2: Confess. Confused.

Magsimula sa umpisa
                                    

Napatingin ako kay Makoy na ngayo'y napadilat din ang mata sa sobrang gulat. Alam kong may kinalaman ito sa videong pinakita niya sa akin kanina. Nagtinginan lahat ng kaklase ko sa akin habang papalabas ako ng classroom.

"Good morning, Ma'am." Bati ko sa Principal namin. Hindi na ako nagulat na nandoon na din si Jude nakaupo kaharap ni Ma'am.

"Sit down, Aning." sabi ni Ma'am. Kilala na ako sa school since isa ako sa mga nagbigay pangalan sa Paaralan namin nung manalo ako bilang Champion sa Photojournalism sa 2019 Journalism na ginanap sa Baguio.

Dahan-dahan akong umupo sa upuang nakaharap din kay Jude.

"You might already know the reason why pinatawag ko kayo ngayon." Mahinang sabi ni Mrs. Lee, Principal namin.

"Let me explain po, Ma'am." Biglang singit ko kay Ma'am. " Taeng-tae lang po talaga ako kanina at hindi ko naman po alam kung balik pumasok din si Jude sa CR. It was unintentional po, Ma'am ---" Napahinto ako sa pagsasalita ng may iangat na papel si Ma'am.

"What are you saying, Aning?" nagtatakang tanong ni Mrs. Lee sa akin. Tiningnan ko si Jude at sumenyas na mali ang reasoning ko.

"Ma'am?" naguguluhang sabi ko.

"I called you here because you will be attending another Journalism Competition." Masayang sabi ni Ma'am.  "Jude here was a 2016 Champion for his Editorial writing. The School Committee agreed that we will be sending two of the best writters in our school for 2020's Journalism Competition," tuloy-tuloy na sabi ni Mrs. Lee.

Nakinig lang ako sa mga sinabi ni Ma'am. Straight English yun pero ang dali ko lang na catch up kasi di naman slang ang pagkaka deliver.

"When would it be, Ma'am?" tanong ni Jude.

"Two weeks from now."

"Two weeks?" gulat kong sabi.

"Yes." saad ni Mrs. Lee.

"That's great." sagot ni Jude.

"Pero Ma'am, diba exam dates na yan? Pano yan? Di kami makakapag exam?" tanong ko.

"Malayo pa naman ang exams niyo, Aning diba?" nagtatakang tanong ni Mrs. Lee.

"I mean, exams nila Jude ---po." Mahina kong sabi. Nakita kong nakangiti si Jude habang naka cross legs sa upuan.

"I had already talked to his subject teachers and may mga considerations din naman kaming binigay kay Jude." Explain ni Mrs. Lee. "Don't be too obvious na concern ka masyado kay Jude, Aning." Pang-aasar ni Mrs. Lee na siyang nagpapula agad ng pisngi ko. Majority neg mga teachers alam na super crush ko si Jude. Nasabi ko kasi yun sa journalism adviser kong madaldal na ikinuwento din niya sa ka officemate niyang Marites na sinabi din nito sa mga ka Department niya hanggang sa makarating sa Principal ang balitang wala naman sanang pakpak pero ang daling kumalat.

"And before I forgot, Aning. Si Jude pala ang subject mo sa lahat ng pictures mo." Nakangiting sabi ni Mrs. Lee. "Jude can also help you how to make your captions more creative."

"Wait, what?" Napatayo ako sa sobrang gulat. "May ganon ba, Ma'am?" tanong ko.

Iniabot niya sa aking ang memoramdum kung saan nakasulat din doon ang mga mechanics ng competition. Sa tanang buhay ko since nag photojournalist ako ngayon ko lang mararanasan ang ganitong embarrassment again.

Subject? Meaning siya lagi kukunan ko ng pictures? Bakit?

"I had already talked to your advisers na ipa excuse kayo every afternoon for two whole weeks para makapag prepare kayo sa competition. You will be attending your morning classes and you will be practicing every afternoon." paliwanag ni Mrs. Lee.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maganda ako, bakit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon