CHAPTER 17

5K 215 29
                                    

"The Emperor is very powerful, isang malaking problema kung tatalikuran natin siya." Nababuntong hininga si ama.

"Wag mong sasabihing susuportahan natin sya sa kanyang plano? He'll kill his own siblings, taliwas sa ating prinsipyo ang pumatay." Mahinahong saad ng Reyna ngunit bakas rin ang pangamba sa kanyang mukha.

Napahilot ng sintido ang aking ama. "We don't have a choice, dear. Tayo ang malalagay sa alanganin kung susuwayin natin ang kagustuhan ng Emperador. I'll stain my hands with blood if needed, just to protect our Kingdom." Nadidismayang napatingin si Reyna Alena sa aking ama bago nag-iwas ng tingin.

Ano ba ang iniisip ng Emperador? He already secured his throne, his siblings are not a threat anymore so why? Okay lang naman na mag away-away sila basta'y hindi ako mapupunta sa alanganin, kasi hindi ako mananatiling tatahimik kapag dinamay nila ako, blood will spread on the entire Empire.

"Amara." Napalingon ako sa amang hari, seryoso ang kanyang mukha at malamig ang boses.

I sweetly smiled na tila maamong tupa. "Yes, dad?"

"Why did you come here?" Napangiwi ako sa naging tanong nito, ano na namang palusot ang sasabihin ko. Napatulala na lang ako sa mga pagkaing nakahain.

Napaayos ako ng upo nang tumikhim ang hari. "Oh, I just missed you all. Hindi nyo man lang ba ako gustong masilayan, ilang buwan na rin tayong hindi nagkita?" Kunyari'y malungkot kong saad, pinilit kong mag-isip ng isang nakakalungkot na pangyayari ng sa gayo'y manubig ang aking mata. Hindi nakalampas sa aking paningin ang paglambot ng mukha ng Reyna. She really loves me. Mwehehe.

Napatikhim ang hari at pinanatiling matigas ang ekspresyon. "You escaped. Umabot na sa ibang kaharian ang balibalitang pinaghahanap raw ng mga Royal guards ang pangatlong Concubine sapagkat tumakas ito. May I ask what is your reason to do such things?" I bit my inner cheek, kalat na kalat na pala ang tungkol sa aking ginawa? Pati ba naman dito may mga marites pa rin.

Naramdaman ko ang mga matatalim na tingin sa akin ni Rajveer sa gilid ko, nagtatanong rin akong tiningnan ng aking ina. Ah-oh.

Kabado kong kinamot ang aking batok bago pilit ngiting tiningnan ang hari. "I'm overly bored inside the palace, kung magpapaalam naman ako sa Emperor na aalis ako ay di nya ako pinayagan. Ikinulong pa nga nya ako sa aking kwarto at pinagbawalan nya ang mga katulong na pakainin ako." Pahsisinungaling ko, well that's half-true. Totoo namang ikinulong nya ako sa kwarto.

Suminghot pa ako upang mas maging makakatotohanan ang aking sinabi, nakita ko kung paano manguyom ang kamao ng hari. Hindi makapaniwalang napatingin sa akin ang reyna, puno ng simpatya ang mukha.

"How could.. how could he." Nataranta ang hari at ang aking kapatid ng magsimulang umiyak ang reyna. "How dare he do that to my precious daughter? Maayos kong pinalaki at inalagaan ang aking anak ngunit pagdating doon ay tinatrato sya ng masama? I want to die! Nagkulang ako bilang kanyang ina." Naghihisterikal na saad ng reyna, dinaluhan na sya at niyakap ng nag-aalalang asawa.

Kahit anong gawin ng hari ay hindi nya mapatahan ang aking ina. I saw how Rajveer's fist clenched in my peripheral vision.

"Kung alam ko lang na ganyan ang sinasapit mo sa Imperyo, matagal na kitang inagaw mula sa kanya." Alam kong ako lang ang nakarinig sa sinabi nya sapagkat masyado itong mahina. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sapagkat nag-aalala sa akin ang aking kapatid o ano, sapagkat para sa akin, ay iba ang ibig nyang iparating.

It's somewhat dangerous, and I hate it.

Hinawakan ng aking kapatid ang isa kong kamay. "What else did they do to you? Did they maltreated you so much?"

Gusto kong sumagot na Oo. Oo masyado nilang minaltrato at pinahirapan si Amara nung nabubuhay pa ito, ginamit nila ang kahinaan ni Amara upang tapakan sya. Naging Impyerno ang buhay ni Amara sa palasyo dahil sa ibang Concubines at mga katulong. Gusto kong sabihin na namatay si Amara sa loob ng palasyong iyon ng walang nakakaalam, wala man lang silang kamalaymalay na may isang taong nawalan ng karapatang mabuhay ng dahil sa kanila.

Another Life As The Emperors' ConcubineWhere stories live. Discover now