Heart Snatcher

108 11 1
                                    

HEART SNATCHER
written by Endee (loveisnotrude)


"MAG-IINGAT KA, HA." Ayan ang huling bilin ng dating may-ari nitong bahay na nilipatan ko bago niya ako tuluyang iwan.

Nitong mga nakaraang araw daw kasi, nadadalas talaga ang nakawan dito sa lugar. At hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang narinig ang tungkol doon. Panatag pa naman ang loob ko na magiging safe ako rito sa lilipatan ko. Tapos biglang may gano'n pala . . .

Nagbuntonghininga na lang ako pagkatapos ay muling itinuloy ang pag-aayos ng gamit. Sa sobrang dami ng dapat kong ayusin at linisin, alas-otso na ng gabi at hindi pa rin ako tapos. Nagpa-deliver na nga lang ako ng pagkain sa isang fast food restau para sa dinner ko dahil wala na talaga akong energy na magluto pa. Hindi ko rin naman kasi inaasahan na nakakapagod pala itong ginawa kong paglipat ng bahay.

"Okay. Bukas naman ulit," pagkausap ko sa sarili nang maramdaman ko na ang sobrang pagod.

Alas-diez na rin kasi ng gabi. Dapat talaga ay tulog na ako ng ganitong oras dahil maaga pa ang pasok ko sa trabaho kinabukasan. Mabuti na lang at naisipan kong mag-file ng leave for three days. Kasi kung hindi, paniguradong mag-aaligaga talaga ako sa pag-aayos nitong sandamakmak kong mga gamit. Isama mo pa ang paglilinis ng buong bahay.

"I-double check mo ang pinto at mga bintana mo. Siguraduhin mong naka-lock ang mga ito nang maayos."

Nang maalala ko na naman ang bilin na 'yon sa akin, dali-dali kong siniguradong naka-lock na ang lahat ng pinto at bintana dito sa bahay bago ako pumasok sa kuwarto para tuluyang magpahinga.

Ngunit hindi ko inaasahan na sa kalagitnaan nang mahimbing kong pagtulog ay maaalimpungatan ako dahil sa isang malakas na kalabog.

3:41 a.m.

Pagka-check ko ng oras, hindi ko na mapigilang hindi kabahan. Hindi pa nakatulong ang pag-o-overthink ko na bakâ nabiktma na nga agad ako nung nakawan na sinabi sa akin.

Kung susuwertihin ka nga naman, o.

Mahigpit kong hawak-hawak ang hanger na nakita ko bago ako dahan-dahang bumaba upang tingnan kung may tao ba (na taimtim ko ring pinagdadasal na sana wala). At saktong isang hakbang na lang pababa nang may anino akong naaninag banda sa pintuan. Sa hitsura nito, mukhang palabas na ito kaya dali-dali na akong dumiretso sa kusina at agad na binato sa gawi nito ang unang bagay na nadampot ko: ang kaldero.

Pagkatapos saka ako nagsisisigaw at humingi ng tulong. Sa sobrang lakas ng boses ko, thankfully, nagising naman ang mga kapitbahay ko.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, natagpuan ko na lang ang sarili dito sa may barangay hall kasama yung lalaking nang-ahas na pumasok sa bahay ko at nagtangka pang nakawan ako. Mabuti na lang walang nawala. Ka-badtrip nga lang dahil sinira niya pa talaga yung pinto ko.

"Hindi nga ako yung magnanakaw. I'm just trying to help you out!"

"Sus. Bulok na 'yang palusot mo. Huling-huli na kaya kita sa akto," mariing sabi ko. "Hindi por que't pogi ka ay may free pass ka nang gumawa ng kung ano-ano, ha," pahabol ko pang bulong sa sarili.

Sa totoo lang, muntikan na akong mabudol nang maayos kong makita ang kabuuang hitsura niya. Ang pogi, e. Tapos naisip ko agad na bakâ isa lang 'yon sa modus nila---na ginagamit nila yung face value nila to get away from what they did.

Heart SnatcherWhere stories live. Discover now