"Aray!"

"Napakakulit mo talagang bata ka."

"Remedios, ayos ka lang? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Pagpapatuloy ng lalaki.

"Anong Remedios? Baka ikaw yung baliw. Ang pangalan ko ay Renee," Sungit na sabi Renee.

"Inay, tignan mo. Baliw na nga."

"Emilio, tumigil kana at ikaw naman Remedios bumaba kana, mayamaya ay kakain na tayo." Umalis na ang babae pero nakatayo pa rin ang nangangalang Emilio.

Napansin ni Renee na bakit ganoon ang kasuotan nila parang nung sa pelikula na ineksena niya.

"Emilio, anong taon na?" Tanong niya kay Emilio.

"Aba, ako ang mas matanda sa iyo kapatid at para sagutin naman ang iyong tanong 1886 na. Hindi mo ba alam?"

Hindi makapaniwala si Renee sa kaniyang narinig kaya napaupo siya sa kama.

"Ahhh, pasensya na... kuya." Tumango naman si Emilio.

"Tsaka pala, bilisan mo bumaba. Uubusan kita ng ulam kapag mabagal ka pa din diyan." Lumabas na siya at agad naman kumilos si Renee, naghanap siya muna ng masusuot.

Pagbukas niya ng aparador ay puno ng magagandang baro't saya ang mga ito. Pinili niya ang kulay berde at isinuot na ito.

Mga ilang minuto ay bumaba na siya. Bumungad sa kaniya ang mga tao na nasa Hapag Kainan.

May nakita siya na nakasuot ng baro't saya na kulay lila at nagsalita ito.

"Rem, kain na." Tawag ni Felicidad sa kaniya.

"Nako, Felicidad. Araw ng kabaliwan niya ngayon, kung ano-ano ang ipinagsasabi." Loko ni Emillio.

Nang marinig ni Renee ang pangalan na Felicidad kumunot ang kilay niya.

'Hindi ba't iyon ang mga pangalan sa kwento ng Goyo? Tsaka... Emilio? Emilio Aguinaldo?

"Tumigil ka nga diyan. Sipain ko 'yang gitna mo eh." Sungit na sambit ni Renee, kanina pa siya naiinis dito kasi lagi siyang sinasabihan ng baliw.

"Jusko, dapat masanay kana diyan kay kuya. Ako nga mas malala yung palayaw niya sa akin." Ani ni Felicidad.

Dinilaan na lang ni Emilio ang dalawa niyang kapatid.

"Emilio, umayos ka diyan para ka pa ring bata kung umasta." Dumating na sa lamesa ang kanilang inay, inilgay na ng mga kasambahay ang almusal sa lamesa.

"Aba tatlo kayo, isa lang ako. Wala akong laban." Tinaas ni Emilio ang kaniyang dalawang kamay na parang susuko na.

Nagdasal na sila at kumain na rin, habang kumakain sila pinagsama-sama ni Renee ang mga nangyayari.

Una, ang pangalan na Emilio at Felicidad kamukha nila yung mga pinagbidahan sa pelikula. Pangalawa, yung taong 1886. Pangatlo, tinawag siyang Remedios.

Agad na napatigil sa kain si Renee at lumaki ang mga kaniyang mata. Bumalik siya sa sinaunang panahon. Pero kung siya si Remedios bakit siya tinawag na kapatid ni Emilio Aguinaldo?

Naisipan niya na pagkatapos niyang kumain ay maglilibot siya sa paligid ng bahay, habang pinaplano niya ito ay may biglang nagsalita.

"Rem, ayos ka lang?" Tanong ng babaeng kapatid niya at tumango naman si Renee.

Tapos na silang kumain, nagsipasok na ng mga silid ang kaniyang mga kapatid kaya agad naman siya naglibot.

Nakita niya ang isang larawan na kasama siya na may nakalagay na 'Pamilyang Aguinaldo'.

Walang kulay ang larawan at labing Isa tao ang na sa larawan. Dalawang tao na may edad na at walo naman na mga bata. Kung kasama siya sa larawan edi siya ay isang Aguinaldo.

Remedios Aguinaldo ang kaniyang pangalan.

Sa isip ni Renee, 'Bakit wala siyang nabasa sa libro na pinabasa sa kaniya ni Direk Jerrold na Remedios Aguinaldo? Ang alam niya lang ay si Remedios Nable Jose.

Habang pinagmamasdan niya ito may nagsalita sa kaniyang tabi kaya nagulat siya.

"Sana kumpleto na tayo. Nangulila ako nung namatay ang iyong ama, nakalipas na nang walong taon pero, nasa tabi ko kayo kaya binigyan ulit ako ng sigla para mabuhay." Wika ng kaniyang ina na si Trinidad.

"Huwag ka pa sana tumanda, Remedios..." Pagpapatuloy niya at tumango-tango nalang si Renee.

'Ay, gusto ko pa'no ba 'yan.'

"Gusto mo na naman ba ulit hiramin ang mga impormasyon natin sa pamilya? Alam ko naman na kapag tumitingin kasa larawan natin ay dederetso ka sa akin at magpapaalam."

'Mabuti nalang may ganiyan lalo ko pang mauunawaan ang pamilya na ito kasi gulong-gulo pa rin ako' sabi ni Renee sa kaniyang isip.

"Opo, Inay. Pwede po ba?"

"Pwede naman, Ito oh. Pagkatapos mong gamitin ay ibalik mo agad sa akin para hindi pakalat-kalat iyang libro na iyan." Tumango ulit si Renee.

Dali-dali siyang dumeretso sa kaniyang silid at binuklat ito. Puno ng mga pangalan ito at mga litrato.

Información de la Familia Aguinaldo

Carlos Aguinaldo

Trinidad Famy Aguinaldo

Ambrosio Aguinaldo

Benigno Aguinaldo

Crispulo Aguinaldo

Emilio Aguinaldo

Esteban Aguinaldo

Felicidad Aguinaldo

Remedios Aguinaldo

Primo Aguinaldo

Tomasa Aguinaldo

(This Information is real except for Remedios Aguinaldo)

Isinara na niya ito at napa-isip na kulang pa ang mga impormasyon na nakuha niya.

May biglang nagsalita sa kaniyang harap at pagtingin niya kilala niya ito. Si Jerrold Tarog.

"Kamusta, Remedios." Bungad niya na naka-ngiti.

━━━━━━━━━━━━━━━

≋ ━━━━━━━━━━━━━━━ ≋

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

━━━━━━━━━━━━━━━

Pelikula - G. del PilarWhere stories live. Discover now