2: Confess. Confused.

0 0 0
                                    

"I like you, Aning."

Hindi ko alam kung anong sasabihin. Namumula na ako sa sobrang hiya.

"Really?" kasunod na mga salita sa bibig niya. Kitang-kita ko sa mukha niya na nagpipigil din siyang singhutin ang mabaho kong utot.

"I told you!" Galit kong sabi sabay tulak sa kanya palabas ng CR.

Napaiyak na ako sa sobrang hiya at sobrang sakit ng tiyan ko. Pagkatapos ko siyang palabasin ay sinimulan ko na ang ritwal.

Nakalabas na ako ang cubicle at inayos ko na ang mukha ko sa salamin. Napuno pala talaga ng pawis ang uniform ko. Nag ayos pa ako ng ilang minuto at lumabas ng CR. Tatakbo na sana ako pabalik sa room dahil malapit nang magsimula ang last period class ko ng biglang may magsalita. "Satisfied?" It's Jude.

Again?

"You're still here." Pasimple kong sagot habang maglalaro sa utak ko ang kahihiyan sa nangyari kanina.

"I told you. I won't let you go."

"Tss!" Yun lang ang tanging nasagot ko. Hindi ko alam kung bakit kinakausap pa ako ni Jude ngayon.

"Have this." Iniabot niya sa akin ang puting panyo. "Use this. You're still sweating."

Tumalikod na siya at naglakad papunta sa classroom nila. Dumaan ako dun at rinig na rinig ko ang sermon ng teacher sa kanya.

Nasa classroom na ako at magsisimula na ang last class namin ng bigla akong tabihan ni Makoy. Yes, Makoy. The marupok na Makoy a.k.a. Mitch. Ang totoo niyang pangalan ay Marco Lloyd Enriquez pero kilala sa tawag na Makoy samin pero Mitch siya dito sa school. Ginugulpi niya kasi ang bawat studyanteng tumatawag sa kanya ng Makoy maliban sa akin.

"Saan ka galing?" Head to foot niyang tingin sa akin.

"Nasira nga tiyan ko diba?" saad ko.

"And what's the meaning of this?" sabay pakita sa akin ng video na pa papasok kami ng CR ni Jude.

"Saan mo yan galing?" tumaas ang tono ng salita ko ng makita ang clip na yun at akmang aagawin ang cellphone niya.

"Awit girl!"

"Wala yan!" putol ko.

"Anong wala yan? Naka-holding hands papasok ng CR tapos wala lang?"

"Good morning, class."

"Good morning, Mrs. Monteverde."

"Take your seats."

Naputol ang pagtatanong ni Makoy sa akin ng pumasok na ang teacher sa last subject namin.

"Explain mo yan later!" Pag babanta ni Makoy sa akin.

Si Makoy lang ang the only one na napagsasabihan ko ng mga secrets ko since birth. Aside sa magkaklase kami magkaharap lang ang bahay namin. Childhood bestfriend ko na si Makoy. Crush ko nga sana siya dati pero nung nag grade 6 kami inamin niyang member din pala siya ng BTS (B-baklang T-taga S-skenita). Kaya ayun, binawi ko na na naging crush ko siya. Gwapo din naman si Makoy, maskulado . Taga igib ng tubig sa bahay nila at tagasibak ng panggatong ang ginagawa niya tuwing hapon. Kahit bakla si Makoy maalaga din siyang kaibigan.

"Antonette?"

"Ma'am?"

"Ang sabi ko, bakit pinatay ang GomBurZa?" ulit na tanong ni Ma'am.

Bakit nga ba? Ayan kasi daldal pa di nakikinig.

"Excuse me, Ma'am. Pinapapunta po sa Principal's office si Antonette." saad nung babae mula sa kabilang section.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maganda ako, bakit?Where stories live. Discover now