CHAPTER 1

35 2 0
                                        

Someone's POV

"Ga wake up na magpapa-enroll ka pa diba?" Nagising ako sa mahinang pagyugyog sakin ng kung sino. Pagmulat ko, mukha ni mama ang bumungad sakin.

"Good morning" Pagkasabi ko nun ay isang halik saking noo ang natanggap ko.

"Good morning din, magready kana baka malate ka pa" 

Nakalimotan ko, ngayon nga pala ang enrollment sa bagong school na lilipatan ko. Kakalipat lang kasi namin dito last week.  

Isang pagtango na lamang ang aking binigay bilang sagot. Bumangon nako at inayos ang higaan. Pagkatapos nun ay pumasok nako sa banyo at tiningan ang sarili sa salamin. Hinawi ko ang buhok ko at nakita ang peklat saking noo. 

Binaliwala ko ito at naligo nalang. Ilang minuto ang lumipas ay natapos nadin ako sa pagaayos, kaya lumabas nako at bumaba na sa dining area kung saan nagaaantay si mama.

"Ga have your breakfast na" salubong niya sakin.

"Ma malalate na kasi ako, i'll bring this sandwich nalang at sa school nalang po ako bibili ng pagkain"

"Sige ingat ka ha"

"Yes po ma alis nako" at isang halik ang binigay ko sa kanya bilang pamamaalam.

Lumabas nako kaagad ng bahay at naghanap ng masasakyan at sakto namang may paparating na taxi kaya pinara ko ito at sumakay na.

Habang nagaantay na makarating sa school na pageenrollan ko ay tumunog bigla ang cellphone ko kaya sinagot ko kaagad ito.

"Hello?"

"Hoy Slyn, asan ka na ba?" Sigaw netong kausap ko.

"Almost there Kira"

"Bilisan mo ah naiinip na etong si Rence eh baka iwan pa ako dito"

"I know, just wait for me malapit nako"

"Oo na basta bilisan mo makarating dito ah" Pinatay niya agad ang call pagkasabi non.

What am I supposed to do para mapabilis eh di naman ako yung nagdradrive, at saka hindi naman pwedeng magmadali baka madisgraysa pa kami sa biyahe. Anyways she's Kirveah Sanchez isa sa mga tinuturing kong bestfriend. She's a year older than me but it looks like ako yung mas matanda samin. 3 years old palang magkaibigan na kami. People always ask us how we make our friendship this long.

Nilagay ko na ang phone sa bulsa ko ng mapagtantong nakarating na pala kami sa school. Hinanap ko agad ang lugar na tinext ni Kira sakin. Nagtanong pako sa mga istudyante kung saan kasi di ko pa kabisado ang school na ito.

Ilang minuto ang lumipas at nahanap ko na silang nakaupo sa isang bench malapit sa isang malaking puno, i think garden ata to.

"Tagal mo naman buti di ako iniwan netong isa" Sabi niya habang may nginunguya at tinuro niya pa ang katabing nakaupo lang at tahimik na nakikinig sa music.Di ko na siya sinagot at kumuha nalang ng fries na kinakain niya

"Hoy rence andito na si Slyn oh tara na" kalabit niya sa katabi.

"Long time no see Slyn"

"It's been a while Rence" 

He is Laurence Hernandez he's also my bestfriend. We're bestfriends for 6 years now. I met him because of Kira. It's a long story and I don't want to waste my time explaining it.

Pumunta na kami sa registrar para magpa-enroll na. Sumunod nalang ako sa kanila dahil hindi ko naman alam kung saan yun at di ko pa kabisado tong school na to. Siguro maglalakad-lakad ako mamaya para iexplore tong school.

Di naman kasi ako dito dapat magtratransfer, pinilit lang talaga ako netong si Kira. Lagi akong kinukulit na dapat magkasama kaming tatlo kaya no choice nalang ako at dito nalang nag pa enroll.

Mabilis naman yung process ng pageenroll namin kaya eto kami ngayon nasa cafeteria at kumakain. 

"Nga pala Slyn kumusta yung bahay na nilipatan nyo malaki ba?"

Isang tango lang ang binigay ko sa kanya at panibagong tanong naman ang natanggap ko galing sa kanya.

"Madami ba gwapo dun?" 

Napatampal nalang kami ni Rence sa noo namin ng marinig ang tanong niya.

"Di ka padin nagababago eh noh di talaga nawawala yang pagkahilig mo sa mga gwapo"

"Kaya di ka nagkaka-boyfriend eh"

"Grabe naman kayo nagtatanong lang naman eh, malay mo yung katabi ng bahay niyo is future boyfie mo na pala" Sabi niya habang sinusubo ang buong manok.

"Yung bahay talaga magiging future niya?" Natatawang tanong ni Rence.

"Tanga yung nakatira malamang" Sagot naman netong isa.

Basta talaga magkasama kaming tatlo ang ingay talaga pero kahit ganon naeenjoy ko naman kahit papaano.

"Kumain na nga lang kayo iingay nyo, kahit naman may mga gwapo dun wala akong pake sa kanila"

"Weh talaga ba ha, pagka talaga may marinig ako na nahulog ka ulit ako talaga unang tatawa" Nawala bigla yung ngiti ko ng may maala ako sa sinabi niya.

"Hoy gago baka maalala niya ulit yung ano" Bulong ni rence na rinig ko naman.

"Labas muna ako gusto ko tingnan yung buong school, umuwi na kayo kung gusto niyo wag niyo na ako antayin"

"Hindi sasama kami Slyn teka lang ubusin ko lang to"

"I want to be alone Kirveah" 

Wala akong natanggap na sagot kaya ibig sabihin alam na nila kung ano ang ibig kong sabihin. Lumabas nako at nagsimulang lakad-lakad sa malaking eskwelahan na ito.

Pumunta ako sa building na pinakamalapit sa Cafeteria kung saan ako nanggaling kanina. 3 story building ito at may mini garden sa gilid nito kung saan ako naka tayo ngayon. 

It says "Senior High Building" sa sign na nakita ko sa gilid ng mini garden.

So dito pala building namin. Napakalapit lang sa Cafeteria. Nagpatuloy ako sa pag lalakad at isang maliit na building ang nakita ko. Ito ata ang clinic kasi may nakita akong nurse na lumabas galing dito.

Naglakad-lakad pako para i explore yung buong campus and it took me a total of 20 minutes. Napagod ako sa paglalakad ko at tamang nahagip ng paningin ko ang isang garden na walang katao-tao. 

Pumasok ako dito at naghanap ng pwede kong upuan. Pumunta ako sa gitna kung saan naroon ang malaking kahoy at naupo. Mas gusto ko pa ang gantong lugar kaysa sa matao at maingay.

Pumikit ako sandali at di ko namalayang nakatulog ako. Nagising nalang ako ng maramdamang kong nagvibrate ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nakita ang pangalan ni Kira dito.

Di ko na ito sinagot dahil alam ko naman kung ano ang sasabihin niya. Tumayo nako at aakmang aalis na ng may nakabungo ako. Buti nalang at nakuha ko agad ang phone ko na malapit na sanang dumapo sa mga damo.

"Are you fine?" Tanong sakin ng kung sino.

Hinarap ko kung sino ang nagsalita at napagtanto kong hindi siya nag-iisa at tatlo pala silang nasa harapan ko ngayon. I bet they knew each other for a long time. 

Di ko na sinagot ang tanong niya at umalis na agad. Narinig ko pa silang naguusap tungkol sakin na wala naman na akong pake kahit ano pa sabihin nila.

Tumingin akong muli sa garden at nakita kong nakatingin sakin ang lalaking kasama nong nakabungo ko. Parang nagtatanong ang kanyang mga mata kung bakit ganon nalang ang inasal ko. 

Meron akong kakaibang naramdaman, and I don't know why I'm feeling this way. All I know is I'm afraid, I'm afraid that it might happen again.

The Guy Next DoorTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang