Kapagkuwa'y pumasok na rin siya sa driver's seat at kinabit ang seatbelt niya. Maya-maya pa ay umandar na ang kotse niya. Based on what the other kids told her, I suddenly wonder what happened to Bethany. Did she abandon Trishia?

If that's the case then Bethany is shameless for leaving her daughter. Hindi ko alam kung paano niya maatim na iwan ang anak niya na si Trishia. Mabuti nga siya at buhay pa ang anak niya pero kung iniwan niya si Trishia ay tanga na siya.

Habang nasa biyahe ay hinahaplos ko ang buhok ni Trishia habang naglalaro siya ng zombie tsunami. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti habang pinagmamasdan siya na maglaro.

Hindi naman nagtagal ay huminto ang kotse ni Grant sa garahe ng dati naming bahay. Kumunot ang noo ko nang walang pinagbago ang bahay. 

Katulad pa rin ito ng dati at akala ko ay hindi na titirhan ni Grant ito pero nagkamamali pala ako. Nac-curious tuloy ako kung inuwi niya rito si Bethany. 

Napailing na lang ako at huminga ng malalim. It's not my business anyway. Grant and I already broke up years ago. I also told my family to break the engagement and the reasons why I want to separate from Grant.

Gagalaw na sana ako nang may naramdaman akong mabigat na nakadagan sa kaliwa kong balikat. Napatingin ako kay Trishia na mahimbing nang natutulog sa bisig ko. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti dahil dito. 

Dahan-dahan kong kinuha ang iPad mula sa pagkahahawak ni Trishia at baka mabitawan niya ito.

Sumulyap ako kay Grant nang bumaba siya sa kotse at sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pagbuksan niya kami ng pinto. 

Then Grant leaned closer as our eyes met, "let me carry her," he spoke and I just nodded with it. He then carefully and gently carry Trishia in his arms. I heaved a deep sigh before stepping out of the car. 

Napatingin ako kay Trishia na mahimbing na natutulog habang nakasandal sa balikat ng ama niya. Sinara ni Grant ang pinto at binuksan niya ang backseat para kunin ang stroller bag ni Trishia. 

Mukhang sanay na sanay na siyang mag-isang inaasikaso si Trishia. I suddenly wonder how's his life during these past 8 years. Nang makuha niya ang stroller bag ay humarap siya sa akin.

"Let's go inside," aya niya na ikinatango ko lang. Pinauna niya akong maglakad at sumunod naman siya. Pinihit ko na ang door knob at marahan kong tinulak ang pinto para magbukas. 

I entered first and opened the door wide for Grant and Trishia to enter. Nang makapasok sila ay sinara ko na ulit ang pinto. I then automatically roamed my eyes around the interior of the house. 

My lips curved into a smile when I noticed that it is still the same as before. 

"Threscia, dalhin ko muna si Trishia sa kwarto niya. Hintayin mo ako. Umupo ka muna," rinig kong wika ni Grant sa akin. Sumulyap ako sa kaniya at tumango lang. 

Nang tinutungo na niya ang hagdanan ay umupo na rin ako sa sofa at nilapag ang bag ko center table. Huminga ako ng malalim at pinatong sa kandungan ko ang mga kamay ko habang hinihintay si Grant na bumaba.

Napaisip tuloy ako kung pinagamit ba ni Grant 'yong kwarto ni Teresine kay Trishia. Bumuntong-hininga ako at napailing na lang. 

Napatingin ako sa side table nang mahagip ng mga mata ko ang litrato ni Grant at Trishia. Tumayo ako at nilapitan ang mesa. Dinampot ko ang frame at tinitigan. I think nasa 3 years old pa lang si Trishia dito sa litrato.

Hindi ko maiwasan ang hindi mapangit habang pinagmamasdan ang litrato nilang dalawa. I can say na may kaunting features lang na nakuha ni Trishia kay Grant. Hindi ko alam pero nakikita ko ang sarili ko kay Trishia.

HIS #2: Availing The Odds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon