Pansin ko na hindi nanunuway si Sir kanina kahit na medyo maingay yung mga kaklase ko habang nagdidiscuss sya.

Sabagay, hindi naman sya yung mahihirapan, kagaya ngayon, mga nakinig lang talaga kanina yung makakayang sagutan yung ibinigay nyang quiz.

Nilingon ko si Kate na busy pa rin magsagot.

"What? Are you done?", tanong nito nang mapansing nakatingin ako sakanya.

"Yes and bilisan mo na mag answer dyan, malapit na yung time"

"Edi wag mo'kong kausapin"

"Really? Ikaw kaya unang nagsalita satin"

"Manahimik ka"

Hindi nalang ako nagsalita para matapos nya na, number 10 naman na sya e.

Kahit kahapon lang kami nagkakilala nito, sobrang gaan na ng loob ko sakanya.

Nang magising ako kahapon ay nakaramdam ako ng gutom, nagpunta pa ako sa Cafeteria at nakita ko ulit si Kate doon na kumakain.

At syempre, kumain kaming dalawa at naglakad lakad hanggang sa dumilim na.

Sabay na din kaming nagdinner doon sa dorm nya.

Sya yung nagluto, marami syang grocery sa room nya. Hindi pa kasi ako nakakapag grocery eh, saka nalang siguro.

Yung refrigerator ko nga puro tubig yung laman.

"Okay pass your papers!", sambit ni Sir kasabay ng pag tunog ng bell.

After nitong math ay mamaya na ulit 1pm yung klase namin sa Philippine History.

Nagpunta nalang muna kami sa Cafeteria para kumain. Di ako nakapag umagahan kanina, wala kasi makain e. Hindi din ako makapag luto kasi wala pa akong stocks.

Nag order ako ngayon ng heavy meal kasi nagugutom talaga ako.

"Hindi ka naman siguro nagutom dahil sa quiz kanina?", natatawang sambit ni Kate na ngayon ay umiinom ng orange juice nya.

"Hindi, nagugutom ako e, hindi kaya ako nag umagahan"

"Why? Alam mo bang sobrang importane ng breakfast"

"I know, wala pa kaya akong stocks na foods sa dorm ko, kakadating ko lang kahapon no", nagpatango tango lamang sya.

"Hinatid lang kahapon nila Dad yung mga grocery ko don sa dorm ko, balak ko nga sana maggrocery sa Sabado e, pero ikaw nalang samahan kita", sagot nya na ikinangiti ko at nagsimula ng kumain.

"San mo balak tumambay? Dito lang?", tanong nya.

"Sa Library, kailangan nating magreview ng mga last topics diba, magtatake tayo ng midterm exams", pag papaalala ko dahil mukhang nakalimutan nya.

"Okay chill, sama ako", tumayo na kami at nagpunta sa Library, 3rd floor.

Pagpasok namin sa elevator ay may biglang nagpigil sa pagsasara ng pinto.

"Hey Ellie!", he's still wearing those beautiful smiles, gosh.

"Chris", nakangiti kong bati.

"San punta nyo?", tanong nito.

"Sa library"

"Sakto pala dun din punta ko, may pinapakuha saking libro si Miss Addison", napatingin sya sa kasama ko at nang lingunin ko si Kate ay nakatitig lang ito kay Levi na akala mo ay nakakita ng artista.

"Uhm, Chris this is Kate and Kate this is Chris", pagpapakilala ko sakanila.

"Hi Kate, nice to meet you", inilahad ni Chris yung kamay nya pero itong gagang kasama ko ay nakatitig lang dito kaya siniko ko sya.

Same PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon