Part 3 - Childhood Friends

12 0 0
                                    

Jisoo's P.O.V

"Wait magkakilala kayo?" takang tanong ni Lisa.

"A-ahh y-yes" utal kong saad. I know Rosé, she's my childhood bestfriend. Simula bata palang kami ay palagi na kaming magkasama. And I admit na, nainlove ako sakanya noon. Ngunit hindi ko lang nasabi dahil pumunta sila ng Australia, dapat ay sasabihin ko na sakanya ang nararamdaman ko.

"Ha?? How??" tanong ni Jennie then tumingin kay Rosé.

-- FLASH BACK --

Naglilibot libot lang ako dito ng biglang...

"W-wag nyo p-po a-akong saktan, p-please" pagmamakaawa nung babae.

Ngunit tumawa lang yung isang lalaki na nasa harapan nya at tsaka sya kinuha.

"Bitawan nyo po sya!" sigaw ko sa lalaki. Kahit bata ako ay marunong akong makipagtadyakan noh. Akmang kukunin na din nya ako pero nakailag ako at tinadyakan sya sa paa ng malakas. Baka Jisoo toh.

"Aray!" daing nung lalaki, ngunit madami pala sila kaya kinuha ko na ang kamay nung babae at sabay kaming tumakbo ng mabilis. Mabuti nalang ay nakita ako ni mommy at daddy kaya agad nila kaming pinuntahan. Nakita ko namang tumakbo na agad yung mga duwag na lalaki na yun. Tiningnan ko naman yung babae na ngayon ay takot na takot parin.

"Hey? Ok ka lang ba? Hindi ka ba nila sinaktan?" sunod-sunod kong tanong.

"O-okay la-lang po a-ako, s-salamat p-po" utal utal nyang sambit.

"Wag ka ng matakot ha? Ligtas ka na" ngiti kong sambit.

"Salamat po talaga sainyo. Lalo na sayo" saad nya at tumingin sakin nang nakangiti.

"Wala yun iha" ngiting sambit ni mommy.

"Ano bang nangyari sayo?" tanong ni daddy sa babae.

"U-uhm ano po eh, g-gusto po nila akong kunin. H-hindi po a-ako sakanila sumasama dahil s-strangers po sila. Hindi ko po s-sila kilala" utal na sambit nya.

"Iha anong pangalan mo?" tanong ni mommy.

"U-uhm Park Chaeyoung po. Rosé n-nalang po tawag nyo sakin" nakangiting sambit nito. Rosé pala pangalan nya. Ang ganda.

"Ako naman si Jisoo Kim. Jisoo nalang din ang tawag mo sakin" saad ko.

-- END OF FLASH BACK --

"Ohh, so muntik ka nang makidnap Rosie?" tanong ni Jennie.

"Yeah, thanks to Jisoo dahil niligtas nya ako" saad ni Rosé sabay tingin sa akin.

"Hala ang galing mo naman pre!" ngiting saad ni Lisa.

"Ako pa, baka Jisoo toh" proud kong sambit.

"Wow sanaol nililigtas, when kaya? Dejoke" pagbibirong saad ni Jennie.

"Hindi kapa ba naliligtas sa buong buhay mo?" tanong ni Lisa kay Jennie.

"Naligtas na haha joke lang naman yun" saad ni Jennie.

"Oh yun naman pala eh" natatawang saad ni Lisa.

"Alam nyo, tama na itong paguusap natin about sa ligtas ligtas na yan, and Jisoo nice meeting you again" saad ni Rosé.

"Same to you Rosé" ngiting saad ko. Maya maya pa ay nagpaalam na kami sa isa't isa dahil uuwi na kami ni Lisa.

-------------------------------------------

"Pre, paano manadyak?"
"Pre ganon ba talaga kayo nagkakilala ni Rosé?"
"Nagkagusto ka siguro sakanya noh?"
"Aminin mo na pre"

Andaming sinasabi nitong manoban na to, kanina pa ako naririndi sa bunganga nito.

"Manahimik ka nga dyan Lisa" inis na sambit ko.

"Sorry na, ano ba talaga kasi kayo ni Rosé? Nagkaroon ba ng kayo? Nahulog kaba sakanya noon?" sunod-sunod na tanong nya.

"Dami mong tanong, una sa lahat walang kami noon ni Rosé. Pangalawa magkaibigan lang kami ok? At pangatlo, oo nahulog ako, goods kana ba?" saad ko.

"Omg pre sinabi mo sakanya?" tanong ni Lisa.

"Nope, they went to Australia na nun nung time na aaminin ko na sana sakanya ang nararamdaman ko" malungkot kong saad.

"Ambagal mo Jisoo! Bakit hindi mo agad inamin sakanya nung may time pa" saad ni Lisa.

"Kasalanan ko bang naguguluhan pa ako nung nakaramdam ako ng feelings sakanya? At tsaka ok na yun past is past na so wag mo na ibalik" saad ko.

"Pre kung ako ikaw, aaminin ko agad sakanya yung nararamdaman ko" saad ni Lisa.

"Magkaiba tayo Lisa" seryoso kong saad.

"Fine, hindi ko na ibabalik" saad ni Lisa at tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ko at tumayo din.

"Kunin ko cp ko, tatanungin ko lang kung nakauwi na sila Jen" saad ni Lisa. Uyy, I smell something hm.

"Tatanungin or GUSTO mo lang makausap si JENNIE?" saad ko. Diniinan ko talaga yun. HAHAHAHA.

"Yah ano bang sinasabi mo?" tanong ni Lisa.

"Wala sabi ko goodnight na" natatawa kong saad habang papunta sa kwarto ko.

"JISOO KIM!!" rinig kong sigaw ni Lisa. HAHAHA sarap asarin.

To Be Continued............

The Sea Brought Us TogetherWhere stories live. Discover now