One Shot Poems

34 2 0
                                    


  Lumaya Na

Mistulang ako’y nawawala na sa umpisa,
At  tila ba puso’y binalot ng tanikala,
Waring nasadlak sa masukal na hawla,
Na kung saan ay ninanais kong makalaya.

Pero ang lahat ay nagbago,
Simula ng makilala ko si Kristo,
Ang dating ako na sobrang makamundo,
Namulat at nagkaroon ng kalayaan sa puso.

Ito ang panibagong ako sa  ngayon,
Malaya na at bumangon,
Mula sa gapos ng panahon,
Na siyang nagpakulong sa nito sa madilim na kahapon.

Kaya itong puso ko ngayon,
Naging ganap na ang pag-ibig sa Panginoon,
Kahit saan man mapadako o maparoon,
Siya’y nagdidirekta’t gumagabay sa kahit anong hamon.

Sa Paghupa Ng Alon

Lantad man ang matamis na ngiti sa mga labi,
Mababakas pa rin ang sakit na pilit ikinukubli,
Na siyang kusang ibabaon at mapatatag ang sarili,
Kahit na katauhan ay nilamon na ng pighati.

Hanggang kailan nga ba matatapos?
Hanggang saan nga ba haharap sa unos?
Mga katanungang 'di nauubos,
Walang maisip na sagot sa pag-asang waring nakagapos.

Pero kapatid ramdam ko ang iyong pagka-ginaw,
Maging ang hindi mo mapigilan na pagkauhaw.
Tandaan mo sa hamong  ito 'di ka nag-iisang humarap sa kalbaryo,
Milya man ang pagitan natin,nandito lang kami susugal para sa laban mo.

Gaano man ka lakas ang alon na humampas sa iyong buhay,
Huhupa din ito kasabay ang isang hangarin at pag-asa'y taglay.
Sa pagsapit ng bukas maghihilom din ang mga sugat,
Higpitan lang ang pananalig sa Diyos pagkat ang lahat ng ito'y nakasulat.

Hangad Ko,Gadget Mo

Sisimulan ko sa simpleng katanungan,
Itong piyesang hatid ko sa kagaya mong sa pag-aaral lumalaban.
Gaano ka ka-swerte sa gadget na gamit mo?
Masaya ka ba na meron ka nito o ayaw mo pa kasi wala sa uso?

Kaibigan,alam mo napakaswerte mong tunay,
Kasi yang hawak mong selpon ay pinag-iponan nang nagbigay,
Katumbas yan ng dugo at pawis ng iyong inay at itay,
Kaya gamitin mo ito ng wasto at tama para masuklian mo ang sakripisyo nilang inialay.

Alam mo ba wala akong ganyan,
Nagtitiis lang ako sa sira-sira at ‘di pa halos mapindot ng tuluyan,
Pero heto alang-alang sa pangarap ay lumalaban,
Mahirap man ngunit hindi ito hadlang para patuloy akong tatawid sa unahan.

Kaya yung mga pa-tiktok-tiktok ay ipagpaliban na muna,
Lods, sa ka-i-ML mo sana itigil mo na!
Kapatid, yang ka-bababad mo sa YouTube at Facebook ay isantabi na muna;
Higit sa lahat nandyan yang modules mo naghihintay ng atensyon mo at saka magtipid
ka na rin ng load kasi mahirap humagilap sa ngayon ng pera!

A Furish Bard

Driving on a vivacious glade;
Where I startled to sharpen my blade.
Dealt a superfluous exertion;
To ascertain a glorious passion.

Just like a scrawled note in a palm;
Bestowed a precious realm.
Flare out a single granite;
Till it flabbergasts a thriftless ignite.

Meander the unsure journey of being a writer;
Somehow astute afar to wax a gift better.
Spawn an enormous appellative;
Acquires an extravagant and assertive strive.

I wander a peculiar pace;
Encounter some dazzling poets at ace.
Shape me to groove a niche ability;
Yes I’m a furish bard who savors a delightful entity.

LANDAS

Ninanais mong takasan ang lubid ng nakaraan,
Sumasabay sa daloy ng karamihan,
Umukit ng sariling kaganapan,
Habang binabaybay ang tinatawag na kapalaran.

Piece's of Blue  HeartWhere stories live. Discover now