"Pst! Tawag kayo." Dali-dali naman silang sumunod at nagbigay saludo sa Presidente.

"Mabuti naman nagkaayos tayo. Pero hindi pa kayo kumpleto." Nagsitinginan naman sila Remedios, Manuel at Jose na nalilito.

"Bumaba na kayo diyan!" Sigaw ni Emilio. May dalawang tao na bumababa sa kalesa na nakasoot ng pang sundalo. Ito sila Roman at Rusca na may malaking ngiti sa kanilang mukha.

Natulala nalang sila at tumakbo para yakapin. Magkakasama nanaman ang makukulit pero kulang ng isa, tatapusin pa rin nila ang kanilang misyon. Nabasa na din nila ang liham na galing kay Heneral Luna dahil ibinigay ito ni Laureana sa kanila nang nasa kulungan pa sila.

Pagkatapos nilang basahin ito ay agad nilang pinatawag sa mga sundalo ang Presidente at doon nila sinabi na sasama na sila sa kaniya.

"Hakdog. Mamaya bibilhan kita ng ensaymada." Ngisi ni Rusca kay Remedios. Ang iba naman ay tinignan si Rusca nang parang baliw dahil hindi nila alam ang ibig sabihin ng hakdog. Lagi kasi nilang naririnig sa kaniya iyon.

"Baliw ka talaga!" Pagkulas ni Remedios sa kaniya. Umalis na sila Emilio at Gregorio habang naglalakad sila ay tinitignan niya ang dalawa na nagtatawanan. Nakita naman nila Vicente ang reaksyon ng mukha ni Gregorio kaya agad nilang inakbayan ito at tinawanan.

"Unahan mo na, Goyong." Tawa nila. Tinulak naman ni Gregorio ang dalawa na may kasamang masamang tingin.

"May ibinigay ba sa inyong liham si Heneral-" Wika ni Roman ngunit pinutol siya ni Remedios.

"Wag natin dito pag-usapan, mamaya nalang baka may makarinig." Tumango naman sila at pumasok na sa bahay.

Sinabi na ni Remedios kay Emilio na may pinapatuloy siya sa kanilang bahay at sumang-ayon naman siya. Lumabas na ng kwarto si Angel upang hanapin si Remedios.

Sakto kakapasok lang nito at nakita nila Rusca si Angel. "Angel, andito ka pala." Magkakilala na sila dati kasi minsan tumutuloy sila sa bahay nila Manuel.

Nagsikainan na sila ng pang tanghalian at umalis si Emilio para bisitahin ang mga sundalo para kausapin, habang sila Gregorio, Julian at Vicente ay pumunta sa harap ng simbahan para magpakuha ng litrato.

Gayon na din ang grupo nila Remedios. Pupunta sila sa Dalampasigan para doon mag usap. Naglalakad na sila patungo doon nang may narinig silang boses na sumisigaw kaya tumigil sila sa paglalakad para tignan ito.

"Andiyan na ang Heneral! Andiyan na ang Heneral!" Sigaw ng isang lalaki para ibalita sa mga tao.

"Anong meron?" Tanong ni Remedios.

"Magkakaroon ho ng kasiyahan dahil tinaasan ni Presidente ang ranggo ni Heneral del Pilar bilang Komandante ng buong lalawigan dito." Sagot ng lalaking katabi nila, tumango-tango nalang si Remedios.

Nagsigawan ang mga tao nang dumating ang Heneral na sakay ang kabayo. "Bakit pa siya nakasay sa kabayo?" Tanong ni Rusca.

"Para makita daw siya nang maayos." Tawa ni Jose. May narinig silang nag-uusap sa kanilang harap tungkol kay Gregorio pero binawela lang iyon ni Remedios.

Nakuha naman ang kaniyang atensyon nang marinig niya ang kaniyang pangalan. "Wala na ata tayong pag-asa eh. Sabi-sabi nila may gusto daw siya kay Remedios." Narinig naman ng mga kasama ni Remedios at kinalabit siya na may kasamang biro na tingin.

Muntik pang mahimatay ang babae nang tumingin sa direksyon nila si Gregorio pero hindi pala siya ang tinitignan. "May gusto pala sayo si Goyong ah. Gusto mo rin noh?" Biro ni Manuel pero inarapan nalang siya ni Remedios.

Nagulat nalang siya nang may nagsalita sa kanilang likod. "Meron nga ba, Remedios?" Sambit ni Julian. Nasa likod pala nila sila kasama si Joven.

"Che! Joven, sama ka samin." Hila ni Remedios kay Joven. Nagsitawanan naman ang dalawa.

Pelikula - G. del PilarWhere stories live. Discover now