Doon na niya napagtanto na baka ginamit lamang ni Kuya Zy ang tatay nito upang mapilit siyang makipaghiwalay kay Yohan. Na baka ayaw talaga sa kaniya nito simula pa noon at naghahanap na lamang ng excuse para matapon siya. 

She cried. Hard.

Yung tipong iyon na lamang ang pinanghahawakan niya sa pang-araw-araw upang bumangon at harapin pa ang isang umaga. Ang sakit kasi dahil pakiramdam niya ay wala na siyang patutunguhan dahil wala na si Yohan sa piling niya. She packed her things, moved out of the condo and looked for a place to stay. 

Doon sila ni Gwyneth nagsimulang magsama sa iisang apartment. Malaki kasi ang nakuha nitong apartment kaya pwedeng-pwede siya doon. She stayed there and Gwyneth helped her to go back to her feet again. Alam niyang naging overprotective sa kaniya ang kaibigan simula nang malaman ang lahat-lahat.

Her friend even went with her to visit her Dad in jail. Doon niya nakumpirmang tama ang mga information na binigay sa kaniya ng Dad ni Yohan. Her father was indeed a convict and her mom was a whore. Noong dinalaw niya ang ama ay tanging paghingi ng pera ang ginawa nito sa kaniya nang isiwalat niya na anak siya nito. She got so angry that she punched him right in his nose. Sunod nilang binisita ng kaibigan ay ang puntod ng kaniyang ina. She looked at her grave and felt nothing.

These two people didn't care for her.

That was when she broke down and cried in her friend's arms as she screamed how alone she felt. Simula nang araw na iyon ay naging mas protective si Gwyneth sa kaniya. She was always on guard for her feelings, making sure that she won't ever feel alone. She always made sure that she would be present in every occassions in her life like birthdays and christmases. Lagi siya nitong pinipilit na sa pamilya nito mag-celebrate para hindi siya maiwang mag-isa. Kaya naman nang yayain na ito ng boyfriend na lumipat sa apartment nito ay hindi kaagad umoo ang kaibigan. Ang katwiran nito ay ayaw daw siya nitong iwan.

Alam na niya kung bakit.

Gwyneth was so worried that she would do something to herself now that she was back to being alone. She comforted her friend and told her that everything would be ok. Lumipat siya sa mas maliit na apartment at lumipat na ito sa boyfriend nito pero lagi pa rin siya nitong binabalikan at binibisita.

Aaminin niya umiyak siya noong unang gabing wala na si Gwyneth sa apartment nila. That was when the truth that she has always been alone dawned on her. Mas naging evident pa ang lungkot na iyon nang ibalita sa kaniya ng kaibigan na buntis na daw ito. She knew it was bad but she felt jealous.

It should have been me . . .

Iyon ang laging umiikot sa utak niya tuwing nagagawi ang paningin niya sa tiyan ni Gwyneth. She never got pregnant even though she and Yohan already did it several times. Ang selfish mang pakinggan pero aaminin niyang nagdasal siya na sana nabuntis siya ni Yohan. Sa isip niya ay pwede niya iyong gamitin para makipagbalikan sa lalake ngunit wala talaga. 

Ayaw talaga ng Panginoon na magkita silang muli ni Yohan.

Ngayon nga'y pinu-push niya ang sarili na makapunta sa Dubai. Gusto niya ng distraction sa lahat ng bagay na nangyari sa buhay niya. Alam iyon ni Gwyneth kaya naman suportado nito ang pangarap niyang makapunta roon.

In the end ay napapayag siya ng kaibigan sa raket na iyon. She gave her the address and the time that she was needed along with some weird rules like "Never ever bring a 100 peso bill. Nagagalit daw ang boss nito kapag nakakakita ng 100 pesos."

She prepared all of her stuff and when the day came, she went to the condo with a positive mind. May keycard siya doon kaya naman nakapasok lang siya kaagad. Ang sabi naman ni Gwyneth ay ayaw daw ng may-ari na may nakikitang tao sa pamamahay nito kaya sigurado siyang wala ito ngayon. Hindi naman siguro siya paglilinisin sa condo na iyon kung narito pa ang may-ari.

Hindi na bago sa kaniya ang ganitong raket. Sa katunayan ay alam na niya ang "drill" na dapat gagawin. Naituro na rin sa kaniya kung saan niya pwedeng ilagay ang mga gamit. Kahit nga ang nakakatawang rule na bawal ang 100 pesos ay sinunod pa rin niya. Iniwan niya sa apartment niya ang mga iyon.

She slowly assessed the whole condo to check how dirty it was. Surprisingly, it wasn't that dirty. May iilang dishes na dapat hugasan sa may kusina, apart from that, malinis ang buong condo. This place was quite big so she was wondering if it was true that there was only one man who was living here. Halata rin kasi sa interior na lalake talaga ang nakatira dito. It was screaming of alpha maleness.

The condo's interior used clean shapes, neutral colors, and quality materials to showcase the different textures and architectural shapes that give off a subtle and sophisticated effect. A large monolithic travertine stone sink element extends through the wall near the terrace entrance while the corner opposite the kitchen island is decorated with Mutina blocks. The furniture textures were smooth, soft, and natural with a warm color palette like terracotta and sandy shades. All in all, masasabi niya na napakaganda at malinis tignan ang lugar.

Tumingin-tingin pa siya sa mga display at napansing walang picture frames doon kaya naman hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung sino ba ang may-ari nito. Tanging mga vases at soccer memorabilias ang mga naka-display. She saw a navy blue Lionel Messi's autographed jersey displayed on a wall. Next to it was a red Adidas Christiano Ronaldo's autographed jersey. He even has soccer balls with autographs from famous players. Halatang-halata na avid fan ng soccer ang may-ari ng condo.

Sunod naman niyang naisipang puntahan ay ang mga kwarto. Ayon sa job description niya ay kasama iyon sa lilinisan niya. Kailangan daw niyang palitan ang mga bedsheets at labhan ang mga maduduming damit. She checked the first room and saw that it was clean as hell. Mukhang hindi nagagamit pero sa isip-isip niya ay lilinisan pa rin niya iyon. Ayaw niyang may maireklamo sa kaniya ang may-ari. Ang mga bathroom ay kailangan ng kaunting pag-brush pero overall ay malinis rin ang mga iyon.

May isa pang kwarto na dapat niyang puntahan at akma niya na sanang bubuksan ang pintuan ngunit nagulat siya nang nakaawang na iyon at may tunog na nanggagaling sa loob.

Akala ko ba wala ang may-ari?

She was so hesitant to open it but then decided to just do it. Hindi naman niya kasalanan kung nandito nga ang lalake dahil ang sinabi sa kaniya ay wala daw. 

Maingat niyang binuksan ang pintuan kaya naman mas luminaw sa kaniya ang tunog na narinig kanina. It was a recording of someone talking, or rather, counting backward. It has a soothing voice that makes you want to sleep. She suddenly felt light-headed but before she closed her eyes, her gaze trailed to a man sleeping peacefully on the bed.

One name crossed her mind before she collapsed on the floor.

"Yohan?"



My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now