"Thank you, Snow," she whispered.

"Sira! Pera mo naman 'yan. Huwag mo kasing tipirin ang sarili mo. You deserve to spoil yourself sometimes, you know. Kung magtipid ka parang hindi ka anak ng bilyonaryo."

She felt Artemis chuckling kaya natawa rin siya. Nang pakawalan siya nito ay nagpaalam na siyang umuwi. Pagkapasok pa lang sa kanyang unit ay dali-dali na niyang nilabas ang cellphone para silipin kung may chat ba si Apollo sa kanya.

Ano kaya ang naging reaksyon nito sa sinend ni Artemis na video niya? Nagalit kaya ito? Natuwa? Nakaramdam ng awkwardness? Galit ba ito sa kanya?

"Luh," she mumbled when she didn't see any new messages coming from him. Hindi pa ba ito nagbubukas ng IG nito?

Snow waited for Apollo's chat that night. Pero umabot na ng umaga, ng bago pang umaga, hanggang sa naging linggo na ang paghihintay niya sa mensahe nito. Nakabalik na rin si Sunshine mula sa Seattle, pero wala pa ring paramdam si Apollo sa kanya.

Snow stared at her reflection in front of the mirror. Napahilamos siya sa mukha at huminga nang malalim. Mahigit isang linggo nang hindi nagpaparamdam si Apollo sa kanya. Tinigilan na rin niya ang pangungulit kay Artemis tungkol sa binata dahil maski ito ay walang balita tungkol sa kakambal. She felt frustrated. Feeling niya ay nakapag-develop siya ng insomia dahil lagi niyang inaabangan kung may chat ba siyang matatanggap mula kay Apollo. But days had passed, at napakatahimik pa rin ng kanyang inbox.

That was when she realized something.

She's been ghosted by her crush.

Ang malas naman.

"Snow." Napapitlag siya nang tawagin siya ni Shekinah. "Are you okay, honey?"

Ngumiti siya at umayos ng tayo. "Yeah. Yeah, I'm okay."

"Are you sure? You look pale."

"I didn't sleep well last night," she reasoned out. "But I'm fine. Don't worry. No need to call 911."

Her classmate stared at her for a moment before smiling. Nginitian din niya ito pabalik at bumalik tuluyang bumalik sa ginagawa.

They were inside their working station for that day's new cuisine. Every week ay iba-iba ang pinapagawa sa kanila na mga dishes at cuisines. Pero bago sila gumawa ng exact dish ay pinapagawa muna sila ng reports and reviews tungkol dito. Pagkatapos no'n ay magsisimula na silang mag-experiment ng mga ingredients na puwedeng ilagay sa main dish nila para i-improve ang lasa, aroma, at iba pang factors nito.

Snow loved doing her job. She loved food very much, na kahit simpleng pagkain lang na makikita niya sa daan ay iniisipan na niya ng sariling bersyon. May mga ibang pagkakataon pa na sa simpleng pag-amoy lang ng isang lutuin ay naililista na niya halos lahat ng ingredients nito, which was the basic skill a chef should have. And that was what she excelled in.

"Grabe! Nakakapagod 'tong sem na 'to," reklamo ni Artemis habang kumakain sila ng lunch sa cafeteria ng school.

"Kaunting tiis na lang, bakasyon na," she said positively.

"Speaking of bakasyon—" Artemis looked at Sunshine who was silently eating her Shawarma. "How's your vacation with Dane?"

Sunshine just stared at Artemis coldly. Natawa silang dalawa ng kaibigan dahil sa itsura nito. Hindi talaga maasar-asar ang kanyang kapatid. Snow smiled softly. She missed that bitch face.

"Napasa niyo na 'yong report niyo, 'di ba?" she asked Sunshine. "Kamusta naman?"

Uminom si Sunshine ng tubig bago sumagot. "It was approved."

After the ChaseWhere stories live. Discover now