Mr. Stranger 62:

Magsimula sa umpisa
                                    

Kumuha ng pinggan na nasa lagayan nito at nilagay doon ang mga hotdog at longganisa.

"Ako na nyan. Pahinga kana muna sa kwarto mo. Gisingin nalang kita pag tapos na ko." Singit nito sa akin bigla.

Napagilid naman ako dahil siya na naka-pwesto sa pwesto ko kanina. Hinugasan na niya ang hotdog. Kinuha niya ang kawali at nilagay sa kalan.

"Sure ka?" Tanong ko pa dito.

"Oo." Sagot nito. Nakangiting pilyo na lumingon siya sa akin."Wala ka bang tiwala sa akin? Relax, kaya ko na 'to."

Lumitaw naman bigla ang dimple nito na kinatigil ko. Nag-stand out lalo ang kaguwapuhan niya dahil sa cute na cute na dimple niya. Nagsimula na naman kumalabog ang puso ko na akala mo may naliligaw na bola dito na nagtatalon sa loob ng puso ko.

Napalunok naman ako ng laway. Umiwas kaagad ako ng tingi dito nang maramdamang umiinit ang pisngi ko.

"S-sige." Nautal na sabi ko habang di nakatingin dito. Parang baliw na kumaripas kaagad ako ng takbo palabas ng kusina.

Naiwam ko naman si Ros na napangiti dahil sa nakita niya ang weird na kinilos ko.

DYLAN LORENZO POV:)

"Sir, hindi ko po mahanap si Ryan. Hindi ko alam saan siya nagtago pero nakakasiguro ako na hindi siya bihag ng kalaban." Sabi ng tauhan ko habang nasa kabilang linya ito.

"Sa kanila? Pumunta kana ba?" Mahinang tanong ko at lumingin ako sa paligid. Nagbabasakaling walang taong nakakarinig sa akin.

"Oo, Sir. Wala rin siya doon." Sagot din nito kaagad.

Tumanaw ulit ako sa labas nang masiguro na walang katao-tao nga. Nandito pa rin ako sa loob ng Uphone.

"Sige. Pahinga kana muna. Balitaan mo nalang ako pag makita mo si Ryan."

"Salamat, Sir."

Binaba ko na nga ang tawag. Palihim na tinago ko ang cellphone sa aking bulsa. Tumalikod na ako para umalis sa kinaroroonan ko kanina. Di pa ko nakakalayo, napatigil ako sa paghakbang na may tumawag sa akin.

Lumingon naman kaagad ako nang makilala ang boses na iyon.

"Dylan!"

"Kuya Ramon." Nakangiting sambit ko sa pangalan nito.

Tumakbo ito palapit sa akin."Kanina ka pa hinahanap ni Sir Andrew. Galing yung assistant niya sa office natin. Naghalungkat siya sa mga gamit mo. Nung wala siyang mahanap, galit na umiwan siya ng bilin sa akin." Humihingal na kwento nito.

"Sabi na nga ba..." Sa loob-loob kong sabi at palihim na napa-smirk ako.

"Bakit raw?" Tanong ko na kunyare wala akong alam.

"Pumunta ka raw kay Sir Andrew. Gusto ka niya makausap."

Tama nga. Ako kaagad paghihinalaan niya na nagpakawala sa kapatid ni Tomas. Kailangan ko mag-doble ingat.

"Sige po. Salamat." Pasalamat ko.

Umalis na nga ito. Naiwan akong seryosong nakatingin sa kawalan habang may nakakalokong ngiti na gumuhit sa labi ko.

ANDREW SY POV:)

**Flashbacks**

"Dylan." Nakangiting lumapit ako dito nang makitang nandito na siya."Yung pinapahanap ko sayo noon, ito siya. Siya ang kapatid ni Tomas." Nakangiting sabi ko sabay turo dito.

Seryoso lamang nakatingin si Dylan dito. Dito ko makikita kung kalaban ba siya o kakampi.

"Ang ipapagawa mo ba sa akin ay patayin siya?" Prangkang tanong nito kaagad.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon