1: I like you, Aning

1 0 0
                                    

"Aning!" Malakas na tawag ng bakla kong kaibigan na paulit-ulit na niloloko ng pangit niyang Jowa pero di pa rin nadala. "Bilisan mo girl, late na tayo!" Araw-araw ganito ang eksena namin sa labas ng eskenita. Yes, you heared it right, sa labas ng eskenita.

Hindi kami dukha pero kabilang kami sa 75% rate ng population na naghihirap dahil sa inflation. Siksikan sa jeep, agawan ng upuan limang beses sa isang linggo ang galawan namin makapasok lang sa mahal naming paaralan. Yes, Mahal. Mahal kasi ang tuition.

Siksikan sa jeep at iba-ibang eksena araw-araw. Kahit di ka gutom, nakakakain ka ng buhok na ala black spaghetti ng babaeng nasa harapan mo na feeling si Rose ng Titanic kung makalugay ng buhok. Minsan konduktok, taga-abot at taga-sukli ng mga pera ng pasahero. Ayoko naman din magmalinis kung di ko nababasa yung mga landiang texts ng babae o lalaking katabi ko minsan sa jeep. Pero di ko yun sinasadya ha? Sadyang malikot lang talaga ang mga mata ko. Minsan may mga kasabayan din sa jeep na parang mga lintang di mo na mapaghiwalay sa sobrang dikit sa isa't-isa, mga walang respito sa single e, wala namang forever.

"Takbo!" Sigaw ng baklang kasama ko. Pababa na kami ng jeep at 7:30 na ng umaga. Magsasara na ang gate.

"ID!" Pigil sa akin ni Manong Guard nang mapansing hindi ko soot ang ID ko.

"Aning, bilis na!" Tawag sa akin ni Makoy. Makoy pala pangalan nung baklang kasama ko. Sinundan ko nalang siya nang tingin na papaakyat sa second floor habang ako'y nakikipag one on one talk pa sa Guard naming laging galit.

"ID!" Ulit nito habang magkasalubong ang makakapal na kilay. "Late ka na nga wala ka pang ID," dagdag nito.

"Nakalimutan ko po." Mangangatwiran pa sana ako ng makita ko ang long time crush ko na si Jude na may ID nga pero late naman.

"Aning," bulong ni Nica, kaklase kong late din.

"Uy!" Laking ngiti ko ng tumingin sa kanya. Sino pa bang mas sasaya kung ang reporter ng first period ay late din. Syempre walang quiz yun. "Mabuti late ka," masaya kong bati.

Nahinto ako sa pagsasalita ng bigla akong tabihan ni Jude. Crush na crush ko na siya since birth. I mean since Grade 8. Transferee kasi siya from US at English nang English pero di ko naman agad naiintindihan sa sobrang slang. Parang kailangan ko lagi ng subtitle kapag nandiyaan siya.

"Hey!" Siko niya sa akin.

"Hey din," sagot ko.

"It's my first day being late and ---" Hindi ko na napakinggan ang mga sinabi niya, aside sa loading akong pakinggan ang mga slang niyang salita na "Hey" at "Late" lang ang na-gets ko agad. Para akong tinubuan ng pakpak habang nakikita siyang nagsasalita sa harap ko. Shine bright like a diamond ang mga mapuputi niyang ngipin. Samahan mo pa ng malalalim na dimples at mahahabang pilikmata. Parang nag slow-mo ang mundo ko habang ngiting-ngiti na nakatitig sa kanya.

"--- booger."

Kahit nga booger na salita ang sarap pakinggan. "Booger?"

"I said, you have a booger in your nose," ulit niya habang tinuturo ang ilong ko.

"Boo--booger?" ulit ko sa sarili ko.

"May kulangot ka daw," ani Nica.

"Ku-- kulangot?" Nanlaki ang mga mata ko sabay takip sa ilong ko. Di ko mainda ang hiya na nararamdaman ng sabihin iyon sa akin. Hindi na ako nagpaalam at kumaripas ako ng takbo sa CR para tingnan kung meron nga.

"Shit! This couldn't be!" Napa-English ako sa sobrang hiya. Sa dinami-daming pwedeng makakita bakit siya pa.

Simula ng mangyari yun iniwasan ko na si Jude sa sobrang hiya. As in todo pa-cute ako sa harapan niya habang nag de-day dream tapos makikita niya ang kulangot ko sa ilong. "No way!" Mabuti nalang at di kami classmates. Mabuti nalang at  ga-graduate na siya this March.

Maganda ako, bakit?Onde histórias criam vida. Descubra agora