"Without limit," aniya.

Ang lakas ng matinis na sigaw ni Kari sabay talon para mayakap siya.

"Thank you," she dragged her words too long. "I have to go," anitong kumikinang ang mga mata saka siya iniwan nang tumakbo ito palabas ng dorm.

Naiwang napakamot na lang ng batok si Cole.

Iwanan ba naman siya?

Napatingin siya sa suot na itim na cotton shirt. Wala na. Napuno ng glitters na may iba't ibang kulay.

Napabuga na lang ng hangin si Cole.

Wala siyang nagawa kundi ang lumabas na rin at nagtungo sa opisina ng kanyang mga kapamilya.

Nadatnan niya ang lahat doon maliban kina Thaïs at Kari.

"Look, nagpa-press con na si Mayor Ridges," ani Rianah.

Sumandal si Cole sa dingding at itinuon sa TV na nakapatong sa console ang atensyon.

Nakaupo na nga ang ginang sa likod ng isang desk at seryoso ang mukha nito.

"Ginambala ang ating mapayapang bayan ng isang kahindik-hindik na trahedya. Noong una, inakala natin na ang sikat na popstar na si Kam Hayes ang maygawa ng Obis massacre kasama ang kanyang mga kaibigan na mga bampira rin.

Agad tayong nag-conclude lalo na at siya ang may pakana ng mga Blood parties dito sa ating bayan. At agad tayong naniwala na siya nga ang salarin dahil kilala natin ang mga magulang n'ya- ang walang awang land and property grabbers na sina Kenia at Darrick Caedis."

Naiintindihan ni Cole ang mga mamamayan. Masyado nga namang notorious ang pamilya Caedis.

"Ngunit iisang tao pala ang may kagagawan at mastermind ng lahat. Isang taong hinangaan nating lahat. Pinagkatiwalaan."

There was a pause. Maging si Mayor Ridges ay nalinlang ni Kray Hayes.

Tumikhim muna ito bago nagpatuloy. "Nakuhanan ng video ang pag-amin ni Kray Hayes sa lahat ng ginawa niyang krimen at pagmamanipula ng lahat ng nangyari. Panoorin n'yo."

Nag-play ang isang video kung saan nakatayo si Kray habang nakapalibot sila rito. Inamin nito ang lahat. He didn't even look remorseful.

Love. Dahil sa salitang 'yan, ang daming buhay na nasisira.

Hindi ba pag-ibig ang dahilan kung bakit nagsimula ang lahat ng gulo na ito six hundred years ago? Ang baliw na pag-ibig ni Kray kay Misna.

Kray had a life a lot of people dreamed of having. He was popular, rich, loved by his fans. But he destroyed it. He destroyed everything.

See how one stupid decision can ruin someone's life forever?

All it would take was one stupid decision.

Love... ito ang dahilan ng lahat ng desisyon ni Kray sa buhay. Misna was his driving force. He probably thought love was everything.

Love was a powerful thing.

Pwedeng makapagpasaya.

Pwede ring makasira.

"Lahat ng pumanig kay Kray Hayes, his private soldiers, lahat ay makukulong. Iyung mga napatunayang gumawa ng mga krimen na hindi under ng potion o control ay mai-execute," pagpapatuloy ng Mayor.

Another stupid decision made by Kray's followers. Nasilaw ang mga ito sa pera at power.

Napailing si Cole. Napansin niyang gan'on din ang reaksyon ng kanyang mga kapamilya.

—-
Kamdyn

She was in too much pain. Not just physically but also emotionally.

Kray was dead.

Blood MenaceKde žijí příběhy. Začni objevovat