"Ang nakakalungkot lang po dito ay mga Espanyol lang ang pwedeng makapasok dito dati dahil sinakop nila itong Pilipinas."

Nagpaalam sila sa nagbabantay o pinamumunuan ng Intramuros, pinayagan naman sila. Ipinasara niya ito para maging maayos ang pagbisita nila rito kasi maraming mga tao ang dadayo dahil may mga artista sa loob.

Malawak ang lugar na ito kaya sumakay sila ng kabayo at kinuwanan na rin sila ng litrato.

Isa sa plano nila ito para matandaan o may maramdamang kakaiba si Renee sa pagpunta nila sa Maynila. Dahil sa susunod mapupuntahan niya ang Maynila kasama ang malalapit sa kaniyang buhay. Isang oras sila natapos dito.

Nakauwi na sila sa kani-kanilang bahay. Agad na dumeretso si Renee sa kaniyang kwarto upang magpalit ng damit kasi naiinitan siya.

Pagkatapos niyang magpalit ay bumaba na rin siya para makipagkuwentuhan sa kaniyang pamilya.

Bumungad agad sa kaniya ang kapatid niyang babae.

"Ate, nakita ko sa news na pumunta ka raw sa Intramuros."

"Yup! I had fun."

"I want to go there with you," Pagpupumilit ni Alexa.

"Soon."

"Anak, malapit na yung premiere, ah. May susuotin ka na ba?" Tanong ng nanay ni Renee.

"Wala pa nga po eh pero, may nakita po ako sa mall, kukunin ko na po sana kaso may biglaang meeting," Pagpapaliwanag niya.

"Sige. Samahan nalang kita bukas." Tumango nalang si Renee sa kaniyang nanay.

"Sama ako," Habol ni Alexa.

"Sus, gusto mo lang naman magpabili sa akin."

"Sige na ate," Pagpupumilit niya ulit.

"Kulit mo. Sige na!"

Kinaumagahan, nag-aayos na si Renee. Iniintay na siya ng kaniyang nanay at kapatid sa baba.

"Renee! Aalis na tayo!"

"Opo! Teka lang," Sigaw naman niya pabalik. Bumaba na siya at nag salita ang nanay niya.

"Magsuot ka ng shades at cap baka habulin nanaman tayo ng mga fans mo."

"Hindi ba lalo nilang pagtitinginan nila ako nun?"

Natawa nalang siya nang maalala niya ang nangyari sa kanila dati.

FLASHBACK

Namimili sila ng mga damit sa mall.

"Alexa, ito color pink. Bagay sayo." Sabi ng nanay nila at kinuha ito ta's ipinatong kay Alexa.

"Ayoko niyan." Tumalikod siya at pumunta sa kapatid niya.

"Loko kang bata ka." Umiling-iling naman ang ilaw ng tahanan nila.

"Ate, pilian mo ako ng dress. May taste ka kaysa kay mama."

"Hoy! Narinig ko yun, ah." Tumawa nalang si Renee.

"Baduy ba?" Tumango naman si Alexa.

Mayamaya nabili na nila ang mga damit. Nang naglalakad na sila maraming nagtilian at tumatakbo hawak ang mga kani-kanilang Cellphone.

"Renee, pa picture!"

"Ganda mo po idol!"

"Gagi! May artista!"

"Ano bayan! Tabi!"

Nagpapicture siya nang kaunti sa kanila pero, lalong nagsilibot ang mga tao sa kanila agad naman umaksyon ang mga guard.

END OF FLASHBACK

Nasa mall na sila naglilibot. Nakahanap na si Renee ng masusuot niya sa Premiere simple lamang ito pero maganda. Puti ito at hanggang tuhod, may mga lilang bulaklak sa gilid.

Paborito niyang mga bulaklak iyon ngunit, wala pa ring nakakapagbigay sa kaniya iyon. Hindi niya pinagsasabi ang kaniyang mga kagustuhan kasi ayaw niya ng mga ganoon.

━━━━━━━━━━━━━━━

≋ ━━━━━━━━━━━━━━━ ≋

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

━━━━━━━━━━━━━━━

Pelikula - G. del PilarWhere stories live. Discover now