T_____________T 

All this time! 

Ito pala yung balak niya. 

Napangiti ako nang mapait. Confidential nga talaga yung pinag-uusapan nila. Damn him! Pano niya nagawa sa akin to? Ganun nalang ba talaga ako kawalang halaga sa kanya? 

MANG-GAGAMIT! 

MANG-GAGAMIT KA MHOR! 

GALIT AKO SA'YO AT KINAMUMUHIAN KITA! 

Bago pa lumabas yung bisita ni Mhor. Ang punyetang bisita ni Mhor ay dali-dali na akong tumakbo papaalis sa lugar na iyon. Kung saan ako pupunta, yan ang hindi ko alam. Pero sa ngayon ang gusto ko lang ay lumayo sa nagpapasakit sa akin ngayon. 

=========== 

MHOR'S SIDE 




Gabi na pero wala pa din sa bahay si Jhoy. Nag-aalala na ako. Ngayon naramdaman ko na yung naramdaman niya nung nakaligtaan kung tumawag sa kanya at nung late na late na akong umuwi. Pero iba yung sitwasyon naming dalawa. 

Ang sabi ni Manang Claudia sa akin ay kaninang bandang lunch pa daw ito umalis. May dala-dala pa nga itong pack lunch para sa akin pero ni anino ni Jhoy, wala akong nakita sa office kanina. Nagtanong ako sa mga receptionist na andun pero hindi daw nila napansin na dumating siya. 

Lunch break naman kasi nung mga panahong yun. Pero kanina pa yun. 8:00 o'clock na nang gabi.

F*CK! 

She's pregnant for goodness sake! 

Ano bang pumapasok sa isip niya!? 

Book 2: He Is Still A Selfish Man (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin