Chapter 15: Congratulations

Magsimula sa umpisa
                                    

"What's it to you?" inis kong tanong sa kanya, hindi na makapag timpi pa sa inaasal niya. "Bakit ka ba nandito? Hindi ba magagalit 'yung girlfriend mo na nandito ka at wala ka sa tabi niya?"

"She doesn't know I'm here."

I rolled my eyes at him. "Obviously."

Umiling lang ito at muling ipinakita sa akin ang post ko sa IG. "Just answer the question. Why did you post his pictures?"

At bilang isang pilosopo, syempre hindi ko pa rin siya sasagutin nang maayos. I mean, who the hell does he think he is? Tatay ko? Kuya ko? "I didn't post his pictures. I posted our pictures to show him my appreciation."

"For what?" mabilis nitong tanong.

Mabilis rin ang pag singhal ko sa kanya. "Kailan ba talaga lahat alam mo?"

Hindi pa rin siya natinag. "Just tell me."

What the hell? Saan ba nanggagaling itong pagiging makulit niya? Parang may pakialam na naman siya sa akin matapos niya akong hindi kausapin nang ilang araw.

Sa sobrang inis ko ay napatayo na rin ako at lumapit sa mukha niya. "It's none of your fucking business!" sagot ko sa pangungulit niya.

I watched his jaw clenched in annoyance. "Asher."

Umiling ako sa kanya. Hindi ko ibibigay ang gusto niya. He must know that. "Kung ano mang trip mo sa buhay, could you please spare me? Wala ako sa mood makipagtalo sa'yo."

Bigla akong natawa nang maalala kong ito ang una naming pagkikita matapos naming matulog magkatabi sa kama niya. Ito rin ang unang pag-uusap namin dahil sa sobrang busy niya sa girlfriend niya at hindi man lang siya makaalala na may best friend siyang naghahanap sa kanya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ang galing mo rin no? Manggugulo ka rito nang ganitong kaaga, hindi mo man lang ako i-congratulate muna sa first magazine cover ko!"

Walang anu-ano ay sumagot siya. "Congratulations, Ash."

Wow, the sincerity. Not.

"Thanks, Storm," singhal ko sa kanya pabalik.

Natahimik kaming dalawa pero magkatingin pa rin sa isa't isa, handang-handa umatake pareho kahit anong oras. Umupo ako sa kama ko at sumunod siya sa akin. I guess, round 2 of our part will commence here in my bed.

Pinanood ko siyang ibulsa ang phone niya bago ibuka muli ang bibig niya. "Sabi mo sa'kin, hindi ka pinopormahan nung Jeric."

"Kailan ko sinabi 'yan?"

"Sa house partry."

Did I? Hmm... "I can't remember," sagot ko. Agad akong mapatingin muli sa kanya nang masama nang mapansin ang tema ng mga tanong niya. "Teka nga, bakit mo ba kami iniintriga ni Jeric?"

"I just want to know the truth, you owe me that much."

I couldn't help but laugh at him and with what he just said. I owe him that much? Ang kapal talaga ng mukha! The audacity of this little shit!

"I owe you shit," seryoso kong sagot sa kanya.

"Tell me that truth."

"Truth about what?"

"I need to know if you're dating him," sabi pa nito. "I need to know as your best friend."

I scoffed. "Ang kapal naman ng mukha mo," hindi ko napigilan ang sarili kong sabihin sa kanya. "As far as I know wala akong best friend na sinungaling!"

Siya naman ang nabigla sa mga sinabi ko. "Sinungaling? Where is this coming from?"

"Sa'yo!" I pointed at his lying-ass face. "Napaka-sinungaling mo!"

When We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon