang rin ang naging tulog ko dahil nag-impake ako ng gamit kagabi.

Ginising ako ni Mang Fidel dahil kami'y kakain rin. Nandito kami sa stopover sa NLEX, napagisipan ko na mag-Mcdonald's kami dahil gusto ko ng pancakes at iced coffee.

"Good morning po! Isa pong 2 piece pancake with tall na vanilla iced coffee saka isang hamburger with orange juice." Sambit ko sa cashier. Para kay Mang Fidel ang hamburger, sabi niya ay kumain na raw siya sakanila bago pa kami umalis. Inorderan ko na lang siya ng light food para hindi pa rin siya magutom.

Nagbayad na ako at umupo kasama si Mang Fidel

"Kayo po ba si Alianna Salarteixo? Pwede po ba magpapicture?" Lapit sa akin ng babaeng halos kasing kaedad ko lang din.

"Yes sure," Pumayag ako kahit bagong gising ang itsura ko, it's not the first time that people are asking me to take a picture with them, but I was shocked that nakikilala rin pala ako kahit sa malalayong lugar.

Dumating na rin ang order namin, kumain na kami ni Mang Fidel habang nagtatawanan. Naalala kasi namin yung nahulog si Chantriana sa sapa noong pumunta kami sa bahay nila Mang Fidel.

"Mang Fidel pakisabi po pala kay Rajiv na bawasan ang pangaasar niya kay Chantriana dahil wala na po ako roon para awatin silang dalawa. Baka pag dalaw ko po roon ay kalbo na ang dalawa." Tumawa si Mang Fidel. Si Rajiv ay ang anak ni Mang Fidel, siya rin ang dahilan kung bakit nahulog si Chantriana sa sapa noon. Paano rin naman itong si Chantriana, inasar na bakla si Rajiv kaya tinulak ni Rajiv si Chantriana at nahulog sa sapa.

"Ibibilin ko iyan kay Rajiv, ngunit sutil iyang bata na 'yan. Baka lalo pang kaladyain si Chantriana dahil wala ka na roon."

Tumawa na lang ako. Patapos na rin kaming kumain at ang natira ko na iced coffee ay dinala ko, sumakay na kami at kumonekta ako sa stereo ng kotse, pinatugtog ko ang paboritong kanta namin ni Chantriana.

Hindi na ako natulog dahil malapit na rin naman kami sa Manila. Chineck ko ang phone ko at nakita na nagmessage pala sa 'kin ang mga kasama ko sa volleyball team sa dati kong school.

@liadez: I'll miss u Mau, mag-ingat ka palagi.

@jakegwapo: Pasalubungan mo kami ng Atenean pag-uwi mo.

@elymixu: Ingat.

I will miss them too.

Kailangan ko rin magadjust sa bago kong team dahil nagoffer sa 'kin ang NU na maging player ng NU Lady Bulldogs.

Siyempre ay tinanggap ko 'yon, Ayun na rin siguro ang panahon ko upang maipakita sa ibang tao ang galing ko sa paglaro nito, hindi lang sa probinsya ko. Kaya ko naman ibalance ang studies at ang paglalaro ng volleyball, dahil nagawa ko na iyon sa 'min ngunit mas marami lang ang gagawin ngayon dahil college na ako.

Ilang minuto rin ang nakalipas ay nakita ko ang isang matayog na kulay white and grey building. Dito siguro ang binili nila Mommy na condo sa 'kin.

Kinausap ni Mang Fidel ang guard roon at tinulungan niya kami magbaba ng aking gamit. Tatlong luggage lang naman ang dala ko dahil kumpleto na ang gamit sa loob ng condo, damit at sapatos na lang ang dinala ko.

Nauna na akong pumanik sa itaas, dala ko ang backpack ko na ang laman ay laptop at camera ko. Ibinigay na sa akin ni Mommy yung susi ng condo bago ako umalis. Pang-12th floor ang unit ko at pang huli sa hallway, gusto ko kasi iyong hindi nadadaanan ng tao para hindi ako naiistorbo.

Pumasok na ako sa loob at nakita ko ang maaliwalas na condominium, kulay dirty white ang walls habang ang mga furniture naman ay natural oak wood. Dalawa ang kwarto ngunit mag-isa lang naman ako kaya pwede ko 'yun gawin na study area.

Habang iniikot ko ang unit ay nag-doorbell na si Mang Fidel, ibinaba niya ang isang luggage
habang ang tumulong sakaniya ay dalawa ang hila hila.

"Salamat po, Mang Fidel hindi po ba muna kayo magpapahinga rito saglit?" Tanong ko. Baka rin kasi napagod si Mang Fidel sa pagmamaneho dahil maaga kaming umalis.

"Hindi na iha baka kasi matraffic pa ako sa daan at gabihin ako."

"Sige po Mang Fidel ako na rin po ang bahala rito, mamimiss ko po kayo." Niyakap ko siya.

"Nako iha mamimiss rin kita lalo na si Raj-" Napatigil si Mang Fidel. Huh? Hindi ko na lang ito pinansin. Ilang sandali rin ay nagpaalam na si Mang Fidel.

Nagpalit muna ako ng pang-bahay na dala ko at sinimulan na maglagay ng bedsheet sa kama at magwalis. Inilagay ko na rin yung mga damit sa closet ko.

Napansin ko sa closet ay nakahanger na yung uniform ko at ang jersey ko. Nakalagay rin doon ang mga libro, Kinuha ko 'yung jersey at tinitigan ito.

Salarteixo, 16

Hindi ako makapaniwala na magiging estudyante na rin ako ng eskwelahan na matagal ko nang hinahangaan.

Pagkatapos ko maglinis ay naligo na ako at nagbihis ng black biker shorts with a white oversized shirt, nagslippers na lang ako dahil around the area lang naman ako pupunta.

Bumaba ako at may nakasalubong pa ako sa hallway. Long time no see my bro, Achilles.

"Mamau?" Tumakbo siya. Wala pa rin pala itong pinagbago 'kala ko ay magfefeeling famous 'to eh.

"Oo ako 'to si Natoy." I laughed.

Inalog-alog niya ang ulo ko, I smacked his forehead.

"Kailan ka pa rito sa Manila? Marami akong tsismis sa 'yo alam ko naman na tsismosa ka."

Inaya ko muna siya na kumain sa baba dahil nagugutom na 'ko, buti na lang ay may fast food chain sa tapat.

Si Achilles ay schoolmate ko sa Lucegao, naging kaibigan ko siya dahil magbusiness partners ang Daddy ko at Daddy niya. Isang taon ang ahead niya sa 'kin at player nga rin pala s'ya ng UP Fighting Maroons for one year na.

Chasing Sidero (Salarteixo Girls Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang