"Alam mo napaka garapal talaga nyang Tita mo na yan, ang kapal ng mukha! Bigyan mo nga minsan ng batong panghilod, baka sakaling mabawasan ang kakapalan ng mukha," gigil na gigil na sambit nya. "Pero biruin mo yon may pagka-gentleman din pala yang crush mo, kung sa ibang tao yan hindi na sila sasama sa paghatid sayo at baka ibaba ka na lang sa tapat nyo at umalis, pero sya hinintay pa talaga na sumara ang gate nyo bago umalis," patango-tango nyang sabi.

"Bukod sa gwapo nyang mukha, isa din yon sa naging dahilan kaya nagustuhan ko sya,"

"Kung ganon mo na pala sya katagal na gusto bakit hindi mo sya kausapin at sabihin yang nararamdamn mo? Aitana apat na taon, halos apat na taon ka na palang may gusto dyan kay Cane bakit hindi ka pa umamin?" may irita sa boses nya na para bang inip na inip na.

"Ayoko nga, tsaka wala akong lakas ng loob. Kung yun ngang mga babaeng maganda, sexy at mayaman na nagtapat kay Ellrix hindi nya pinansin, ako pa kaya na kabaligtaran ng mga yon, edi lalo na. Alam ko naman kung saan ako lulugar at alam ko kung dapat hanggang saan lang ako," hindi ko mapigilang itago ang lungkot na nararamdaman ko.

Nakita ko sa aking gilid na napasabunot si Serina sa kanyang sarili, na mukhang naiirita na sa mga dahilan ko. Ilang beses na ba nyang sinabi sa akin na umamin ako kay Ellrix...? isa.. tatlo.. lima... hindi ko na mabilang.

Mabilis sabihin na 'umamin ka na sa kanya' pero kapag nandon ka na at sinubukan mo, parang lahat ng hinanda mong sabihin bigla mo na lang makakalimutan, na para bang nablangko bigla ang isip mo..

"Hay nako, Aitana ewan ko sayo. Basta huwag mo lang hayaan na umabot na naka-graduate na tayong lahat ng hindi mo parin nasasabi yang feelings mo kay Cane, dahil sinasabi ko sayo, magugulat ka na lang na kinulong ko na kayong dalawa sa iisang kwarto para lang maka-amin ka dyan. Para if ever na ireject ka nya walang makaka-alam kung hindi kayo lang... ay hindi pala kayong dalawa lang, dahil sasabihin mo sa akin ang mangyayare sa inyong dalawa." taas-baba nanaman ang dalawang kilay ni Serina habang nakangisi sa akin.

Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi nya, "Grabe ka naman, bakit parang siguradong-sigurado ka na marereject ako? Kala ko ba kaibigan kita."

"Aitana, ang tunay na kaibigan sasabihin sayo ang totoo at hindi ka papaasahin sa mga bagay-bagay na malabo," irap nito sa akin.

Siraulong to! Alam ko naman yon pero hindi ba pwedeng pampalubag ng loob na sabihin nya na may chance na hindi ako i-reject ni Ellrix, if ever magkaroon ako ng lakas ng loob na umamin.

Naubos ang 30 minutes namin sa pagkwe-kwentuhan slash pang-aasar nya sa akin. Mabilis kaming tumayo at naglakad patungong cafeteria dahil parehas kaming nakakaramdam na ng gutom. Nasa labas palang kami ng mismong cafeteria ay agad naming napansin na kakaunti na lang ang estudyanteng nasa loob which is yun talaga ang rason kung bakit ngayon lang kami nagpunta.

Nasa may bilihan na kami ng ulam nang bigla na lang nanlaglag ang aking mga balikat dahil nakita kong wala ni isang ulam na natira. Mukhang naubusan na kaming dalawa.

Nilingon ko ang nasa likod kong si Serina na ngayon ay nakasimangot na. Lumipat sya tindahan ng mga meryenda, nakasunod na lang ako sa kanya. Bumili sya ng dalawang hamburger at isang coke habang ako naman ay isang order ng french fries, hamburger at mineral water. Hindi ako mahilig mag-coke dahil mas lalo lang akong nauuhaw kapag yon ang ininom ko.

Dumaretso kami sa may study area na katapat lang ng classroom na papasukan namin mamaya. Nang matapos naming ubusin ang pagkain namin at handa ng pumasok sa classroom ay tsaka naman kami nakatanggap ng chat mula sa gc namin at sinabing wala raw kaming klase sa subject na ito.

Kaya heto kami ngayon nakatambay sa music room, hindi lahat ay pwedeng pumasok dito tanging mga miyembro lamang ang pwede. Pero dahil member ako ng music club ay maari akong pumunta rito kahit kailan ko gusto, hindi member si Serina pero nakapasok sya dahil sa akin.

Like A StarTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang