"Na-check mo ba? Wala bang tao sa rooftop no'ng oras iyon?" Mahinang boses na tanong ko dito.

"Clear po. Kayo lang po ang tao ng oras iyon." Sagot nito.

"Good."

Ako ang dahilan bakit inatake sa puso si mama pero sinisisi ko sa nangyari ang kapatid ko, si Cedric.

THIRD PERSON POV:)

"Ano ginagawa mo dito?" Kunot-noong tanong ni Ros dito. Nang makita niya ito, kumukulo ang dugo niya ngayon."Dylan, right?"

Tila may nabubuong tensyon sa kanilang dalawa sa pamamagitan ng salubong na tingin nila sa isa't-isa.

Sa huli, si Dylan na ang sumuko sa kanila.

"Nandito ako para may ibigay sa'yo." Panimula nito.

"Ano 'yon?" Medyo ambog ang tono na tanong ko dito.

Binigay niya sa akin ang isang flashdrive. Takang napatingin naman ako sa kanya.

"What is this? Para saan 'to?" Napataas ang kilay na tanong niya dito.

"Yan ang plano namin para sa Anniversary ng All Day Shop. Tingnan mo nalang, if may gusto ka idagdag o baguhin, inform mo sakin." Cold na sagot nito."Di na ko magtatagal, aalis na ko." Paalam na nito.

Sumakay na ito kaagad sa kotse nito. Bago pa man umalis, bumusina pa ito. Nakatingin pa sila sa kotse nitong papaalis.

"Sino 'yon, Ros?" Tanong na lamang ni Anthony sa kanya. Doon niya naalala na kasama pala niya ang kaibigan niya.

"Iyon ba?" Natawa naman siya ng mahina."Traydor 'yon." Napa-smirk na sagot niya.

Nilagay na niya sa kanyang bulsa ang Flashdrive at naglakad na siya papasok sa apartment. Sumunod din naman sa kanya ang mga kaibigan niya habang napakamot sa ulo si Anthony sa pagtataka sa sinabi niya.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Pinasok ko na nga ang cart ma naglalaman ng panlinis sa office ni Sir Johnser. Pagkapasok ko, tumingin pa ko sa paligid at sinisigurado kung nandito na ba si Sir o wala pa. Nang masiguro na wala pa, kinuha ko na ang walis tambo para maglinis.

Mga ilang minuto, natapos rin ako. Kinuha ko naman ang basahan at pinunas ang mga kagamitan ni Sir. Two days din akong absent at medyo maalikabok na dito. Sinunod ko naman ang mga kagamitan ni Sir sa table. Inayos ko ang mga folder at nilagay ang ballpen sa lagayan nito.

Sumunod naman ay inayos ko ang pagkaka-arrange ng mga libro ni Sir sa bookshelves. Bago ko ilagay doon, pinupunasan ko muna. Medyo ma-alikabok na rin.

Ilalagay ko na sana sa taas ang libro nang nagulat ako na lamang ako nang may humawak doon para pigilan ako sa paglagay doon. Dahil sa gulat, napaharap ako sa likuran ko. Napasinghap at natigilan na lamang ako nang may nakita akong tao na nasa harapan ko. Nakataas pa rin ang isang kamay ko habang hawak ang libro at hawak rin ng misteryosong tao. Nanlalaki mata na iniangat ko ang ulo ko at nagulat na lamang ako na ang lapit ng mukha ni Sir Johnser sa akin.

Hindi ko magawang huminga at na-estatwa ako sa kinatatayuan nang makitang nasa harapan ko si Sir.

Mabilis ko naman binitawan ang libro at umalis sa pagkaka-corner nito.

"S-sorry, Sir. Nilinisan ko lang ang mga libro nyo---" di ko na lamang napatuloy ang sasabihin ko.

"It's okay. Ito kasi yung librong matagal ko nang hinahanap." Sabi niya sabay pakita sa libro na hawak ko kanina.

Tumawa lamang ako ng pilit dito habang sinasabayan ng pagkamot sa ulo.

Tumungo na nga ito sa table niya at naupo sabay lapag ng libro doon.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें