Prologue

755 21 0
                                    


"Kung kailan last semester na tsaka naman nag-permanently leave si ma'am Venitez. Kinakabahan tuloy ako sa papalit sa kaniya, baka terror." daldal ni Zarina na parang binagsakan ng langit at lupa sa nalaman kahapon.

We're in last semester of grade 12. Though l should be in Humms strand, l still chose Stem because I know l'll get more opportunities in this strand. I want to go to a university so l'm trying my best to maintain high grades.

"Maselan ang pagbubuntis ni ma'am, kailangan niya talagang tumigil muna sa pagtuturo, kung hindi baka mapaano pa ang baby niya." saad naman ni Clarence na  may subo-subo pang lollipop.

I shook my head then l took out the burger sandwich in my bag. "Oh," inabot ko iyon kay Clarence. "Alam kong hindi ka na naman nag-agahan. Magsa-psychologist ka sa lagay na 'yan? Eh pinapatay mo sa gutom ang sarili mo!" pinangaralan ko pa siya pero parang wala lang sa gaga.

"Nagda-diet ako babe, l believe l'll be as sexy as Kendall Jenner. " she confidently said, she even move her hips side to side while we're walking going to school.

Hindi ko alam bakit sinasabayan ako ng mga gagang 'to sa paglalakad eh may mga masasakyan naman sila. Unlike me, they're wealthy. Hindi lang halata kasi hindi sila maaarte, lakas ngang kumain ng street foods eh.

"You're a voluptuous woman Clarence, you can't achieve a body like Kendall." I said, she just rolled her eyes then started eating the burger sandwich l gave her.

Nasa iisang section lang kami since Zarina is studying architecture and Clarence wants to be a psychologist as well. We graduated in Special program for the Arts curriculum in junior high school. Isa ang pagsasayaw sa naging talento ko, si Zarina naman ay ang pag ske-sketch, while Clarence is talented at writing poems and stories. 6 years na kaming magkaibigan at magkaklase, kung saan ako nandoon din sila. Stem also known as Science, Technology, Engineering, and Mathematics strand welcomed us with lot of opportunities, that's why we didn't regret choosing it.

Actually, wala namang madali na strand. Lahat mahirap at kailangan ng pagsisikap. Kung pursigido kang makapagtapos ng pag-aaral, magtiis ka. Walang umaasenso na hindi dumaan sa hirap.

You have to work to be successful.

"Mga bhe!!! Omg! Nakita niyo na ba!?" parang baliw na sinugod kami ni Demi, isa sa kaklase namin na nangunguna sa pagkachismosa. "Ang guwapo ng pumalit kay ma'am Venitez! " kinikilig na aniya sabay sapak sa'kin sa balikat.

Kumunot ang aking noo. "Lalaki ang bagong teacher?" Pero ang sabi ni ma'am Venitez babae ang papalit sa kaniya.

"Guwapo nga di'ba, malamang lalaki!" sarkastiko niyang sagot.

Pero hindi lang naman lalaki ang matatawag na guwapo o pogi, minsan babae rin.

"Tara bhe tignan natin!" Ito namang mga kaibigan ko na pogi hunter ayon nagsitakbuhan papunta sa guidance office.  Umupo na lang ako sa mesa ko na nasa pinakalikod at hinintay na pumasok ang P.E teacher namin.

Pina-exercise muna kami sa oval ground para hindi kami antukin sa susunod na klase.

"Sana sa susunod sa gym naman." reklamo ni Zarina. Medyo mainit kasi rito sa ground pero dahil malawak ang paligid kaya naaayon sa ibang activities.

Clarence rolled her eyes. "Ayses! ang sabihin mo gusto mo lang makita ang pagmumukha ni Kaleb." tukoy niya sa basketball player na crush na crush ni Zarina. Pero hindi naman siya pinapansin ng lalaking iyon. Ewan ko ba sa babaeng 'to, lakas ng tama.

Zarina cross her arms over her chest then she smirked at Clarence. "Atleast hindi nahulog sa kachat lang." bawi niya na ikinasama ng mukha ni Clarence, she has a crush online and they often talk on messenger.

Nagsimula na naman silang magbangayan. Napailing na lamang ako.

Real friends annoyed each other.
Real friends are honest and straightforward. Real friends says hurtful but true words.

After our P.E class we had a short break. Pagkatapos ay bumalik din kami agad sa classroom para sa susunod naming klase. Ang general chemistry. Pero itong mga classmate kong babae parang baliw na inaabangan sa corridor ang bagong teacher kuno namin sa genchem.

Well, l don't care about our teacher's looks as long as l'll get some educational lessons from him. Pogi o hindi, ang importante may matutunan kami sa kaniya.

I was looking outside the window so l didn't notice our adviser's presence and the person behind him.

"This is sir Zatticus Dohyun Florez, for the time being, siya muna ang papalit kay ma'am Venitez as your general chemistry teacher...Nawa'y magpakabait kayo sa bago ninyong guro. "

Natigilan ako nang marinig ang pangalang iyon. Tumuon ang mga mata ko sa matangkad at chinitong lalaki na nasa harapan at halos malaglag ang aking panga.

What the heck!? Anong ginagawa niya rito?

Nang magtama ang paningin namin sa isa't isa ay binigyan niya ako ng makahulugang ngiti.

Aba't ang lalaking 'to! Ang kapal ng mukha! May gana pa talaga akong nginitian matapos siyang magsinungaling!

"A pleasure morning to everyone, I'm Zatticus Dohyun Florez, you can call me sir Florez or sir Do. I'm 25 years old, graduate from University of the Philippines Cebu and l'll be your genchem teacher for the last semester. It's nice to see you all." He introduced himself and smiled, exposing his dimples which made the classroom became noisy.

He was a college professor in Cebu. At ang sabi niya hindi niya na ulit ako kukulitin pero nandito na naman siya at subject teacher ko pa!?

Sinamaan ko siya ng tingin pero ang gago kinindatan pa ako!

What are you planning this time, Zahyun?

Argghhh! I hate you!

Watch Me Fall Again Where stories live. Discover now