Bilog ang buwan ngunit madilim ang langit. Manaknakang lumiliwanag kasabay ng mga putok. Tinatanaw nila ang langit, mabilis na dumadaloy ang ilog. Papasikat na ang araw sa bayan.

Maraming tao na naghahanda para sa pag alis ng bayan. "Joven, sumama ka na sa amin para mas ligtas ka." 

"Wala din akong pupuntahan." Wika ni Joven.

"Tara na, Goyong. Simula na." Sabi ni Julian sa kaniyang kapatid. Tumitingala si Gregorio sa bahay ng kaniyang kasintahan, sa balkonahe naroon si Remedios na nakatingin kay Gregorio.

Agad na silang pumasok dito para kunin ang mga gamit nila. Niyakap niya naman si Gregorio nang makita niya ito at ibinalik naman iyon ni Gregorio.

Nagsimula na silang nag-ayos ng mga dadalhin nila. Habang si Joven naman ay agad na dumeretso sa tinutuluyan niya para ihanda ang mga dadalhin niya at nagsulat ng liham.

Mahal kong itay,

Dumating na ang panahong kinakatakutan ko. Halos limang buwan na kami nalunod sa huwad na kapayapaan. Niwalang naghinala na may ganito kalaki pagsalakay na paparating. At ating mga bayani, habang tinitingala ng madla ay walang malay sa panganib na naghihintay sa ilalim ng kanilang pedestal. Hindi ko na alam mangyayari sa amin, itay. Pero ang tiyak ko hindi na namin kailangan ng mga bayani. Kailangan na naming ng sundalo.

Ang iyong anak,

Joven.

Nag-aantay na sila sa labas kasama si Emilio at ang mga sundalo na nakabantay sa kanilang tabi. 

Pupunta na si Julian sa Bulacan para mamuno doon. Nagpaalam na siya kay Gregorio at sinabi niya ang laging sinasabi niyang sinasabi sa kaniyang kapatid.

"Tandaan mo kung sino ka."

Hinawakan naman ni Remedios ang kamay ni Gregorio at nagsimula na silang naglakad kasama ng Presidente patungo sa Bayambang.

Nagsisimula na ang paglalakbay nila at ang labanan. Alam ni Remedios na magiging mahirap ito at sana hindi makaabala ang naiisip niyang pwedeng mangyari.

Inabot sila ng oras para makapunta sa Bayambang. Humiwalay muna sila Emilio at Gregorio ng direksyon dahil may pupuntahan sila na kung saan nakatira si Heneral Alejandrino, habang sila Remedios naman ay nasa Calasiao.

Nasa harap na ng bahay sila Emilio at Gregorio kasama ang mga kani-kanilang sundalo. 

Lumapit si Alejandrino sa may bintana at tinanong kung anong nangyayari sa labas ng kaniyang bahay. "Anong nangyayari?"

"Ang Presidente at si Heneral Goyo." Saad ng isang sundalo. Inutusan ni Emilio na palibutan ang bahay at sumunod naman ang mga ito.

"Anong kabastusan 'to?" Timpi ni Alejandrino. 

"Baka naninigurado lang na hindi kayo kakalas." 

"Dahil tama nga si Luna?" Pumiwesto na ang iba sa harap ng bahay at pumasok na sa loob ang dalawa.

"Sasalubungin ko ba sila?" Tanong ng sundalo, may naisip si Alejandrino na ipapamukha niya na mali ang ginawa nila. "Amin na ang dyaryo." Utos niya.

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon