Pagpasok ko ng bahay ay nakita kong Nagluluto si mama, Nasa Kwarto siguro si Callie



"Ma,"Agad akong Nagmano at humalik kay mama

"Oh,Anak!"Bati nya at Niyakap ako


"Para sa inyo po,"Sambit ko at binigay sa kanya ang isang Small envelope kung Saan nakalagay ang buong sahod ko



"Oh, Bakit mo sakin binibigay?"Tanong nya na nagtataka "Para sayo yan Anak. Itago mo 'yan,"





Kahit Anong pilit ko ay Hindi ito tinanggap ni mama.


After a 1 year, ay Nabayaran ko na ang nakasangla naming bahay at nakabili narin ako ng kotse. At..Nakuha ko na rin ang singsing na Matagal kong pinatago para kay Alexa.




Kakadating ko Lang ng office ay Nakita ko Agad ang tatlo na nagkukumpulan sa Table ko at May tinitignan sa Cellphone





"Pre! Sali ka dito!" Sambit ni Bryan habang hawak ang cellphone nya,parang may tinitignan na post sa isang social media.




"Ano 'yan?"Corious akong napatingin sa Cellphone,nakipagsiksikan pa sa kanila. bakit ba sila nagkukumpulan? sa table ko pa!






"Contest sa TV, Mr. charm! 'Pag nanalo ka dito ay malakas ang chance mong sumikat! Tapos buhatin mo ang mga pangalan namin!"Sambit ni James



"Lol, Para sa mga Ulaga lang 'yan"Sagot ko at Inayos ang mga gamit ko




"Ok,Next!" Sigaw ng judges.Sinamahan namin si James na Mag Audition sa Mr. charm, pero nung sya na ang sasabak ay Hindi namin sya makita, Lumabas saglit, iihi daw.





"Next, Candidates Please!"Sigaw ulit ng Judges





"Pre, ikaw na ang mag proxy."Sambit ni Bryan sakin, Kanina pa nagtatawag ang Judges.





"Si Miguel nalang."Sagot ko






"Luh! Bakit ako? Bahala kayo dyan!"Sambit ni Miguel





Wala akong nagawa kundi sumabak. Putcha, paano ba ako napunta sa sitwasyon na 'to? Tsk.




"Ok,Walk!"Sigaw ng director-judge at Naglakad naman ako na parang isang model. Pati abs at mukha ko ay chineck. Punyemas, Ano ba 'tong pinasok ko?






"Ok,Congrats. Pasok ka sa Candidates!"Gulat kong kinamayan ang mga judges




"Kamusta?"Pagkalabas ko ng studio ay bumungad sakin yung tatlo, Si James ang Nagtanong



"Tarantado ka james, Ang laki ng problema ko!"Paninisi ko



"Bakit? Napahiya ka ba?"Tanong ni Miguel




"Hindi. Natanggap ako!"Sagot ko at napakamot sa ulo




"Ayon, Mission passed!"Sigaw ni Bryan at Nag apir silang tatlo. Hays, planado ba 'to?



Beyond the CameraWhere stories live. Discover now