"Stop talking." Nakapikit pa rin nitong sabi. "I really missed you, Amara. Hindi ako makapunta at makabisita sayo aa Imperyo sapagkat pinagbabawalan ako ng Emperador." He pouted. Para syang batang nagsusumbong sa ina.

Tumango lang ako, hindi ko alam ang sasabihin sapagkat para akong kinakapos ng hininga sa aming posisyon.

"I want to kill him but I can't. Mahal mo si Luther kaya alam kong masasaktan ka pag ginawa ko iyon."

Tumango-tango na naman ako sa sinabi nito, he should really have killed that Emperor.

Hindi ko namalayang napatulala na pala ako ng matagal sa kanya, he shyly looked away. "Stop staring." Saway nito sa akin.

I just nod bago ipinikit ang mata. "Good night Yvaine." At nilamon na ako ng kadiliman.

Nagising ako at naramdamang may humahawak sa aking kamay, paisa-isa nitong pinipisil ang bawat daliri ko na parang binibilang ang mga ito.

Iminulat ko ang aking mata at bumungad sa akin ang nakanguso kong kapatid. Ano na namang problema nito?

Lumiwanag ang mukha nito nang nagkatinginan kaming dalawa. "Sister! You're awake." Napangiwi pa ako sa lakas ng boses ni Rajveer.

Dahil wala ako sa mood ay tinanguan ko lang ito bago binawi ang kamay at tumayo.

"Good morning Yvaine, hinihintay ka na ng ating ama at ina sa hapag." Liningon ko ito bago tinanguan na naman ulit, he pouted. I have the urge to erase his duck face in this world.

Lumapit ito sa akin. "How's your sleep?" Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa bago ngumiwi.

"Horrible." Malakas syang napahalakhak sa aking sinabi. Naalala ko na naman kung paanong muntikan na akong mahulog sa kama dahil masyado syang malikot matulog. Idinadantay nya pa sa akin ang kanyang binti na akala mo ay hindi mabigat.

"Don't you dare sleep with me again, trust me, kundi sasakalin talaga kita." Inis kong saad. Nagkasalubong ang kanyang kilay.

"Sleep with you, eh?" Nanlaki ang aking mata sa kanyang sinabi. Bago ko pa man mapagtanggol ang sarili ay mabilis syang lumabas sa kwarto, iniwan akong nakatulala.

He misunderstands it!

Nakangiting tiningnan ko ang repleksyon sa salamin, I'm a real godess.

Hindi ko hinayaang tutulungan ako ng mga katulong sa pag-aayos sapagkat hindi ako sanay kung hindi si Liza ang umaayos sa aking susuotin.

Nakasuot ako ngayon ng isang eleganteng bestida na kulay lila, may flower crown din akong inilagay sa ulo at hindi na ako nag-abalang magmake-up.

I gracefully walked to the halls, hindi rin maiiwasang hindi mapatingin sa akin ang ilan. I kept my blank face.

'May napansin ba kayo? I feel like our princess changed.'

'Ako rin, may kakaibang awrang pumapalibot sa kanya.'

'She used to be so cheerful, ngunit parang nag-iba na sya sa pag-uwi nya mula sa Imperyo.'

'Maybe something happened there?'

Nangunot ang aking noo ngunit ipinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad. Ofcourse, the Amara you used to know change because she's already gone. Ano bang aasahan nila, magkukunwari akong mahina at estupido sa kanilang harapan sapagkat yun ang kanilang nakasanayan? I wouldn't stoop that low just to meet their expectations.

Napatigil ako nang makapasok ako sa dining hall, napupuno ito ng mga masasarap na pagkain. Parang may piesta.

Sarkastiko akong napatawa sa isip, nang-uuyam na pinasadahan ang mga nasa loob. King Leo Eliazar, my father, Queen Alena Eliazar, my mother, and Rajveer, my brother. Paano nila nagawang kumain ng ganito karami habang ang mga nasa labas ng pader ng palasyong ito ay nahihirapang kumain ng tatlong beses sa isang araw?

Why can't they see that their people are suffering? Napakuyom ang aking kamao bago ngumiti- ngiting puno ng pagkasuklam. Pagkasuklam sa mga taong tinitake advantage ang kanilang karangyaan.

Napatingin sa akin ang lahat nang magsimula na akong maglakad papalapit, umupo ako sa upuang katabi ni Rajveer. He smiled at me, I smiled back.

Tumikhim ang aking ama. "Amara, welcome back." Nakangiting sabi nito.

Mahina akong yumuko. "Maraming salamat, kamahalan." Parang nabigla ang hari sa aking sinabi.

"You used to call me, 'father' what's the change of air?" Malungkot nitong saad.

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi, baka magsuspetsa syang hindi ako ang tunay nyang anak. I should be careful from now on.

"Stop biting your lips." Rinig kong bulong ni Rajveer na alam kong ako lang ang nakarinig, I bit my inner cheek then gave him a small nod.

Big deal ba masyado?

"I'm sorry dad, kakauwi ko lang ngayon sa loob ng ilang buwang pananatili sa imperyo. I just want to acknowledge your name because I missed you? Hehe." Kabado kong sabi then forced a small laugh.

Sumigla naman ulit ang mukha ng aking ama. I sighed in relief.

Nang matapos na kami sa pagkain ay hindi muna kami pinaalis ng hari sapagkat may mahalaga daw syang sasabihin.

Nabalot ng tensyon ang buong silid, napalunok ako sapagkat ramdam ko ang pagdilim ng awra ng hari. Something bad happened.

"Dear, let's start the discussion." Mahinahong saad ni Reyna Alena. The King gave her a quick nod.

Tumikhim ang aking ama bago nagsimulang magsalita. "The Central Empire has fall into chaos, the Emperor ordered a decree that states to kill his two other siblings, Princess Rhea and Prince Drake. At ang ikinakatakot ko ay baka masali sa away ang ating kaharian.  We all know we don't stand a chance if ever a war will broke." Napatigil ako sa kanyang sinabi.

The Emperor wants to kill his blood siblings? It that the time when I saw princess Rhea near the forest? Tumatakas ba sya nung mga oras na iyon?

How about Drake, posibleng umalis na din sya sa Imperyo. Sino ba namang hindi, someone wants them dead, and the worst part is the one that ordered that is their own brother.

Pasikreto akong ngumisi, the things will be more exciting starting from now. Akala ko mamamatay ako sa boredom sa mundong ito, being transmigrated is not bad at all.

Another Life As The Emperors' ConcubineWhere stories live. Discover now