Pagkagising ko, alas-kwatro na ng hapon, ang bilis. Bumangon ako at nag-suot ng tsinelas, lumabas ng kwarto at pumunta ng labas. Maaraw pa, kaya nag-ayos ako ng sarili ko bago ako lumabas ng mismong bahay.
Maraming nawalang tindahan at kapitbahay dito. 'Di ko na nga malaman kung ito pa ba 'yung dati naming baranggay. Pumunta ako sa sari-sari store at bumili ng tinapay, at soft drinks. Unhealthy dahil 'di pa 'ko kumakain ng lunch pero hayaan na.
Mamamatay rin naman.
Umupo ako sa upuan sa tabihan habang kumakain. May mga batang naglalaro pa rin kahit hapon na. Nanonood lang ako sa kanilang naglalaro ng tagu-taguan. Na-miss ko tuloy maging bata.
Palagi ko namang namimiss. 'Yung mga panahong 'di ko pa pinapansin 'yung pagsasawalang-bahala nina kuya sa 'kin. 'Yung panahon na... May nanay at tatay pa 'ko, tatay na ako 'yung paborito. Tapos 'yung panahon din na... Nakilala ko 'yung kaisa-isa kong kaibigan. Tanga lang ng pinag-iisip ko sa totoo lang.
Kumain na lang ako habang nag-iisip ng pwedeng magawa ko rito. Shuta kasi, ba't pa kasi kailangan pa 'ko rito sa kasal ni kuya. Tangina naman, oh.
Pumasok ako sa bahay, nanood ng YouTube. Puta, miss ko na si Theon. Ang poging vocalist, sarap ipagdamot. Putek, baka kung ano na inisip niya tungkol sa 'kin, ah.
Naisipan kong buksan 'yung Insta ko, may message siya pero 'di ko binuksan. Ba't kasi pakyu sagad 'yung last chat niya? Sunod kong binuksan 'yung Twitter ko, pero tangina, bungad pa rin tweet niya.
"Ghinost siya nino?" tanong ko sa sarili ko nang makita ko 'yung tweet niya kanina. Tenang meme 'yan. Illike ko sana pero makikita niya kaya 'wag na. Chineck ko 'yung replies, so ghinost nga siya?
Sino naman 'yung tangang 'yun?!
Natapos ang araw na 'to na puro ako higa at kain sa tindahan, 'di lang ngayong araw kundi sa mga sumunod pa. Wala akong magawa at ayokong tumulong sa pag-aayos nina kuya sa kasal niya. Masabihan pa 'kong pakialamera. 'Wag na lang.
Friday na ngayon, bukas na ang kasal ni kuya. Tangina, 'di ko akalain na ikakasal siya dahil sa ugali niyang basura. Tanga naman ni ate Jane. Pero wala, ayos na 'to. Kahit may madagdag sa bahay, wala naman akong pake dahil wala rin naman ako rito palagi.
Kumain na lang ulit ako sa karenderya, mechado ulam. Tangina, ang sarap ah. Sinong nagluto nito at maasawa na.
Joke lang, may Theon pa 'ko sa Maynila.
Habang nakaupo ako ro'n at kumakain, may biglang dumating na lalaki sa lamesa ko. Naka-black cap, at parang may pinag-tataguan. Tangina, mahoholdap pa yata ako rito.
Umisod ako nang kaunti dahil sinisiksik na niya 'ko. Sino ba 'tong gagong 'to? "Hoy, kumakain ako..." sambit ko dahil eto na siya sa tapat ng pagkain ko.
"Ay sorry..." sabi niya at saka siya umisod nang kaunti, nakatingin pa rin sa 'kin. "Ano 'yon? Punyeta, ang sama na ng araw ko, dumagdag ka pa." nanggigigil kong sabi. 'Di na 'ko natapos dito sa pag-kain.
"Pasensiya na, miss... Hinahabol kasi ako nu'ng.. sugar mommy ko hahahaha" palinga-linga niyang sinabi. "Sugar mommy? E ba't ayaw mong puntahan? Baka may perang bigay..." sabi ko na parang close kami para magbigay ako ng opinyon.
"'Di... Gusto niya ng sex. Nakakatakot kaya..." sagot niya sa 'kin, nasamid ako habang kumakain. "Nag-sugar mommy ka pa, ayaw mo naman pala sa gusto niya... May taka ka ba?" sinabi ko habang umiinom ng tubig.
"Gano'n talaga. Malay ko ba'ng may ganito siyang gusto. 'Kala ko sapat na sa kanya pagpunta-punta ko sa kanila, gusto pa pala ng sex." pagkwento niya. Tangina, sino ba 'to?
"Magkaroon ka pa ng STD, 'no? hahaha gago mo namang magdesisyon." sambit ko, na para ba'ng matagal na kaming magkakilala. Grabe talaga 'yung pagsasalita ko, e 'no?
"Kumain ka na diyan, baka wala na 'yun sa bahay. Sorry sa abala..." sabi niya, 'tsaka siya tumayo at naglakad palabas ng karinderya. "'Ge lang, hahaha" sabi ko naman at saka na 'ko kumain at 'di na pinansin 'yung pag-alis niya.
Ang bango niya, in fairness. Parang hindi nalalapitan ng sugar mommy. Pagkatapos ko kumain, umalis na 'ko at umuwi. Marami nang nagluluto ng ihahanda bukas, pero 'di ako kumain do'n.
Sabihin pa ni kuyang wala akong ambag, duh.
Kinabukasan, ang dami nang tao, mas marami pa sa dumating kahapon. May mga nag aayos na sa mga pinsan at pamangkin ko. Pati sa mga kapatid ko, meron. Tamad na tamad akong bumangon, inangyan, pilit na pilit ako.
Kung 'di lang dahil kay ate Jane na nagpumilit na sumama ako, 'di ako pupunta, e. May mag-aayos din daw sa 'kin kaya naligo na 'ko at nagbihis. 'Yung isusuot ko raw ay white bakuna blouse.
Nang matapos ang pag-aayos sa lahat at siyempre kay ate Jane at kuya, lumabas na kaming lahat para sumakay sa jeep papuntang simbahan. Abay raw ako, sabi ni Khalmini, kapatid ko. Umirap ako sa hangin nang makita kong nagtawanan sina ate Unique at Khalmini. Tanginang 'yan, ayaw talaga nila ako pansinin ngayon?
Palibhasa, pinagkaitan ng kagandahan, e.
Naglakad ako sa carpet, papunta doon sa harapan, ako lang mag-isa dahil wala pa raw 'yung partner ko. Deputa, partner partner pa, si Theon lang gusto ko kapartner.
Habang pilit ngiti akong naglalakad, may tumabi sa 'kin sa paglalakad. Putek, 'yung lalaki kahapon sa karinderya. "Ay, gagi hello ulit!" ngumiti ako nang kaunti at naglakad na kami parehas.
Nagspeech sina kuya tapos naging mag-asawa na sila. Natuwa lang ako nang kaunti dahil natupad 'yung pangarap nina Nanay sa kahit isa man lang sa aming magkakapatid ang maikasal.
"Kapatid ka raw ni Nick?" itinanong nu'ng lalaking katabi ko, tumango ako kahit ayoko sabihin sa iba na kapatid ako ni Kuya. "Ba't 'di kita nakikita rito? Taga-saan ka?" dagdag tanong niya. Aba, pota.
"Taga-Maynila ako, umuwi lang ako ngayon... 'Wag mo nang tanungin kung bakit." sagot ko habang kumukuha ng kakainin, nasa bahay na kasi kami. "Ahh, so bale apat pala kayo, 'kala ko sina Unique at Khal lang kapatid niya."
"Kaano-ano ka ni Kuya?" tanong ko, "Kapatid ako ng asawa niya!" nakangiti niyang sagot. Wow, kapatid ko na pala siya ngayon.
"Sayang, hipag na pala kita..." bulong niya da hangin pero rinig ko rin. Natawa ako, at tumingin sa kanya. "Bakit? Gusto mo ba 'ko?" tanong ko, ngumiti siya at sumagot, "Pa'no 'pag sinabi kong oo?"
Putangina.
