"Oh, mabuti. Magsidatdatan na kayo at ako'y nag-iintay." Subo niya sa kanin.

Nag-iisip pa sila ng paksa na pag-uusapan nila dahil wala talaga silang maisip at mayamaya ay nagsalita na si Manuel.

"Pakilala mo naman kami sa mga sundalo mo. Yung iba hindi namin kilala." Sabi ni Manuel kay Gregorio.

"Sige. Walang problema." Tuloy-tuloy pa rin sila sa pag-uusap nila hanggang natapos na silang kumain. Bumaba na sila para salubungin sila Emilio.

Sakto, pagbaba nila ay may paparating na mga kalesa at nagtaka naman si Remedios dahil dalawa ang kalesa na papunta sa kanila. Ang kalesa na iyon ay sinakyan niya noong papunta pa lang siya dito sa Dagupan, halos apat na tao ang pwedeng sumakay doon.

Bumaba na si Emilio ng kalesa kasama sina Felicidad at Hilaria, dumeretso muna siya sa pangalawang kalesa at mayamaya ay tumungo na ito sa dalawa.

Hindi na nila kasama si James dahil nabaril siya ng mga kapwa sundalo niya. Naglakad-lakad lang siya sa paligid at natamaan agad ito. Inilibot ng mga Pilipinong sundalo ang paligid kaso wala silang makita.

Sinabi lahat ni James kung saan pupunta ang mga kasama niya para makipaglabanan kaya agad na pinadalhan ni Emilio ang namumuno doon ng telegrama para maghanda dahil baka biglang sumugod ang mga Amerikano.

Naging resulta nito ay sumugod talaga. Malapit nang maubos ang mga sundalo ng mga Amerikano kaya umatras na sila sa labang iyon.

"Kuya!" Yakap ni Remedios at ibinalik naman iyon ni Emilio.

"Salamat naman hindi mo 'ko kinulit na umuwi agad kila inay. May nakakasama ka pala rito." Saad niya habang kumulas na sa yakap at tinuon na niya ang kaniyang paningin kay Gregorio. Nagbigay-galang sila sa isa't isa at nagsimulang mag-usap.

Nakita na ni Remedios sila Felicidad at ang kaniyang hipag na si Hilaria kaya agad naman siyang tumungo doon.

"Ate Hilaria, Felicidad!" Nagyakapan silang tatlo.

"Grabe, Rem. Ang tagal na nating hindi nagkita. Lalo kang gumanda." Pagpuri ni Hilaria sa kaniya.

"Ano ka ba, ate. Ako lang to." Nagsitawanan naman sila. Nag-usap naman ang magkapatid. Pumiwesto sila sa harap ng bahay kaya napansin ito ni Julian.

"Nako po. Kasama ang nakaraan. Si Felicidad, kapatid ng Presidente. Dati kong kasintahan." Saad ni Julian.

"Bakit ipinagmamalaki mo pa? Tapos na kayo niyan, sira." Tawa ni Vicente.

"Bwisit ka. Pinapaalam ko lang kay Joven." Inis na wika ni Julian.

Mayamaya ay pumunta ulit sila kung nasaan sila Emilio at Gregorio. Naunang naglakad si Hilaria at binigyan niya nang mapait na salita si Gregorio.

"Magandang araw po, Senyora." Bati ni Gregorio.

"Itigil mo na 'yang pagiging palikero mo." Saad ni Hilaria. Sa ibang tao lang siya mataray pero kapag kilalang-kilala niya na ito ay pinupuri ka na niyan.

Nakarating sa kaniya ang balita na may gusto daw si Gregorio kay Remedios. Parehas sila ni Julian, naging palikero kaya iniwan ni Felicidad si Julian dahil sa ugali. Nagbago lang ito noong nagkamit ito ng mataas na ranggo.

Umalis na si Hilaria at sumunod naman sila Felicidad at Remedios. "Kamusta?" Bati ni Felicidad kay Gregorio.

"Mabuti. Andiyan si kuya Julian oh." Turo niya. Dahil sa sinabi niya tinignan niya nang masama si Gregorio at nagpatuloy na maglakad. Nakatanggap naman siya ng pingut na galing kay Remedios.

"Aray!" Hindi pa rin umaalis si Emilio sa kaniyang kinatatayuan at ito na ang tamang oras para ibalita kay Remedios.

"Rem, papuntahin mo ang magkapatid na Bernal dito." Utos ni Emilio. Pinuntahan niya naman sila, nakatayo lang sila sa tabi nila Julian, Vicente at Joven.

Pelikula - G. del PilarWhere stories live. Discover now