Perfect 18: No Rules

Start from the beginning
                                    

"Oh my gulay! Nagseselos ka nga? Talaga? Really? Truthfully?"

"Babae!" sabi nito at binuksan 'yung pintuan ng sasakyan.

Agad ko naman isinara 'yon at hinarang ulit ang kamay ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko today. What a revelation, right?

I'm enjoying this, anyway. I crossed my arms. "Eh, ano kung masarap?" ngisi ko.

"H'wag mo ko nginingisian, babae." Pananakot nito sa 'kin.

"Eh ano kung nginingisian kita?"

"Babae."

"Eh ano kung hinalikan niya ko?"

"Babae, tumahimik ka."

"Eh ano kung ayaw kong tumahimik ngayon?"

"Babae, hindi ka ba talaga tatahimik?"

"It's a no no no no—-" hinila ni Hunter 'yung kamay ko at binuksan 'yung pinto ng sasakyan at sapilitian ipinasok.

Anong ginagawa niya. "Nasasaktan ako, ano ba!" sigaw ko kahit hindi naman talaga masakita. Wala lang, gusto ko lang may effect.

Parang ibinato ako ni Hunter papasok. Agad itong pumunta sa driver's seat.

"Seatbelt." Utos nito sa'kin.

Inayos ko muna'yung buhok ko at nilagay 'yung seatbelt. Nagulat ako ng bigla niyang pinaandar 'yung sasakyan. As in, sobrang bilis! Feeling ko lilipad na 'yung sasakyan sa sobrang bilis! Arggh!!

"Hunteeeeeeeeeeer! Gusto ko pa makita 'yung magandang lahi ko! H'wag!"

Hindi naman si'ya nakikinig sa'kin. Buti na lang walang ibang kotse dito at puro bundok padin nadadaanan namin dahil kung meron sure ako ng mababangga kami! Mas lalong nanlaki ang magaganda kong mata ng makita ko may sasakyan na humahabol samin.

"Hunter, sino 'yan?!"

Bumilis pa lalo.

"Kahalikan mo."

Mas lalong bumilis.

"Garreth?!" bulyaw ko.

Napahawak na ako sa kung saan-saan dahil nate-tense na talaga ako. Hindi ko na namalayan na napahawak na pala ako sa damit ni Hunter.

"Babae, bitiwan mo nga 'yung damit ko." suway nito.

Napapikit ako. Shiat, kusang bumaba 'yung kamay ko at pumasok sa damit niya. Papuntang ABS niya. Dito ako kumapit. I feel safe here!

Napatalon ako ng may bumangga samin sa likod. Oh my God, Garreth! You're killing me, too! Maya maya nasa gilid na namin si'ya nakababa 'yung salamin nito at nakangisi.

"Ashley Esqueza, talon." Natatawang sabi ni Garreth sa'kin.

"What? You're crazy!" hiyaw ko.

Mas lalo pang binilisan ni Hunter 'yung pag-andar ng sasakyan. Mamatay na ako sa sobrang kaba!

"Tigilan niyo nga! Hindi kayo nakakatuwang dalawa!"

Magcar racing daw ba na kasama ako! Nagigitgitan pa sila! Medyo nauna na 'yung sasakyan ni Garreth at nanlaki pa lalo 'yung mata ko ng humarang ito sa dadaanan namin. At ang mas nakakaloka pa hindi binagalan ni Hunter mukhang may balak ito banggain 'yung sasakyan ni Garreth!

"Hunter, sasagasaan mo talaga si'ya?" sabi ko. "Hunter, ano ba!"

Malapit na konti na lang tatama na kami. Nagulat na lang ako ng sumangga 'yung katawan ko sa bintana ng sasakyan. Sa gilid si Hunter dumaan, sa lubak-lubak na daan. Lord, sabi nga nga ba. Pag sila kasama ko mamamatay lang talaga ako!

Teka, saan kami pupunta? Pataas kami ng pataas. Kitang kita ko na 'yung buong baba dito. Pumikit na lang ako ng mariin dahil ang bilis padin ng tibok ng puso ko. Maya-maya tumigil 'yung sasakyan. Narinig ko ang pagbaba ni Hunter.

Dumilat ako.

We're in heaven.

No, I think nasa langit kami ngayon. Ang ganda ng view. Mountains after mountains. Napababa na din ako ng sasakyan.

"Wow." Bulalas ko, habang iniikot ng mata ko kung nasaan kami.

Just wow, the power of nature.

"Never pa may nagdala sa'kin sa ganito." Pag-amin ko.

Nakaupo naman si Hunter sa unahan ng sasakyan, malayo ang tingin. Okay, wala akong pakialam kung hindi si'ya nakikinig sa sinasabi ko.

Nagulat naman ito ng marinig akong sumigaw.

"Ashley Esqueza!" sigaw ko. "Ikaw ang pinakadyosang babae sa buong mundo! Tandaan mo 'yan!" tawa ako ng tawa sa sinigaw ko.

Bakit ba? Wala na naman ibang makakarinig si Hunter lang naman saka kayo 'di ba? Sabi ko naman secret lang natin 'to tatlo nila Hunter. Okie?

Nawala 'yung tawa ko ng nakita ko si Hunter nakatitig lang sa'kin.

Awkward..

"Bakit? May dumi bas a mukha ko?"

Napalunok ako. Yung titig niya kasi, parang unti-unting nahuhulog 'yung Victoria Secret panty ko.

"Anong tinuro niya na paghalik sa'yo?"

Napaawang 'yung bibig ko. "Narinig mo?"

"Sumagot ko na lang." naiinis na sabi ni Hunter sa'kin.

"Bakit ko i-kekwento?"

Bumaba si Hunter ng sasakyan at pinantayan ako. Nagsisimula na tuloy kumabog ang dibdib ko na parang aatakihin ako sa puso.

"Gawin mo sa'kin."

"Ha?"

"Gawin mo sa'kin tingnan natin kung maiimpress ako."

Napalingon ako sa paligid namin. Wala naman tao dito, right? Tiningnan ko ulit si Hunter. Yung mukha niya nasisinagan na ng araw ngayon. Sobrang kinis lang, ang sarap siguro hawakan niyan.

"May step by step." Sabi ko. "Una, hold the chin." Hinawakan ko 'yung baba ni Hunter. Napalunok ako, dahil parang hindi man lang si'ya kinakabahan sa ginagawa ko.

Wala ba akong effect sa kanya? "Pangalawa, ilalapit 'yung mukha."

At syempre napalunok nanaman ako habang dahan-dahan nilalapit 'yung mukha ko sa kanya.

Mas nilapit naman ni Hunter. "Ganito?"

God, Lord, I can smell his breath. "Oo... Pangatlo——"

Hinalikan na niya ko.

Kumpara sa halik ni Garreth iba 'yung kay Hunter.

I'm soaring...

And flying....

Parang may lumilipad na paro-paro sa tyan ko.

Teka, hindi lang lipad tila nagkakagulo sila sa ginagawa sa'kin ni Hunter.

I forgot about everything..

Kung nasaan kami at kung ano ba talaga pangalan ko..

All that mattered is his kiss.

Only this.

Hindi din ako makahinga dahil sa sobrang diin ng halik niya sa'kin. Naramdaman ko na tumama 'yung likod ko sa sasakyan, napahiga na ako dito. Pilit ko na din hinahabol ang hininga ko.

Nahihilo ako sa ginagawa niya. Para si'yang uhaw.. na ako 'yung tubig na kailangan niya. His mouth was all over mine.

Only mine.

Hinihingal kami pareho ng tumigil si Hunter. "Pagmanghahalik hindi na kailangan ng step by step. You don't need to remember every step, babae. All you have to do is to close your eyes then go with the flow."

Nakatitig lang ako sa seryoso niyang mata.

I touched his cheek.


"If you want to kiss her hard, just kiss her hard. No rules."


Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now