Habang naglalakad sila ay nag-aalala pa rin si Remedios kay Gregorio. Alam niyang masakit pa ang ulo nito ngunit nagpupumilit pa siyang umalis.

"Uy, sigurado ka na ba talaga na hindi kumikirot 'yang ulo mo?"

"Kanina mo pa tinatanong 'yan. Oo, basta't kasama kita mawawala lang ito." Inirapan niya naman si Gregorio.

"Ah, talaga? 'Bat nung kumakain tayo, reklamo ka ng reklamo na masakit ang ulo mo?"

"Kiligin ka nalang." Tinawanan na lang siya ni Remedios. Maraming bata na naglalaro sa daan, may mga turista na naglalakad-lakad sa gilid.

"May bibilhin muna tayo." Wika ni Gregorio. Bumili sila ng tali na mahaba at ibang uri ng tela na matibay.

"Para saan 'yan?"

"Para sa bahay natin." Inosenteng wika ni Gregorio at nagulat naman si Remedios, mga ilang sandali ay tumawa si Gregorio.

"Niloloko lang kita. Sa susunod pa 'yon at para sagutin ang iyong tanong, makikita mo na lang iyon mamaya." Dumeretso na sila sa Dalampasigan na lagi nilang tinatambayan.

Inilapag na ito ni Gregorio sa tabi ng puno at naalala ni Remedios ang pinaggagawa nito.

"Huy! 'Bat mo inukit 'yang pangalan mo sa puno ko?"

"Kawawa naman kasi nag-iisa. Nilagay ko rin ang akin dahil kapag wala ako dito o nasa labanan ako, narito lang ako palagi." Ngiti niya at natunaw naman ang puso ni Remedios sa sinabi niya.

Kumuha siya ng bato at may inukit sa puno. Pinagmasdan naman ito ni Gregorio. Nilagyan niya ito ng puso na naging resulta, ang kanilang pangalan ay nasa gitna at may nilagay din siyang 'Magpakailanman' sa itaas nito.

Nagulat si Gregorio sa ginawa ni Remedios at hindi niya napigilan ang sarili na itanong ito.

"Gusto mo ba ako?"

Humarap na si Remedios sa kaniya. "Ang katotohanan? Gusto kita. Sobra. Pinapasaya mo ako, pinapatawa mo ako, ang mga ngiti mo lang ang nagpapa-alala sa akin."

"Tuwing nakikita kita, umaarte ako na parang walang pakialam, sinasabi ko sa sarili ko na galit ako sayo pero sa aking puso alam kong nahuhulog ako sayo."

Huwag mong hintayin na huli na ang lahat, baka hindi ka na magkaroon ng isa pang pagkakataon.

Niyakap ito ni Gregorio pagkatapos sabihin iyon ni Remedios. "Hindi pa ako umibig ng ganito. Natatakot akong sabihin na gusto kita nang maaga dahil napakahalaga nito. Nangangahulugan ito na hindi ka katapusan ng mga bagay."

"Ayaw kong maghintay. Pero kung ang paghihintay ay paraan na makasama ka, maghihintay ako hangga't habang buhay na makasama ka. 'Di ko na patatagalin ito. Pwede ba akong manligaw?" Tango nalang ang nagawa ni Remedios dahil hindi siya makapaniwala sa nangyayari ngayon.

Abot langit ang tuwa ni Gregorio kaya ginawa na niya ang sorpresa para sa nililigawan niya. Kinuha na niya ang tela at isinulot ang tali sa dalawang butas nito at sinabit na ito nang mahigpit sa makapal na sangay ng puno.

Dati pa itong itinanim ni Remedios simula pa noong nakapunta siya dito kaya iniingatan niya ang kaniyang puno pero ngayon puno na nila iyon.

Bumaba na ng puno si Gregorio at pinagpag ang mga dumi sa kaniyang uniporme.

"Teka, subukan ko muna baka hindi mahigpit ang pagkakabit ko." Umupo na siya sa ginawa niyang duyan, nagduyan siya at hindi ito nasira.

"Ayos na. Subukan mo na." Ngiti ni Gregorio. Umupo na siya sa kahoy at dinuyan na siya ni Gregorio. Kitang-kita sa mukha ni Remedios na sobrang saya nito at napakaswerte niya dahil nakahanap siya ng lalaking ibibigay ang lahat para sa kaniya.

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon