"Grabe, ang init." Saad ni Remedios habang pinapaypayan niya ang kaniyang sarili. Narinig iyon ni Gregorio kaya agad niyang hinubad ang kaniyang sumbrero na pang Heneral at inilagay sa ulo ni Remedios.

"Salamat." Ngumiti naman siya.

Ibinalita na ni Emilio ang tungkol kay James at nagkakaunawaan naman ang lahat kaya pinalabas na ni Remedios si James at dumeretso sa bahay na tinutuluyan ng kaniyang kuya.

"Rem, Isulat mo sa isang papel ang mga plano na sinabi sa atin ni James at itago mo ito sa pinaglalagyan ko ng gamit. Huwag ka nang sumama at para may makasama rin ang bisita." Lumabas na ito. Palabas na rin sana si Gregorio pero narinig niya ang kaniyang pangalan kaya tumigil ito at humarap kung saan nagmula ang boses.

"Goyong! Teka!" Sigaw ni Remedios.

"Bakit?" Hindi na niya ito sinagot at inilagay niya nalang ang sumbrelo na nasa ulo niya kanina.

"Mag-ingat kayo ni kuya ah." 

"Salamat." Dumeretso na sila kung nasaan ang ibang sundalo ni Heneral Luna na naiwanan.

"Hindi ako nagpadala ng kahit anong telegrama sa kanya siya ang nag padala sa akin ng telegrama napupunta siya ng Cabanatuan para kausapin ako. Wala nga lang ako doon nang dumating siya."

"Noong mga panahon na nangyayari ang krimen nasa Bulacan at Pampanga kami, tinitignan ang mga kawal sa ilalim ni Heneral Del Pilar nagsisiyasat ng armas. Kasama ko rin ang aking kapatid na si Remedios, gusto ko siyang isama dahil antagal ko siyang di nakasama kaya huwag na huwag niyo siyang idadamay dahil sumama lang siya."

Ibinaba ni Tiniente Garcia ang kaniyang armas sa isang kahon at sumaludo kay Heneral Gregorio na may halong sama ng loob.

Naghiwalay sila ng direksyon upang mapabilis ang Gawain at para makauwi na kung nasaan si Remedios. Pumunta naman ang Presidente kung nasaan ang kampo ni Heneral Alejandrino para isayasat ang mga armas.

"Malaking dagok ang kamatayan ni Heneral Luna. Siya lamang ang may kakayahang gabayan tayo patungo sa kalayaan, siya ang pinakamatalino kong Heneral. Bakit ko siya papatayin? Hindi. Walang sabwatan. Walang nagbanta. Si Luna ang pinakamahusay kong Heneral. Natalo lang ako sa digmaan. Natalo tayong lahat." Wika ni Emilio Aguinaldo.

Hinahangad ng Pilipinas ang kasarinlan at pananatilihin kong buhay ang adhikain ng aking bayan hanggang sa katapusan. Mas magandang mamatay sa digmaan kaysa tanggapin ang pamumuno ng dayuhan.

Kung panaginip lamang ang umasa sa pag-unlad, Managinip tayo hanggang sa kamatayan. Hindi magtatagal, para sa pag-ibig sa Inang Bayan huwaring dala ang isang lihim na mensahe dinalig tayo ng isang nakakubling kamay at tinapon na parang mga dahon sa gitna ng sigwa.

Hindi magtatagal, tayo'y magiging nag aalimpuyong alabok na lamang.

Nailagay na lahat ang mga armas sa kahon ng mga sundalo ni Heneral Luna. Pero sundalo pa rin ba sila ni Luna o mapupunta nalang kay Gregorio hanggang sa Pasong Tirad? Ang malalapit kay Heneral Luna ay mabubuhay pa rin?

"Heneral, ito na ang natitira sa mga tauhan ni Luna. Anong gagawin natin sa kanila?" Ang mga sundalong ito ay natuto sa kanilang dating Heneral na lalaban pa rin hanggang dulo kahit anong mangyari.

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon