"It's fine Eleven. Kaya ko na ito. Umuwi ka na. Thank you sa pagbalik sakin nito.." Sabi ko habang sabay kaming pinupulot mga gamit ko. Puro make-up at hygiene products ang natira. Hindi umimik si Eleven at nang tinignan ko siya ay parang naging estatyuwa si Eleven. Mayroon siyang hawak sa kanyang isang kamay at nakatingin lamang siya roon. Nang tiningnan ko kung ano ang hawak niya ay kuminang ang pamilyar na pendant ng aking tinatagong kwintas sa loob ng aking pitaka. Nanlaki ang mga mata ko. Oh my god.

"Eleven." Kumalabog ang aking puso. "G-Give me that."

"Athalia, why do you have this?" Napaawang ang aking bibig dahil hindi niya ito binigay sa akin. His eyes were locked at mine, hindi niya inaalis ang tingin niya sa mga mata ko at halos nabibingi na ako sa lakas ng tibok ng aking puso.

"Eleven, just give it back."

Tumayo siya bigla at sumunod ako.

"Why?"  humakbang siya at ako'y napapaatras papasok sa condo ko. Napalunok ako. "Damn Athalia..." He looked down at naging estatyuwa ako sa kinatatayuan ko. Kinuyom niya ang kwintas sa kanyang palad at binaba niya ito ng bahagya. Hindi ako nakapagsalita. Hindi rin siya nagsalita. Unti-unting umangat ang mukha niya sa'kin. "Why do you still have this?"

11+A. Kuminang ang pendant ng kwintas na naka-engrave ang pangako niya sana sa akin noon. Ang pangako na naging lokohan lang pala.

Naramdaman ko ang kirot ng aking dibdib at ang matinding galit ko sa kanya na matagal ko nang kinukumkom.

"I don't understand." Umiling siya at tiningnan muli ang kwintas. "That day you made it clear that you didn't want me. Pinili mo siya sa harapan ko. But why are you carrying this around, Athalia? What for? Tell me." Kumalabog ang puso ko sa bawat segundong nakatingin siya sa mga mata ko. Humakbang siya muli at napaatras ako hanggang nakita kong nakapasok na siya ng condo ko. "Answer me."

"I don't need to answer your question. Trespassing ka na! Kung ayaw mong ibigay sakin yan, lumabas ka nga!" Iniwasan ko siya sa harapan ko at tinuro ko na sana sa kanya ang pinto pero hinila niya ako at mabilis niyang sinara ang pinto sa likuran ko. Naramdaman ko ang malamig na pinto sa aking likod. Umigting ang kanyang panga. Kinuyom ng kanyang kamay ang kwintas at sinandal niya sa pinto ng likuran ko ang kamay niyang iyon. Lumapit ang kanyang mukha sa akin. I can smell his familiar scent. Nagkatinginan kami sa mga mata.

Ang mga mata niya ay puno ng pagtataka, lungkot, at galit. Halu-halo ang emosyon na nakikita ko sa mga magagandang mata niya. Umiwas ako.

"Answer me, Athalia. Please." Bumasag ang kanyang boses at hinanap niya ang aking mga mata. "Did you... I knew it." Bakas sa kanyang mukha ang kalituhan hanggang sa napaawang ang kanyang panga na para bang mayroon siyang napagtanto. "Did you lie to me?"

Napakunot ang aking noo.

"That day..." Aniya. "You lied to me. You really did have feelings for me, Athalia. You lied to get rid of me. You lied because you felt the same."

"What are you talking about, Eleven? Nababaliw ka na ba? Are you even hearing yourself?"

"You're shaking." Napapaos ang kanyang boses. "You're nervous... because I'm right."

"I don't know what you're talking about." It's been years already. Why should he even care if I lied anyway? Hindi ba't sabi rin niya ay wala na siyang pakialam sa akin ngayon? "Okay so I kept that necklace. So what? Wala namang ibig sabihin sakin ang kwintas na yan. Nakalimutan ko nga na nandyan siya purse ko, tinapon ko na sana kung nakita ko yan diyan!"

"Stop lying. Lady, please..." My mouth opened and my heart shook. Did he just call me lady again? Nilapat niya ang kanyang isang palad sa aking pisngi at sinandal niya ang kanyang noo sa akin.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon