025

2 0 0
                                    

Sino ba itong si Daniel Kelly?

Mula sa chats niya sa text ay halos nakapagtataka nang malaman niya ang cellphone number ko, worst, after ng graduation rites namin noong elementary ay hindi ko na halos nakilala pa sa sobrang busy ko. Pagkatapos guguluhin niya ang mundo ko habang nagpapakabusy sa gilid?

Sumapit ang ala-una nang madaling araw at sa kasamaang palad, hindi pa rin maalis sa'king isipan ang reply ng Daniel na iyon, lalo na sa VBING. Samu't saring mga tanong ang pumasok sa'king sarili gaya ng: nang-iistalk ba siya sa'kin? Did he trace anything just to approach me?

Or not at all?

I got my cellphone and to my surprise, I saw Jihyo's message — the one that I became my fake girlfriend for the past two months. Kung hindi ba naman sa mga gagong kaibigan ko at pati ang mga kaibigan niya na magkasama kami, 'di sana hindi mangyayari ang lahat ng ito. Paano ba naman kasi, laman kami ng balita sa buong section, na maski sina Huening Kai, Yeonjun, at Beomgyu ay handang makisawsaw tungkol sa'ming dalawa.

"Pre, paano ba iyan, mukhang malapit na agad kumalat sa buong Westeros High ang sa inyo ni Jihyo," bungad ni Beomgyu sa'kin habang magkasabay kaming naglalakad patungo sa sakayan ng traysikel. Natapos na ang last subject namin at marami na naman ang usap-usapan tungkol sa'ming dalawa na halos ikabingi ko nang husto.

"Oo nga," dagdag ni Yeonjun bago siya sumakay sa tabi ng driver's seat nang nakahanap na siya ng masasakyan. "Hindi ba sa section lang natin 'to pwede? Bakit pati ba naman sa buong campus?"

"Ewan ko ba sa mga kaklase ko," seryoso kong sagot sa kanila. "Sinabi ko noon kay Huening Kai na hindi niya pwedeng ipagkalat sa kahit na sino ang tungkol sa'min pero anong nangyari?"

"Gago ka, labas ako riyan, a!" ani Huening Kai kasabay ng malakas niyang halakhak na siyang kinadismaya ng marami sa'ming tatlo, lalo na kay Beomgyu. Naningkit ang kanyang mga mata at tila nandiri sa kanyang inasta bago siya tumabi sa'kin. Napabuntong-hininga na lamang ako sa'king sarili, akala ko ba sikreto naming dalawa 'to?

Humanda talaga 'to sa'kin.

be mine, thenWhere stories live. Discover now