1. Merry Christmas?

9 2 0
                                    

Nagising si Maya sa ingay ng alarm clock niya. Halos nakalimutan na niya ang mga nangyari kagabi.

First year college student si Maya Arabella Castro at nag-aaral ng Bachelor of Arts in Journalism sa UP Diliman. Stellar ito sa klase. Masipag mag-aral. Pero may social life pa rin. SANA ALL.

Tubong San Pablo, Laguna ang dalaga. Naninirahan siya sa isang studio type apartment sa Cubao para sa kanyang buhay kolehiyo. Madiskarte talaga ito kaya naman bukod sa pinansyal na tulong ng magulang niya, may mga raket siya tulad ng graphic designing, hosting events, speaking engagements at freelance writing. Marami na siyang naiipon.

Mag-isa lang siya rito dahil gusto niya na peaceful sa tutuluyan niya. Mas komportable siya pag mag-isa. She finds her peace when she's alone, not until she met him.

Bumangon na siya sa kama at nag-check ng messenger niya. Tadtad na ng messages ang groupchat nilang magkakaibigan. Gayundin ang pamilya niya. Buti na lang, close ang magulang ni Maya sa bffs niya kaya nainform naman agad ito na nakauwi na sa Cubao.

Pagkahilamos niya, may napansin siyang nakadikit sa ref. May nag-iwan ng note.

"Buti na lang naihatid ka namin dito. Bigat mo! See you sa samgyup libre girl!" - Shan and Joy

Kahit magkakasama na kagabi, plano nilang magsamgyup ngayong araw.

Buong araw masakit ang ulo niya kaya naman pagkakain niya ng umagahan, nakatulog na lang siya ulit. Naalala niya ang katangahang ginawa niya kagabi.

Humalik siya sa lalaking hindi niya kilala. Malaking kahihiyan iyon dahil siya pa ang nagsimula. Hindi manlang niya naitanong ang pangalan nito. Baka nga hindi na sila magkita.

She's really different when she's drunk.

~

Somewhere in Cubao lang din naman sila nagsamgyup kaya nilakad na lang ito ni Maya kinagabihan. 6 PM ang call time nila.

Agad namang nag-spill ng tsaa si Joy at Shan nang makapili sila ng pwesto.

"Hoy bacclaaaaa! Kamusta labi natin teh?" Joy shouted.

"Nakakahiya uy, quiet lang." Maya answered while holding her head. Masakit pa rin ang ulo.

"Dami mo kasing nainom kagabi eh. Di ka namin napigilan. Lasing na lasing ka. Buti na lang pinagpara tayo ng taxi ni kuyang hinalikan mo. Ang pogi niya!" Shan added.

"He did that?" Maya asked.

"Oo te! Kaso-- HAHAHAHAHHA" Napatawa yung dalawa kesa ituloy ang kwento.

"Bat kayo tumatawa?" Maya asked.

"Sinukahan mo sapatos niya 'te! White shoes pa naman." Shan answered then laughed.

Maya sighed. "Paano?"

"Nung pasakay tayo sa taxi, akay akay ka niya. Tapos inabutan ka na ng pagsuka kaya sa sapatos mo naibuga. Tawa nga siya nang tawa." Joy answered.

"Nagalit ba siya? Shet nakakahiya!" Maya answered.

"Yieee. Hindi nga e. Nako. Magkakalovelife na tropa namin!" Shan said.

"Wala ka bang planong hanapin siya?" Joy asked then wiggled her eyebrows.

"Wala mga teh. See? Di ko nga naitanong ni katiting na detalye about sa kanya. So, ekis." Maya answered then rolled her eyes.

"Mukhang fuck boy pati." She added.

"Hinalikan mo naman! Marupok ka!" Joy and Shan laugh in unison.

Habang kumakain sila, panay naman ang asar nitong dalawang tropa. Nakwento pa na hindi rin talaga nila natanong ang pangalan ng lalaki kahit inalalayan sila palabas ng bar, kaya ang itatawag nila dito ay espasol dahil sa kaputian nito.

Sealed FateWhere stories live. Discover now