Chapter 10:What Happened Before?

Începe de la început
                                    

"Shit. Ang hina hina mo talaga pagdating kay Bright, ano?" sabi ni Khao. It was more of a statement than a question.

Hindi muling nakasagot si Win. Totoo naman kasi ang sinasabi ng kaibigan. Pagdating kay Bright hindi rin niya alam kung bakit hindi siya ganoon katapang na humindi. Marami nga kung tutuusin itong kasalanan sa kanya pero parang laging mabilis itong naglalahong parang bula tuwing maglalambing ito, magpapakita ng pagpapahalaga sa kanya, at sasabihing mahal siya. Lahat ng tatag na naipon niya sa loob ng ilang taon, para isang segundo lang at mawawala na lahat.

"Basta, ito lang ang payo ko kahit hindi mo naman hinihingi. Panghawakan mo yang pakiramdam mo. Hindi ko alam kung anong ipinangako sa iyo ni Bright o kung anong sinabi sayo, pero wag mong kakalimutan lahat ng aral na natutunan mo noon. Matuto ka mula doon, kasi katangahan na yan Win kapag hinayaang mong ulitin niya ang ginawa niya sayo noon," seryosong paliwanag ni Khao.

Win listened to Khao's advice. Alam niya namang tama ang kaibigan. He made a mental note about that. And promised himself that if it happens one more time, that would be the last straw.

Win left the restaurant feeling happy dahil naging okay ang pagpapaalam niya sa mga kaibigan. Now, he needs to talk to his brother. And he's on his way to the place where Nyle is. Tinuturuan itong mag-swimming ni Pluem ngayon. And to Win's surprise nandoon rin si Chimon. Ikinapagtaka niya ang presence ng kapatid doon dahil hindi naman niya in-instruct itong pumunta doon para magbantay. Tiwala naman kasi si Win kay Pluem.

When Win arrived at the venue, nagulat siya dahil exclusive pala ang lugar para sa mga may-ari ng condo units sa building na iyon. Hindi naman siya nahirapan na pumasok dahil naibilin na siguro ni Pluem ang pagdating niya. There were a lot of amenities in the said place. May mga sauna bath areas, mga jacuzzi, at kahit iyong mga high-end na water massage pool.

Mabilis naman niyang nakita ang anak na siyang siya sa ginagawang paglangoy kasama ang tiyuhin. Pluem just waved at him. And Win saw Chimon sitting in one of the benches allotted for the guests.

"Kanina ka pa dito?" tanong ni Win sa kapatid.

"Yeah. Medyo. Makulit yan e," turo nito kay Pluem.

"Kailan pa kayo naging close?" may himig ng panunukson ang tinig ni Win ng sabihin iyon sa kapatid.

Ngayon na lang yata sila ulit makakapag-usap ng biruan. Magmula kasi noong mamamatay ang nanay nila'y naging puro animosity na lang atmosphere sa pagitan nilang magkapatid. Nagkakasundo lamang sila ni Chimon tuwing si Nyle ang pag-uusapan. Chimon adores his nephew.

"Don't insinuate something," sabi ni Chimon, sinabayan pa ng irap ang sinabi.

"Ang sungit naman. I was just joking," sabi ni Win. He's trying to break the years of coldness na meron sila sa isa't isa.

"Wala ako sa mood. At saka, napilitan lang ako diyan. Sabi kasi kasama niya si Nyle. E syempre, baka kung anong gawin ng angkan niyan sa pamangkin ko no," sabi ni Chimon, masungit pa rin.

"Mon, wala silang gagawin kay Nyle. They love Nyle, like how you love him," pagpapacify niya sa kapatid.

"How did you know? Wala pa nga kayong ilang linggo sa bahay nila kilala mo na sila agad?" sabi ni Chimon. "Balik ka na naman ba sa dati? Nagpapaloko ka na naman?" dugtong pa nito.

"Mon," Win said, giving Chimon that apologetic look, "How many times should I say sorry for what happened then?" Win continued.

Tiningnan ni Chimon si Win, without any reaction. Then he said, "Kuya, for what you did to me? Napatawad na kita, matagal na. But what you did to Mama? Hindi ko alam," sabi ni Chimon.

He Used to be MineUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum