CHAPTER 7

22.1K 368 16
                                    

This chapter is for you.

HAHAHAHA.

Maraming salamat sa pag-comment dun sa previous chappy.

Ang kulit nung comment mo kaya natuwa ako.

I hope you'll like this.

And keep safe always:)))))

============

JHOY'S SIDE 




Ilang araw na yung nakakalipas at napapansin ko na sobra-sobra akong nahihirapan sa pag-gising. Minsan nga pati si Mhor, nawawalan na din nang pasensiya kapag ginigising ako. 

Ewan ko ba, para kasing ang bigat-bigat ng katawan ko. Tapos everytime na tatayo ako bigla-bigla na lang akong nahihilo. Hindi ko nga alam kung ano nang nangyayari sa akin. 

Minsan nga, nag-ha-half day nalang si Mhor sa office. After lunch nalang ito pumapasok kasi nga hindi ko naman siya na aasikaso tapos masama pa yung pakiramdam ko. Kaya, he makes sure na okay na ako kapag pumunta ito sa office.  

Kinuha na din niya sa bahay si Manang Claudia. Yung yaya ko nung bata pa ako. Para daw may kasama naman ako sa bahay. At para daw hindi ako masyadong mapagod.  

Malaki naman kasi tong bahay na niregalo nang parents sa amin ni Mhor, kaya kung ako lang mag-isa ang mag-aasikaso sa mga gawaing bahay, talagang hindi ko kaya. 

It just sweet that Mhor has some initiative and concern towards me. Kahit hindi ko sabihin sa kanya, alam na niya yung gagawin niya. 

Pero ngayon, hindi ko magawang tumayo. Natatakot kasi ako na baka pagtumayo ako, mahilo na naman ako. Tulog pa naman si Mhor, ayaw ko pa kasi siyang gisingin. Maaga kasi akong nagising ngayon dahil na din sa sobrang hilab ng tiyan ko.  

Hindi ko na nga talaga kasi alam kung ano bang nangyayari sa katawan ko. Hindi ko naman kasi nararanasan tong mga to noon. 

Pero hindi ko na talaga makayanan yung nararamdaman kong panghihilab sa tiyan. Marahas ang ginawa kong pag-alis sa braso ni Mhor na nakayakap sa akin. At dahil sa ginawa ko agad itong nagising. 

Book 2: He Is Still A Selfish Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon