CHAPTER 20

1.2K 86 8
                                    

Kanina ko pa talaga napapansin si peter na nakatingin sa akin. Like, what the?!? Alam kung maganda ako, kaya huwag niya akong titigan na parang matutunaw na siya–yes, siya ang matutunaw at hindi ako. Cold kasi siya tapos ako hot!

"ONE!!! HUH! WHOA!!" nakikisabay ako kay claire na todo ang hataw sa pag-sayaw. Hindi ako nainform na magaling pala siya sumayaw.

Hays, ‘yong work ko di ko na inaatupag, kaya naman nila.

'Wanna be love?'

Bakit kaya kung ano ano nalang pumapasok sa utak ko? Wanna be love? Of course!

"Ang pe-pretty niyo!" biglang sambit ni gynner habang nagpapac-cute, habang si peter parang hindi pa tanggap.

"E-eh? Saan banda? Eh mga mukha nga silang isda." napahinto ako sa pagsasayaw at lumapit sakanya. "Can you please repeat again?"

"English yarn?" *Binatukan* "shutaccaa!"

"Eh? I'm not shutacca, I'm peter cute." anggulo talaga ng utak nito'ng kumag na ito.

Ays! Nakalimutan ko tuloy si Cyriena, tungkol saan nga ‘yong sasabihin niya sa akin? Argh. Nevermind na nga!

"Aba, marites!! Lumalaki na ang cocomelon mo a–" *sinampal*

"Are you gagoing me talaga Peter lopez?!"

"Peac–" binatukan ko siya ulit. "Peace nga eh! Ba't kailangan mong mambatok?!? Ikaw kaya batukan ko?!" Malakas na sigaw niya sa magandang mukha with tumatalsik ang laway. Yikes!

"Eww!! Amo'y bulok na isda!" hinarang ko ang palad ko sa mukha niya, "magtoothbrush ka nga doon! Amoy isda na bulok ‘yong hininga mo! Ewww!!"

"Mahiya naman ako sa hindi nagtoothbrush ng isang linggo d’yan." pagpaparinig niya.

"Atleast isang linggo lang, pero mabango pa rin. E ikaw? Amoy bulok na isda, yuck!!" lumayo layo ako sakanya, "gamitin mo ‘yong toothbrush na nasa cr. Iyong ginagamit namin pangusngos sa sahig." dagdag ko pa.

"Ewww!! Kaderder ka marites!"

"Can you please stop calling me 'marites?!' I have a beautiful name, okay?"

"Mas bagay sa‘yo marites, kasi chismosa ka." Aba't! Parang pinagtitripan pa talaga ako ng kumag na ‘to. Gusto na yata magpahatid sa impyerno ah?

"CUTTT!!" sigaw ni gynner at humarang sa harap namin ni peter habang nakangisi.

*Binatukan*

"Huwag kang humarang, ang laki ng ulo mo bhie!"

"Comedown ka lang marites...."

"Comedown?! Ulol! Ang laki laki mo na hindi ka pa rin marunong?! It's...... calmdown....."

"Comedown kasi ‘yon, mas marunong ka pa sa akin."

"Edi ikaw na magaling! Akala mo naman ang talino e bugok lang naman!"

"FOR YOU INFORM–" itinapat ko ang kanang palad ko sa mukha niya, "Stop! Magtoothbrush kana doon, ang baho ng hininga mo. Amoy bulok na isda." tinarayan niya ako bago umalis.

Sa totoo lang, mabago talaga hininga ni peter. Parang ment.

Nagpaalam akong lumabas kay claire. Bibili ako sa tindahan malapit dito sa amin. After ilang years, ngayon nalang ulit ako bibili sa tindahan. Lagi kasi kaming nasa mall at doon namimili.

TOGIS7: BEHIND THE MASK (S2)Where stories live. Discover now