"WAAAAHHHH" napatili ako ng makita ko na iba ang suot kong damit. Agad ko naman pinaramdam ang katawan ko kung may masakit ba, ganon kasi yung mga nababasa ko sa libro na pagmasakit yung gitna mo ibig sabihin ay May nangyari kaso sa kalagayan ko wala namang masakit. Tumayo naman ako ng dahan-dahan sa higaan at sinuri ko ang bawat gamit dito.

"Good Morning"

"AAAAAAAA" tili ko ng may magsalita sa likod ko pagtingin ko ay isang matandang babae na nasa may pintuan.

"Iha, makatili ka naman naglalabasan ang mga tutule ko sa tenga" sabi nito habang nakahawak sa kanyang tenga.

Nag peace sign naman ako dito bilang sorry.

"Tara na nga sa baba " Aya nito sakin kaya sumama na ko dito at hindi ko muna iniisip yung mga gamit kong naiwan sa taas. Tumigil naman kami sa kusina.

"Ako nga pala si Manang Fe, ikaw anong pangalan mo?" Tanong nito sakin habang kumukuha ng mga ingredients na gagamitin n'ya sa pagluluto.

"Ako po si Meizea Velien" pakilala ko dito at pinanood siya kung pano mag hiwa ng mga gulay.

"Girlfriend ka siguro ni Young Master" Ani nito sa'kin kaya medyo nalito ako kung sino yung tinutukoy niya.

"Hindi po" sabi ko dito.

"Wag mo ng itanggi alam ko naman na mag jowa kayo"

Hindi ko na lang siya sinagot dahil mukhang masaya siya sa pinaglalaban n'ya.

"Alam mo bang ikaw lang ang dinala nyang babae dito" Sabi pa nito.

Ang daldal pala ni Manang Fe.

"Ay oo nga pala may pupuntahan pa ko" Sabi nito

"Total girlfriend mo si Young Master ikaw na mag luto iha may pupuntahan pa ko" Sabi nito at maglalakad na sana ng huminto ito at nagsalita ulit.

"Hindi nga pala nakain si Young Master ng kung sino-sino ng luto ang gusto nun ay ako lang ang magluto sa kanya kaso aalis ako ikaw muna iha" Sabi nito at tuluyan na kong iniwan sa kusina.

Napatayo ako sa aking kinauupuan at pumunta sa harap ng mga ingredients na nandito. Siguro Bulang-lang na gulay na lang ang lulutuin ko total kompleto siya sa mga gulay. Natuto kasi akong magluto nito ng buhay pa ang tatay ko kaya ayon minsan ang ulam namin ni nanay.

Mga ilang minuto ay hinanda ko na yung ulam at nilagay na sa silyaw na nakita ko dito nilapag ko naman ito sa lamesa at inayos na ang mga pinggan.

"Manang Fe" Parang pamilyar sakin ang boses na tumatawag kay manang Fe humarap naman ako dito at parehas kaming nagulat.

"Sage" Ani ko dito at tinuro siya, Siya pala yung Young Master.

"Asaan si manang Fe at bakit ikaw ang naghahanda" Tanong nito at umupo sa upuan.

"Improving kana ngayon magsalita ah, ang daldal na" Natatawang sabi ko dito

"Tsk" sage

Ang suplado naman nito tiningnan ko naman ito at napansin kong parang naging itim ang ilalim ng mga mata nito ibig sabihin may eye bags si Sage.

"Puyat ka ba?" Tanong ko dito. Umiwas lang ito ng tingin.

"Anong klaseng ulam to?" pag-iiba niya ng usapan.

"Bulang-lang na gulay" ako

Umupo naman ako sa harap ng upuan nito at nagsalin ng kanin sa pinggan.

"Hindi ako nakain na" Sabi nito at nang didiring tignan yung ulam na niluto ko.

"Ako ng luto nan masarap yan kain na" Sabi ko dito at nilagyan ko na din siya sa pinggan. Hindi nito ginagalaw ang pagkain n'ya kaya nainis ako at nilapitan ito.

"Eat Sage" inis kong sabi dito.

"Anong tingin mo sa'kin aso?" sabi nito.

Sumandok naman ako ng kanin at ulam at kinain yon sa harap nya.

Nailang naman ako sa tingin niyo kasi naka tingin siya sa labi ko hindi sa pagkain kaya kinurot ko ito sa pisngi.

"Aray ko" Siya.

"Kung saan-saan ka kasi nakatingin" angil ko dito. Kumuha ulit ako ng makakain ko at sinubo ko ulit yon ng mapatingin ulit ako kay Sage na naka ngisi.

"Kakain na pala" Sabi nito. Magsasalita na sana ako ng biglang higitin ako nito at sakupin nito ang labi ko. Naramdaman ko na pinasok niya ang dila niya sa bibig ko para makuha yung nginuya kong pagkain at lumayo ito sa'kin.

"Masarap nga" ngisi nito sa'kin.

Napatulala naman ako sa inasta nito kaya ng may biglang pumasok sa isip kong eksena

Nasusuka ako, Sage" ani ko dito at napahawak ako sa bibig ko dahil hindi ko na kaya at lalabas na yung suka ko.

"Fuck" rinig kong mura nito at tinigil nito sa malapit sa dagat kaya dali-dali akong bumaba sa sasakyan n'ya naramdaman ko namang sumunod siya sakin.

"tubig" abot nito sa'kin kaya tinignan ko lang ito at nang matapos na ko ay kinuha ko ito sa kanya para magmumog.

"Tara na" aya nito kaya sumunod na ko kahit nahihilo na ko kaya pumikit ako.

"Mag seatbelt ka" sabi nito at inayos nito ang seatbelt ko pag mulat ko ng mata ay nakita ko na sobrang lapit namin sa isa't-isa, pumogi ata siya sa paningin ko ngayon.

Hinila ko ito para mahalikan sa labi nakakaakit kasi ang mga labi nito daig pa ko. Nakita ko naman ito na mag mulat Lalayo na sana siya sa'kin ng higitin ko ito. Bumuka naman ang bibig ko para mabigyan siya ng paraan upang mag mahalikan niya ito kaso bumigat ang mga mata niya at hindi na niya kaya kaya nakatulog kaagad siya.

.......

just wait for Chapter 13 everyone love you

MX Series 1: She's the One (Editing)Where stories live. Discover now