#004: Meet the Family

Beginne am Anfang
                                    

"Tumpak!" gatong naman ni Yarisse.

Hindi ko mapigilang mapangiwi. Nakakaloka talaga sila! "Oo na, sige! Number two na!"

"Number two, hindi ka tatawa kung may gagawa ng nakaka-offend na joke sa'yo sa hapag, ha?" Minata ako ni Cass. "Lalayas ka! Hindi ko alam kung ano'ng ugali ng pamilya nila, pero hindi porque ubod ng yaman sila, mamaliitin ka na nila, okay?! Mag-di-dinner na lang tayo sa mall; layasan mo na 'yang dinner nila! Susugurin talaga namin ni Yarisse ang angkan niya'n kapag ginano'n ka!"

"Mga luka-loka! Mabait 'yung pamilya nu'n, promise!" sagot ko dahil totoo naman! Sobrang bait ng pamilya ni Jett!

I mean, sa three years naman namin ni Jett, palagi nga akong kinukumusta't binabati ng Mommy at Daddy noon kahit hindi ko birthday. Lalo na 'yung mga kapatid! Kapag nakakasalubong ko pa nga 'yung Kuya Jaice niya, tina-tag ako sa IG Story tapos may caption pa 'yung selfie namin ng "YES! 🤩 Finally met Sab! 😜kahit na pang-sampung Story niya na 'yong kasama ako.

Ginawa pa akong artista!

"Heh! Basta siguraduhin mo lang na huwag kang magpapaapi, ha! Hindi ka si Maria Clara! Wala nang ganoon! Lalaban tayo kapag tinatapakan!"

"Tama!" sambit ni Yarisse sa tabi ko bago iniabot sa akin ang naayos na niyang bag ko. "Pero kapag inabutan ka ng milyon para hiwalayan ang anak niya, iuwi mo na! Barya lang sa mga Bella Corte 'yan sa dami ng mga branch ng kumpanya ng alahasan nila rito sa Pinas saka sa Singapore! Ihahanap na lang kita ng pangarap mo dating mayamang Kanong malapit nang ma-chugi!"

Napailing na lamang ako bago tumango't natawa. Alam ko namang nagbibiro lang si Yarisse doon sa una niyang sinabi, pero totoo naman kasi... Siguro lowkey lang talaga 'yung pamilya nila.

Pero the fact na kapag sinearch ko 'yung La Cortelle Inc. sa Google tapos... lilitaw sa Google Images 'yung pictures nila ng pamilya niya kapag may news sa kanila, minsan napapatanong ako sa sarili ko kung jowa ko ba talaga si Jett.

At hindi naman 'to dahil sa kaba ko lang kasi nakapunta na naman ako sa bahay nina Jett noon—ilang beses na rin. Pero natataon talaga na wala iyong parents niya dahil nasa trabaho.

Ngayon lang talaga 'yung ano na...

Hay, bahala na!

"Ah, naku! Ewan ko sa inyo! Basta, okay na ako! Thank you—thank you nang marami sa pagiging personal assistants ko for today! Bawi ako next time, okay?!" Bumeso na ako kina Yarisse at Cass.

Bumeso na rin sila pabalik habang sinisiguro na kumpleto na ang mga dala-dala ko. Kung hindi talaga sa dalawang 'to, baka tuluyang naloka na ako ngayon. Mag-ta-taxi pa sana ako pabalik sa bahay (syempre hindi alam ni Jett na problemado ako ngayon), kaso nag-prisinta na si Yarisse na ipahatid ako sa driver nila pabalik.

Kaya pagdating ko sa bahay, naupo na lang ako sa sala't nag-intay dahil fifteen minutes pa naman. Ingat na ingat akong hindi malukot 'tong itim na puff-sleeved dress na tila hanggang binti ko lang din ang haba. Iyong buhok ko... inilagay ni Cass sa isang high-ponytail para raw hindi hassle kapag kumain, pero 'yung manipis na bangs ko naman (na ako lang din 'yung gumupit last week) ay nakaladlad sa noo ko. Ultimo lahat ng gold na accessories ng bruha, ipinasuot sa akin!

Ilang minuto pa ang nakalipas nang tumunog ang cellphone ko sa gilid.

Jett
You already okay, babe? Hahaha :)

Midnight Kisses Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt