Patuloy masayang naliligo sila Gregorio. "Mas unang pipiliin ang ginhawa kaysa sa sariling dignidad at ito na nga marahil ang ating tandang asal bata." Nakatingin sa bandang itaas si Gregorio dahil kumukulog.

"Babagyo kaya?" Tanong ni Julian. Pero biniro nila ito sa pamamagitan nang ginagaya nila ang kaniyang sinasabi maliban lang kay Gregorio.

"Babagyo kaya?" Ulit nilang sabi.

"Wag kayong makulit!" May pumasok na isang panitain sa isip ni Gregorio nasa isang talihaban siya na nakatingin sa ibaba at mayamaya ay sumusuka na siya ng dugo kaya hinawakan niya ito nataranta siya nang makita niya ito, unti-unti siyang lumulubog sa ilog.

Dugaan ang mukha ni Gregorio, may nakita siyang agila sa langit sa panitain niya kaya itinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay. Nananatiling nasa ilalim ng tubig siya, nagsasabuyan pa rin ng tubig sila Roman at Rusca.

Dumarating ang dalawang sundalo at nagpaputok ng baril. Nang narinig iyon ni Gregorio ay agad siyang bumalik sa katotohanan at pilit na bumalik sa itaas. Muntik na din mabaril sila Manuel at Jose.

"Huwag! 'Wag! Hindi niyo kami kaaway!" Sigaw ni Joven sa mga sundalo.

Nagulat naman ang mga ito dahil may nagmura. "Hoy! Mga tanga!"

"Pasensya na po! Akala namin mga espiyang kastila." Pagpapaliwang ng isang sundalo na ang pangalan ay Juan.

"Sa mga balat naming ito, mukha ba kaming-" Namukhaan ni Julian ang kinakausap niyang sundalo.

"Juan?"

"Pinsan?" Tanggal niya sa kaniyang sombrero, nakaramdam naman siya ng sampal na galing kay Julian.

"Pasensya na, kuya Julian."

"Si Vicente eto oh, pati si Goyong-" Turo niya sa kaniyang likod pero hindi nila namamataan sa ilog si Gregorio. Tumakbo naman sila papalapit sa ilog.

Paikot-ikot sa paglangoy si Gregorio sa ilalim at piling makaahon. 

"Kapag tinamaan ang kapatid ko..." Banta niya.

"Goyong!" Sigaw nila. Sa wakas nakaahon na si Gregorio pero umuubo-ubo ito at hingal na hingal.

"Ayun!" Turo ng isang sundalo.

"Halika! Halika!" Hila nila kay Gregorio. 

Lumuhod sa batuhan si Gregorio. "Mamamatay ako!"

"Buhay na buhay ka Goyo." Saad ni Vicente.

"Mamamatay ako!" Sigaw ni Gregorio. Napansin naman ni Julian ito kaya nilapitan niya.

"Huy, huminahon ka." Dumarating pa ang isang sundalo at tinatawag ang pangalan ni Gregorio.

"Heneral Goyo! Heneral! Nandito ba si Heneral Goyo?"

"Ano 'yun?" Tanong ni Vicente habang papalapit sa kaniya.

"Pinapatungo ang Heneral sa Bayambang para doon magtipon."

"Anong nangyari?" Tanong ni Jose.

"Mga Amerikano. Umabante sila mula sa iba't ibang dako. Hawak na nila ang Tarlac. Sumuko na rin ang San Fabian." Pagtatapos ng sundalo.

Pelikula - G. del PilarWhere stories live. Discover now