He or She?

13 0 0
                                    


MJ's POV

"Kkyaaah!"-nakipagsiksikan ako sa mga babaeng nagtitilian, Hay. Heaven talaga kapag nakita ko si crush dito sa school. Ang sobrang talino at sobrang gwapo na si Heins Almario. Simula 1st year highschool, crush ko na talaga sya. Pero hanggang tingin nalang ako. Alam ko yun.

3 Months after

"MAHAL NA MAHAL KITA, HEINS! SIMULA NUNG 1ST YEAR PA TAYO! MAHAL NA KITA!"-buong puso at lakas ng loob ko na ipinagtapat sakanya. Tumingin sya saakin. Hinila nya ko bigla at sumakay sa kotse.

"Saan tayo pupunta?"-tanong ko pero di sya sumasagot. Nagpunta kami sa condo niya. Walang tao sya lang kasi mag-isa dito. Kinabahan ako bigla, ito na ba 'yon? Nang makapasok kami sa loob, tumingin sya saakin.

"Mahal mo ba talaga ko?"-tanong nya para syang naghihinala.

"O-Oo naman. May picture ka sa cellphone ko, pero sa cellphone lang eh."-sabi ko.

"Kung ganun, pagnanalo ka.. sasagutin kita. Pero pag ako ang nanalo.."-Eh? Eto na ba yon? Pagnanalo ako sa kama? *gulp* Hende eke seney eh. Persteym ke eh. Pinagpapawisan ako. Binuksan nya ang kwarto nya at nagulat ako nang--

-

Makita kong napakadami kong picture sa kwarto nya at mga stolen pa. Ibinack hug nya ko. At bumulong sya.

"Kapag ako ang nanalo...sasagutin mo ko. Ngayon. Nanalo ako kasi mas mahal kita, ikaw sa cellphone lang ako, buong kwarto. Kung inaakala mong napakatalino ko, nagkakamali ka dahil...Ang tanga ko kasi nainlove ako sayo."-hindi ako makapaniwala? Panaginip ba 'to?! Hala! Totoo 'to! Totoo nga!

"pero paano mo ko-"- hindi ko naituloy ang pagsasalita ko.

"Hindi ko alam kung kailan, paano at bakit. Sabi ko nga sayo TANGA ko."

Love Stories [short]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon