CHAPTER 2

161 4 0
                                    

JHO'S POV



LUNCH. Hi, I'm Jhoana Louisse Maraguinot pero tawagin niyo na lang akong Jho. Nagmamadali akong nag aayos na nang gamit ko dahil gutom na gutom na talaga ako.

"Jho, let's go" my only bestfriend, si Kat. Pero nung seniors lang kami nagkakilala and I didn't expect that we would take the same course. Sobrang saya ko lang nung nalaman ko, siya lang kasi nakakaintindi sakin. Marami rin naman akong kaibigan kaso nasa iba ibang course sila.

"Wait, tapusin ko lang 'to" habang inaayos parin ang gamit ko.

"Hey" nabigla ako at napatigil sa ginagawa ko. Ngayon ko lang kasi narinig ang mahinhin na tono ng boses niya simula pa nung magkakilala kami at hindi ako nagkakamaling siya yun. I turned to her, mahinhin nga kunot-noo naman siyang nakatingin. Ano ba problema nito? Lagi na lang kumukulo dugo niya sakin. Anyways kasalanan ko rin naman kasi non.




-FLASHBACK-

Napatalon at napa upo ako sa gulat nang makita kong may dalawang ipis sa bag ko.

HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Tawa ng mga kaklase ko. Lalo na mga lalake!

Alam kong isa sa kanila ang nag lagay don pero di ko matukoy kung sino. Inis akong tumayo at binuksan ulit ang bag ko, pinagmasdan kong mabuti kung totoo ba yun o hindi, pero nalaman ko ring laruan lang naman. Isa isa ko silang tinignan at may isang naagaw nang mga mata niyang kumikislap at tawa niya ang paningin ko, ewan ko bat ganun naramdaman ko, parang sinasabi nang isip ko na siya ang may kagagawan pero meron ding nagsasabi na hindi. Kinuha ko ang iniinom kong iced shaken espresso at walang alinlangang lumapit sa kanya.

"What" tatawa tawa pa niyang tanong. At hindi na ako nagdalawang isip pa na tinapon sa damit niya ang starbucks ko.

"What the hell!!!" sigaw niya sa mukha ko "are you fucking crazy?" galit niyang tono habang nanlilisik ang mga mata na nakatingin sakin.

"OMG, di ba niya kilala na si Bea yan" bulong ng babae sa likuran ko "Is she ruining her life?"

Bakit ano ba siya? Malaking tao ba to?

-END OF FLASHBACK-



Doon na nagsimula ang hindi namin pagkasundohan. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung sino naglagay dun sa bag ko, ayaw nilang aminin. Ewan ko ba bat kasi siya pa nakaagaw pansin sakin. Pero alam niyo ba na sobrang nagsisisi ako sa ginawa kong yun.

"Hey" pang uulit niya kaya bumalik ako sa wisyo. "Did you hear me? Kanina pa 'ko nagsasalita rito, hello" na winagayway pa ang kanang kamay niya. Hindi naman nakakainis ang mukha niya pero naiinis parin ako.

"Yeah sasama na lang kami" sagot na lang ni Kat. Wala kasi akong narinig ano ba sinasabi niya?

"Sige, sabay sabay na raw tayo mag lunch" umalis na siya at dumeretso sa mga kaibigan niya.

"Ano ba sinabi niya? Bat sabay pa tayong mag lunch?" naguguluhan ako.

"We have a meeting, sinabi daw ni ate alyssa. Ano ba kase iniisip mow" ganyan talaga siya magtagalog may accent "kanina pa siya nagsasalita sa harap mo"

"Wala, tara na" sagot ko na lang. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lang sakin. Nasa harapan namin yung apat. Rinig na rinig namin kung pano pa mag kwento si ponggay at kung paano siya tumawa.




ALYSSA'S POV



Hello there! I'm Alyssa Valdez, and I'm the team captain of lady eagles in Ateneo.

Girl's Squad (I'm into You)Where stories live. Discover now