Halos 4 PM nang medyo lumuwag na ang oras ko. Kaya naman ang merienda na kanina ko pa sana kinain ay ngayon ko lang napagtuunan ng pansin. Kung katabi ko siguro si Thad ay sermon ang aabutin ko sa kanya.

"Ma'am, may bisita po kayo." Si Gina na nakasilip sa may pintuan.

"Sino?"

Bumulong siya. "Lauren daw po..."

Agad na kumunot ang noo ko pagkarinig pa lang sa pangalan na iyon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o papaano. Ano'ng kailangan niya sa akin para sadyain pa ako?

"Let her in." Agad kong itinabi muna ang pagkaing nasa harapan ko.

Hindi nga nagtagal ay bumungad si Lauren sa may pintuan. I must commend her beauty, she's really beautiful. Para siyang modelo na makikita sa mga sikat na magazine.

"I'm sorry for interrupting your work," bungad niya.

"It's okay," matabang kong sagot.

Kung may galit man ako para sa kanya, hindi dahil sa panloloko ng asawa ko sa akin kundi dahil sa panlolokong ginawa niya kay Thad. Hindi ko lubos maisip na magagawa niyang lokohin ang lalaking wala namang ibang ginawa kundi mahalin siya.

"Please, have a seat." Pormal kong itinuro ang leather sofa.

Agad akong tumayo at nagdesisyong maupo rin sa katapat na upuan nito.

Ilang saglit ding nagmasid si Lauren sa buong opisina bago nagngiting-aso sa akin.

"Your office is nice."

Binalewala ko ang komento niya. Hindi naman kami magkaibigan para maglokohan pa.

"How can I help you?" pormal na tanong ko.

Sumeryoso ang mukha niya. Para bang basang-basa na rin niya ang reaksyon sa mukha ko.

"I don't think it would be fair for Thad to marry you."

"I beg your pardon?" Pakiramdam ko ay kumulo nang husto ang dugo ko hindi ko pa man naririnig ang karugtong ng sinabi niya.

"Christoff told me that you may not get pregnant because of your miscarriages. Thad wanted to have children. I'm pretty sure alam mo iyon."

Kinagat ko ang aking labi at pilit na kinontrol ang namumuong galit.

"I still love Thad and I want him back. Gusto kong ibigay sa kanya ang pamilyang hinahangad niya noon pa. Possibleng hindi mo na siya mabigyan ng anak kaya sa tingin ko, habang maaga pa, gawin mo ang tama at pakawalan mo na siya."

Umawang ang aking labi at manghang tumitig dito. Ang kapal lang din ng mukha ng babaeng 'to!

"You're one crazy bitch..." gigil na bulong ko habang nakakuyom. Wala na lang akong ibang gustong gawin kundi ang sabunutan ito. Pero mas pinili ko pa ring magpigil dahil alam kong iyon ang makabubuti.

"I am just being honest, Eren. Kung gusto mong balikan si Christoff, I don't think that would be a problem either. He wanted to get back to you. Parehas kami ng gusto sa ngayon."

Nagpakawala ako ng nang-uuyam na tawa. Sa tingin ko ay parehas na silang nasiraan ng ulo ni Christoff.

"Seriously, Lauren? Really? Nangangarap ka pa bang babalikan ka ni Thad?"

"He's been in love to me for so long and he probably told you that. Alam kong hindi ganoon kadali mawala ang pagmamahal niya sa akin. He's denying it now because he's in a relationship with you. Alam kong mahal niya ako at babalikan niya ako kapag pinakawalan mo siya."

Mataman kong tinitigan si Lauren. Nababaliw na nga yata siya.

"I think you're wasting my time, Lauren." Humugot ako ng malalim na buntonghininga at mapaklang ngumiti. "Ayusin n'yo ni Christoff ang problema ninyo at huwag na ninyo kaming idamay ni Thad."

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now