Tumango ako at tahimik na lumabas.

Saktong paglabas ko ay natanaw ko ang mga magulang ni Lauren na halos tumakbo palapit sa akin.

"Thad, how's my daughter?" nag-aalalang tanong ni Don Manolo.

"Nasa loob po ang doctor. Hintayin na lang po natin ang paglabas niya."

Wala sa sariling tumango ang mag-asawa. Tila ba lutang din.

Kagagaling lang nila sa bakasyon sa Boracay at ito pa ang bumungad sa kanila.

"Thank you so much, Thad, for taking good care of Lauren," naluluhang sabi pa ni Doña Charito sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko.

"I'm glad na nagkabalikan na kayo ng anak ko. Wala akong ibang gusto kundi ikaw para sa anak ko, hijo..."

Gulat akong tumitig dito at maging sa Don. Hindi ko alam kung ano'ng alam nila at bakit ganoon na lang ang reaksyon ng mga ito sa akin.

Magsasalita na lang sana ako nang biglang lumabas ang doctor.

"Doc, kumusta ang anak ko?" tarantang bungad ng Don dito.

"She's okay, sir. Ganoon po talaga kapag medyo lumilipas na ang epekto ng painkiller sa kanyang sistema. But we already gave her one at baka po bukas na rin po ninyo siya makausap dahil nakatulog na."

Halos sabay na napabuntonghininga ang mag-asawa.

"Thank you so much, Doc. Please take good care of my daughter..." naluluhang bilin pa rin ng Doña.

"You don't have to worry, ma'am. She'll be fine. It's a good thing na nadala siya kaagad ng husband niya rito," nakangiting sabi pa nito sabay sulyap sa akin.

Tanging alanganing ngiti ang naisagot ko. Parang hindi ko magawang mapahindian ang paniniwala niya lalo pa nga at kaharap ang mag-asawa.

Nang makaalis ang doctor ay muli akong hinarap ng mag-asawa.

"Kumain ka na ba, hijo? May dala akong pagkain dito," ika ng Doña sabay taas sa paperbag na hawak nito.

Marahan akong umiling. "Ayos lang po ako."

"Come on, Thad. Para ka namang ibang tao sa amin." Ang Don na inakbayan pa ako. "Come, join us."

Napilitan akong tumango. Nakahiyaan kong tumanggi.

Tahimik kaming pumasok sa kwarto at naabutan nga si Lauren na nahihimbing nang tulog.

Lumapit ang mag-asawa at hinaplos-haplos ang ulo nang nahihimbing na anak.

Hindi rin naman sila nagtagal at lumapit na rin sa akin sa sofa.

Agad na inilabas ng Doña ang pagkain sa paper bag at inayos sa center table. Halos buong maghapon nga palang walang laman ang tiyan ko kung kaya nang makaamoy ako ng pagkain ay noon ko na lang na-realize kung gaano ako kagutom.

Inabutan ako ng Doña ng pagkain at kahit pa nahihiya ay hindi ko na rin naman tinanggihan iyon.

I am really starving.

"Sige, hijo. Kumain ka lang nang kumain. Alam naming pagod ka kababantay kay Lauren."

Tumango ako at tipid na ngumiti.

Nagsimula na rin silang kumain at tila ba gutom na gutom din gaya ko.

"Akala namin ay wala pa kaming makukuhang flight pabalik. Buti na lang at mayroong nag-cancel at saktong dalawa pa," kuwento pa ng Doña.

"Mabuti na lang din kamo at nandito si Thad. Kaya maraming salamat, hijo." Ang Don na tipid ding ngumiti.

"Wala pong anoman."

Tahimik naming ipinagpatuloy ang pagkain. Para bang saglit na nagkahiyaan lalo pa nga at hindi maganda ang naging paghihiwalay namin ni Lauren.

"I am really sorry for what happened in the past, Thad." Ang Don na noon ay seryosong tumitig sa akin.

Hindi ko nagawang mag-react sa sinabi niyang iyon. Sa totoo lang ay hindi ko na rin naman gustong balikan pa ang nangyari noon. Nakaraan na iyon at masaya na rin naman ako sa buhay ko. Sa tingin ko nga ay nakabuti pa ang paghihiwalay naming iyon dahil nagtagpo ang landas namin ni Eren.

"I am really happy that after all that happened, naging kayo pa rin ng anak ko."

"Um, I want to clear—"

Hindi ko na naman nagawang ituloy ang sana'y sasabihin ko dahil sa pag-ungol ni Lauren.

Nagmamadaling tumayo ang mag-asawa at agad na nilapitan ang anak.

"How are you, baby?" naiiyak na bungad pa ng Doña rito habang hinahaplos-haplos ang medyo nahumpak na pisngi nito.

"I'm okay, Ma. Don't worry about me."

"May masakit pa ba sa 'yo, hija?" Ang Don na hinaplos ang ulo ng anak.

Marahang umiling si Lauren. "May itinurok ang doctor na painkiller kaya medyo okay na."

"I'm glad to hear that, baby." Ang Doña na hinalik-halikan pa ang kamay nito. "We're both happy for you and Thad," dagdag niya sabay sulyap sa akin.

"Ma'am, it is not what you think—"

"I think we should plan the wedding soon. Hindi naman na kayo mga bata para pagtagalin pa ang ganitong setup, right?" Ang Don na pinaghalinhinan pa kami ng tingin.

"Wedding?" Kumunot-noo ako.

Ano bang sinabi ni Lauren sa parents niya?

Bumaling ako kay Lauren at kunot-noong tumingin dito.

Pasikreto lang itong umiling na para bang nakikiusap na huwag muna akong magsalita.

"Papa, stop it. Huwag muna nating pag-usapan ang ganyang bagay."

"Oh, come on, Lauren. Hindi naman na kayo mga bata. Dati na rin kayong naging mag-asawa. Wala namang masama kung magpakasal na ulit kayo. I like Thad better than Christoff. Puro sama lang ng loob ang ibibigay sa 'yo ng hayop na iyon!"

"Tama ang anak mo, Manolo. Saka na nating pag-usapan ang kasal. Ang importante, nagkabalikan silang dalawa." Ang Doña na matamis pang ngumiti sa akin. "Ako man ay gusto si Thad kaysa sa Christoff na 'yon. Kaya anoman maging desisyon nila, masaya ako."

"I am so sorry to burst your bubble, ma'am, sir..." seryosong singit ko.

Sumulyap ako kay Lauren na para bang nagmamakaawa, pero umiling lang ako at muling nagpatuloy.

"But we're not together. I am going to marry Eren and not her." Idinirekta ko ang tingin kay Lauren na tila naiiyak na hindi pa man.

Gulat namang tumitig sa akin ang mag-asawa na para bang hindi inaasahan ang sinabi ko.

"Sorry po. I have to leave," pormal na paalam ko pa bago tumalikod at walang lingon na umalis.

HUSBAND AND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon