Ngayon nga'y malaya siyang pag-aralan ang tanawin at napagtanto kung gaano kagandang tignan ang isang lugar na walang bahid na kahit na anong makabagong estraktura. It just looked so magical and wonderful. She doesn't know how she got here or even why. Dasal lang niya na masasagot na ang mga katanungan niya kapag nakarating na sila sa pupuntahan.

She was so happy watching the scenery pass by, not until Yohan suddenly smacked her knees while saying, "Umayos ka ng upo." Hindi naman malakas ang paghampas nito, more on tapik nga lang pero dahil isa siyang dakilang maarte ay agad siyang nag-drama.

"Aray naman!" reklamo niya sabay tingin ng masama dito. "Aba't ano bang problema mo?! Nananahimik na ako dito!"

"Umayos ka ng upo. Bukaka ka ng bukaka diyan, para kang hindi naka-saya," he reprimanded her but she answered him with a roll of her eyes. Napaka-OA naman nito, makasabi ng bukaka para namang nakaposisyon siya na parang manganganak. 

"Hoy! Kahit na gaano kalawak ang pagbukaka ko dito ay wala pa rin namang makikita dahil ang taas ng palda ko!" pagtatanggol niya sa sarili.

"Saya, hindi palda," pagtatama sa kaniya ng lalake ngunit ayaw niyang patalo kaya lumaban siya.

"Palda!"

"Saya."

"Palda!"

"Sabing saya nga!" mukhang napikon na ang lalake dahil unti-unti ng lumalakas ang boses nito.

"Eh sa gusto kong palda! Ano bang problema mo?!" If magpapatigasan sila ng ulo ay tiyak na talo na ito. Pinaglihi sa coconut ang ulo niya. Mukhang na-realize rin iyon ni Yohan dahil inis itong bumuntung-hininga bago tumingin sa ibang direksyon. 

Aba't huwag ako kalabanin mo. Ikaw lang maiinis dahil hindi ako nagpapatalo.




Apple Pie can't stop herself from staring in awe at the huge mansion in front of her. Matapos ng matagal nilang paglalakbay ay sa wakas nakarating na sila sa pupuntahan. Unang bumaba si Yohan at ni hindi man inisip na tulungan siya. Mas mahirap kaya bumaba sa kalesa kumpara sa pagsakay. Buti na nga lang at mabait ang kutchero at tinulungan siya.

Ngayon nga'y nakatayo lamang siya sa harapan ng magarang mansyon na iyon. Si Yohan ay nauna na sa loob at hindi na siya inintay. Tumalikod siya upang matanaw ang malaking kaparangan sa harapan ng mansyon at napakunot dahil parang pamilyar sa kaniya ang lugar. She doesn't know but she felt like she has been here before.

"Hoy baliw! Papasok ka o hindi?" Nagitla siya nang biglang marinig ang boses ni Yohan. Hindi niya napansin na hindi pala siya nito totally na iniwan. Mukhang pumasok lang sa loob at doon siya hinintay.

Inirapan muna niya ito bago nag-ika, "Baliw kaagad?! Bawal na bang i-enjoy yung view?!" She trudged towards the big front door of the mansion and stick out her tongue to Yohan before going inside. Narinig niya ang malakas na pag-"tsk" ng lalake na para bang pinipigilan ang sarili na makipag-away na naman sa kaniya.

Kahit hindi alam kung saan siya dapat pumunta ay nagpatuloy siya sa paglalakad sa loob ng mansyon. When she was outside, she already noted that the mansion looked so grandiose. It has been built with white stones and has red brick decorations. Small, squared windows let in plenty of light inside the house. She estimated that the house was equipped with a big kitchen, several bathrooms, and maybe four or five bedrooms. Agad namang nakuha ang atensyon niya ng isang dining room na malapit lamang sa lugar na tiyak siya na isang living room. 

Gusto niya sanang pumasok sa dining room at magtingin-tingin ngunit mabilis siyang hinila ni Yohan papaupo sa isang eleganteng sofa. She has no choice but to continue examining the house from the comforts of the sofa. 

She remembered that the building was square-shaped and the outside was half surrounded by overgrown wooden overhanging panels. The house was half surrounded by a garden path, different flowers gave a magical feeling to it. The second floor is the same size as the first, but part of it hangs over the edge of the floor below, creating an overhang on one side and a balcony on the other. 

Aaminin niyang nagandahan talaga siya sa bahay na ito. Kung sino man ang nagmamay-ari nito ay tiyak na isang mayaman. Halata rin naman kasi na may pagka-European ang style ng bahay.

She was so busy looking at all the tiny figurines displayed on the tables while Yohan was just impatiently tapping his foot on the wooden floor. Hindi nga ito tumabi sa kaniya at sa pang-isahang sofa umupo. Natigil lamang ang kaniyang pagtingin-tingin nang may lalakeng biglang lumabas sa isang kwarto na mukhang office o library kung titignan at lumapit kay Yohan. Sa tingin niya ay hindi siya nito napansin dahil hindi siya kita mula sa line of sight nito.

"Kuya, anong problema? Natanggap ko ang liham na pinadala mo kagabi," pauna nitong sabi. Weird it may be but she swear to God that this man looked so familiar yet so strange to her.

This bronze-skinned man looks to be around 6'0. He has short, lightly-gelled black hair, a round face with a square jaw, a pointed nose, and angled lips. His mysterious brown eyes were thin and he has fine eyebrows. Her eyes then went down to the man's toned arms, his thick torso with his straight waist and really strong-looking legs. Katulad ni Yohan ay nakasuot ito ng camisa de chino at itim na slacks. She doesn't really understand but Kuya Zy's aura was exuding from these two men.

Ang wafu . . .

Ewan niya ba at iyon kaagad ang naisip niya habang nakatingin dito. Dahil busy siya sa kakatingin sa biceps nito ay hindi niya napansin na nilingon na pala siya nito. Mukhang napansin ang pagtingin ni Yohan sa kaniya kaya naman napatingin sa kung saan nakatitig ang Kuya nito.

Nabigla naman siya nang bigla itong lumapit sa kaniya at bumati. "Pagpasensyahan mo na binibini at hindi kita napansing nakaupo riyan," pagpapaumanhin nito ngunit agad ring pinutol ni Yohan.

"No need to act, Xav. That's Apple Pie," ika nito na para bang sinasabi na huwag na itong mag-akto dahil alam rin niya ang katotohanan patungkol dito.

"Apple Pie?!" the man in front of her shockingly asked.

"Xav?!" hindi makapaniwala niyang tanong pabalik dito. Gusto ata niyang masuka dahil kani-kanina lamang ay pinagpapantasyahan niya ito.

"The fuck are you doing here?!" halos pasigaw na nitong tanong sabay upo katabi niya.

"Aba't bisyo niyo bang magkakapatid na manigaw kapag nagtatanong?!" pasigaw niya ring sabi para naman makabawi siya sa mga ito.

"Oh God . . . I can't believe this," halos pabulong na ika ni Xavier habang nakatingin sa mukha niya. "Ang ganda mo dito," dagdag nitong puri pero napataas naman ang kilay niya.

"Aba't pucha ka! Sinasabi mo bang pangit ako sa hinaharap?!" sigaw niya sabay batok sa lalake. Wala siyang pakialam kung hindi na ito ang dating binata na bine-baby niya noon.

She would admit that a lot changed with Yohan and Xav. Malaking factor na doon ang katotohanan na hindi nila totoong katawan ang gamit-gamit dito, ngunit alam pa rin niyang hindi na ito ang mga lalakeng dati niyang nakilala. The two lanky, college boys were now strong, bulky men, just like their big brother. Tanda pa niya noon na palagi siyang nagfa-fangirl kay Kuya Zy dahil type niya ang mga lalake na may kaparehas na pangangatawan nito. But look at his two younger brothers now, they both looked like another version of Kuya Zy.

She was about to open her mouth and castigate Xavier again but they then heard some loud footsteps coming from the grand staircase of the mansion. Sabay pa silang nagkatinginan doon at bumungad sa kaniyang paningin ang isang pamilyar na estranghero. His face may have changed but she would never ever forget this man. 

The man who promised to help her get back with Yohan after a year of their breakup.

The reason for all the bullshit that happened to her.

"Kuya Zy . . ." she muttered under her breath.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon