Mr. Stranger 61:

Magsimula sa umpisa
                                    

Di naman umimik si Papa.

Maya-maya nagpaalam na din ito."Pag tumawag ang mama mo, sabihan mo na tumawag o pumunta sa office ko." Sabi ni Papa at umalis na rin ito.

Hindi na nito hinintay ang sasabihin ko. Napakibit-balikat na tumayo na ako sa pagkakaupo at kinuha na ang folder na nakalapag sa harapan ko. Lalabas na sana ko nang pinto nang natigilan ako dahil lalabas rin si Dylan. Nagtinginan pa kaming dalawa at pareho kami nahinto sa binabalak para lumabas ng Conference Room.

Naalala ko nalang ang nangyari kahapon, ang kahapong ginawa kong kabaliwan at kahihiyan. Hindi ko alam bakit ginawa ko iyon. Ang kapal talaga ng mukha ko. Ako nagpumilit gawin iyon tapos pag ginawa, nagsisisi ako sa huli. Kapal talaga mukha ko.

Namumula ang pisngi na napaiwas naman ako ng tingin dito.

Ako na nga naunang lumabas sa amin dalawa at saka rin siya lumabas kasunod ko.

RYAN REYES POV:)

Nakaupo lamang si Ryan sa isang upuan habang nakagabos ang paa at kamay nito, puno ng pasa ang katawan niya. Mahimbing lamang siyang natutulog nang magising siyang makarinig ng isang tunog. Tunog ng...

Dahan-dahan niya minulat ang mata at tumingin sa paligid. Nakita naman niyang nagkakagulo ang mga lalaking nagbabantay sa kanya. Kanya-kanya ito ng kuha ng baril sa isang lumang baul.

"May pulis! Bilisan nyo!" Sabi ng lalaki sa mga kasamahan nito.

Rinig niya ang wang-wang ng pulis sa ibaba. Sa awa ng diyos, maliligtas na rin siya.

Napatingin na lamang ako sa isang bagay na tila galing sa labas ng bintana at gumulong-gulong sa sahig. Naglabas na lamang ito ng malaking uso na dahilan napaubo ang mga lalaki pati siya.

"Anak ng! Inaatake na tayo---ah!" Tila may nangyari ito dito.

Isa-isa naman inatake ng misteryosong lalaki ang mga armado at isa-isa niya ito pinatumba. Nang mawala ang uso, dahan-dahan niya iminulat ang mga mata at iginala ang paningin sa paligid. Nanlaki na lamang siya ng mata ng makita na nakahandusay na sa sahig ang mga lalaki.

Nakita naman ni Ryan na may isang taong naka-jacket na itim ang lumalapit sa kinaroroonan niya. Nang nasa tapat na niya ito, binaba nito ang hood at tumambad sa kanya ang isang di kilalang lalaki.

"Ako si Zero, pinadala ako ni Sir Dylan para iligtas ka." Sabi nito.

"Sir Dylan?" Takang tanong niya dito.

"Ang boss ng kaibigan mo, si Rose."

Nanlaki naman ang mata niya sa nalaman. Akala niya ang taong kumidnap sa kanya ay iyon ang Boss ni Rose pero hindi pala. Siguro naunahan ito ng kalaban makuha siya.

Hindi ko alam kung ano nangyayari. Kung sino ang lalaking napagkamalan kong Boss ni Rose. Bakit hinahanap nila si Kuya? Kung nagnakaw si Kuya, hindi niya iyon magagawa. Kahit masamang tao si Kuya, di sya gagawa ng masama hangga't walang kapalit na pera. Ano posibilidad na nagawa ni Kuya para hanapin siya?

Pinakawalan naman ako nito halos pinutol niya ang lubid gamit ang kutsilyong maliit na dala niya. Nang makawala ako, nahihirapang tumayo ako at pinaikot ang leeg kong ramdam kong pagod na pagod halos tumunog pa iyon. Medyo nangangalay ang lahat ng katawan ko dahil 2 days akong pinahirapan nila.

"Bilisan natin at baka mapansin ng mga kalaban na niloko ko sila." Sabi nito at inalalayan na ako nito para umalis."Wala naman talagang pulis. Wang-wang ang ginamit ko para magkagulo sila."

Di pa kami nakakarating sa pintuan may nagsipasok na lamang na mga lalaki.

"Oops! Hanggang diyan lang kayo." Nakangiting demonyo sabi ng nasa gitna kung titingnan parang leader siya.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon