"Bakit tayo nagtatago? Eh sundalo natin 'yan." Bulong nila. 

May dalawang sundalo nagpapatrol. Lumalabas ang walo mula sa pinagtataguan nang makalagpas ang mga sundalo.

Naghuhubad na ng saplot sila maliban lang kay Joven kaya tinapik ito ni Vicente.

"Halika na. Para nung mga bata pa tayo." Yaya ni Gregorio sa kanila.

"Hindi natin 'to ginawa ng hating gabi." Asik ni Julian.

"Maginaw ba?"

"Malamang. Hating gabi na eh." Pilosopong wika ni Jose sa kaniyang kapatid. Naunang pumunta si Gregorio sa tubig at sumigaw siya.

"Mahuli ang walang bayag!" Sumunod na din sila.

"Mauna tarantado!"

"Sumunod tanga!"

"Putangina ang ginaw!" Sigaw nila. Nagrereklamo sila sa sobrang daming bato na naaapakan nila. Umupo sa batohan si Joven, pinapanood ang pito na naliligo sa ilog.

"Joven! Halika rito!" Tawag nila.

"Ikaw nalang wala dito! Wag kang mahiya puro lalaki tayo dito." 

"Kayo nalang. Bantay nalang ako dito." Sumunod naman si Julian at biniro ito.

"Baka magkakulete ka diyan. Nakahubad kami rito." Nagsitawanan naman sila at nagsimulang nagbabasaan. May narinig silang ingay mula sa langit pero akala nila ay kulog lang iyon.

Sa bahay ni Apolinario Mabini, nagsusulat siya sa isang papel. "Gusto kong patunayan na marunong tayo makidigma ng may kadakilaan at paninindigan. Pero dahandahan na 'kong naniniwala na baka tama sila na tawagin tayong mga bata."

Sa isang bahay ng isang opisyal nakaupo ang isang lalaki na si Kapitan Manuel Quezon. May sumasayaw na dalawang tao at tumatawa ang mga ito.

"Manuel, sayaw ka muna. Pahiram ko sayo nobya ko."

"Maaga pa po ako bukas. Magkikita po kami ni Heneral Mascardo." Tanggi ni Manuel.

"Hayaan mo na yung kapatid ko. Paborito ka naman non" May isang sundalo na tumakbo sa kanilang bahay para ibalita ang nangyayari sa labas.

"Nakapasok ang mga Amerikano sa bayan!"

Kinuha naman niya ang kaniyang baril na nasa lamesa. "Edi salubungin natin! Nasaan ang banda?" Lasing niyang wika. Lumabas na ito at sumigaw pa.

"Ang mga Mascardo, malalaki ang bayag! Alto!" Nag aabang ang opisyal sa gitna. Sumulyap siya sa kaniyang nobya na nakatingin mula sa bintana, nagngingitian sila.

"Tigil sabi!" Putok niya ng kaniyang baril sa langit pero tinamaan siya ng mga sundalong Amerikano. 

Agad naman nagsitakbuhan ang mga sundalo. "Dahil madalas ang sigasig natin ay sumisilakbo, pero mabilis din naglalaho." Nakikipagbarilan ang mga sundalo, marami ang tinatamaan ng bala.

"Sa bawat pagod, 'di inaasahan pangyayari, tayo'y natataranta at tuluyan malilimutan ang mga tungkulin natin." Marami nang namatay na mga sundalo sa San Fabian, Pangasinan.

Pelikula - G. del PilarWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu