Chapter 55

45 4 32
                                    

Kyle's POV

"OMGGG, BISHOP!!!!!!! Iba talaga magrebound neto!!!!" sigaw ni Chin na naeexcite.

Nanonood kasi kami ng Game 3 Finals replay ng Ginebra at Meralco since we couldn't make it dahil sa training ko, preparation for my upcoming games.....

While Chin, halos all day siya nag-cover ng game as a courtside reporter kaya nawala talaga kami ng time manood kahit man lang sa TV yung game.....

"Shems, mananalo na Meralcoooo!!!!!!" sambit nya na natutuwa habang yung dalawang kamay niya, kinakapitan niya sa isa't isa, obviously hoping na sure win na Meralco na ikinangisi ko lang.

Hindi siya Meralco fan pero anti-Ginebra...... while baliktad sakin..... Ginebra ako kaya nag-aasaran kami everytime nananalo Ginebra.....

Nung around 1 minute nalang at 7 parin lamang ng Meralco, napangiti na siya sa wakas......

"Yon, sure win na Meralco!" sambit ni Chin in a cheerful tone.

"Pero Ginebra parin magchachampion!" pag-asar ko sa kanya sabay-dila.

"Oh talaga baaaa????"

"Oo naman! Kelan ba hindi nanalo mga sinusuportahan ko????"

"Nung nag-aaral pa tayo! Di mo na ba naaalala?"

"Sige nga, kelan?" paghamon ko sa kanya.

"Nung naglaban Bucks at Suns sa Game 4! Nanalo Bucks diba????" ganti niya bago mag-roll eyes na ikinachuckle ko.

"Bucks in 6 that time dati diba???"

"Oh tapos?"

"Edi Ginebra in 6!" sambit ko na ikinakunot ng noo niya.

"Gaano ka kasure????" tanong niya na ikinangisi ko.

"Hah! 100%! Unstoppable si Brownlee lalo na sa crucial eh!" pagsabat ko na ikinachuckle niya.

"Brownlee talaga??? Ah, sa kanya nagrerely ganon???" sambit niya na ikinachuckle ko.

Oh tamo? Pag sports pinag-uusapan namen, halos never-ending bardagulan kami..... kasi kung ano sinusuportahan nyang team, doon ako sa kalaban para may thrill kasi asaran kami dito, asaran doon.....

May masaya, may naiinis......

May excited, may naaasar.......

Natatapos lang bardagulan namin kapag isa sa amin, bigla nalang hahalik eh kasi once na may humalik, wala na, napupunta na kami sa make out stage.....

Kaya ayun..... kahit naka-aircon na kami, umiinit parin...... everytime na bumibitaw kami sa paghalik, kitang-kita namin sa isa't isa yung pagpula ng mga mukha namin.....

"Anong Brownlee lang? Hello? May Scottie Thompson, may LA Tenorio, may C-Stan..... Panong si Brownlee lang???" rebut ko sa kanya.

"Witnessed dito sa Game 3 oh? Maski nga nung Game 2, muntik pang natalo Ginebra mo! From tambak to anim nalang lamang! 3-0 na sana oh!" pagsabat ni Chin.

"Panalo parin Ginebra!" nakangiting sambit ko.

"They barely won, actually!" pag-asar ni Chin sakin kaya ini-smack kiss ko siya sa labi.

"Oh sige, pustahan tayo!"

"Ano yon???"

"Pag nagchampion Ginebra, magpopropose ako sayo plus pupunta tayong motel......" sambit ko at pansin kong it gave her chills sa katawan habang nanlalaki mata niya.

"Motel!?!??!?!" gulat niyang tanong na ikinangiti ko.

"Aba! Napag-iiwanan na tayo noh??? Apat saten, magiging magulang na..... tas may engaged na..... tas parang mag-asawa na yung isang couple..... eh tayo???? Mga nauunahan na!" pagsabat ko na ikinachuckle niya.

Unanswered QuestionsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant