CHAPTER 17: THE LAST

Start from the beginning
                                    

"Anong ginagawa mo?" mahinang tanong niya rito.

"I want to stay here." sagot nito saka naunang umupo sa sofa roon. Kinuha naman niya ang maleta niya para lumabas at maghahanap ng ibang kwarto. Pinigilan siya nito saka hinila papasok. Niyakap siya nito patalikod at pinatong sa balikat niya ang baba nito. "Stay here with me." mahinang usal nito. Dahan-dahan naman siyang tumango saka kumalas rito. 

"You can sleep on the sofa." wika niya saka tinuro ang sofa. Nakanganga itong humarap sa kanya saka tumingin sa king size bed. "Don't you ever think about it."

"Why? Couples do that why can't we?"

Tiningnan niya ito ng masama saka dumiretso sa maleta niya. She took her stuff and entered the bathroom.

"I'll be downstairs preparing for lunch." Bigkas ni Kairo bago niya marinig ang pagbukas ng pintuan ng kwarto. 

Dasha changed her clothes into a black high waist short and lousy white shirt bago lumabas at tiningnan ang anak sa kwarto nito. Wala na ito roon at ang Yaya nalang ang naiwan na nagliligpit ng mga gamit nito.

"Nasaan si Kyrie Ate?" 

"Ma'am lumabas po kanina, sumama kay Sir." 

Lumabas naman siya kapagkuwan at bumaba sa ground floor at tiningnan ang dining hall. Wala namang tao roon kaya inilibot niya ang tingin sa paligid. Naglakad siya palabas saka narinig ang tawa ng anak sa likuran. Umikot siya saka nakita ang dalawa na nakaupo sa harap ng mesa na may nakahandang pagkain.

Lumapit siya sa mga ito saka umupo. Matatanaw mula roon ang kabuuan ng lugar at ang malawak na dagat. May swimming pool naman sa ibaba ng inuupuan nila at isang fish pond. Masyadong maganda ang landscape ng lugar, nakakalula ang tanawin. 

Nang dumating ang Yaya ni Kyrie saka sila kumain. Ang daldal pa ng anak na puro kwento lang, mukha yatang inaamo ni Kairo ito.

Nang matapos silang kumain,  agad naman nagpaalam ang anak na titingin siya sa mga isda sa maliit na pond kasama ang Yaya nito. Samantalang umakyat naman siya saka nagtungo sa veranda kung saan matatanaw niya ang kinaroroonan ng anak sa ibaba.

"Do you like the place?" tanong ni Kairo sa kanya. Tumango naman siya at ngumiti rito. Yumakap siya rito saka tumingin sa malawak na dagat. 

"This is the first vacation trip I had since I came back from London." aniya.

"You deserve this with me." natatawang wika nito saka siya umiling. 

"I can't believe the so called Cool President turns out to be a puppy in love."

"What?" di makapaniwalang bulalas nito saka tumingin sa kanya.

"I can still remember David ask where were you, the cool guy. Everytime I look at you I cannot see the cool guy anymore. You're more on like a puppy to me." mapangasar na wika niya saka ngumisi rito. 

Kairo grabs he waist towards him and kiss her. "I couldn't act cool anymore the moment I saw you!"

"Oh really? How about those time when you saw me and Darren on the elevator that day? Alam mo kung ano yung naisip ko?".... Tumaas ang kilay ni Kairo na nakatingin sa kanya. " Naisip ko na siguro nagseselos to o baka narealize nito na hindi pala iyon talaga yung nararamdaman mo sakin. Then Darren laugh at me, he likes teasing Kyrie, but now it turns out that he likes teasing you more than Kyrie."

"That bastard really gets into my nerve. His face makes me pissed. Let's not talk about him, it will just ruin my day."

"By the way, bakit bigla ka yatang nag-aya ng tatlong araw na bakasyon? Bakit?"

BILLIONAIRE'S SERIES #2: ONE NIGHT MISTAKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now